Highschool 35

95 5 0
                                    

Highschool Disasters 35:
Turuan kita?

Napatitig ako ng matagal kay Shan noong tanghaling iyon. Tumatak sa isip ang mga salita niya pero natawa ako dahil para namang mi-murderin ako ng mga babaeng 'yon eh hanggang kuko ko lang naman ang ganda ng mga 'yon. Lol.

Lumipas ang iilang araw ng makarating na iyon sa advicer namin. Nagkalat ang iba't-ibang uri ng patama sa facebook at kung ano-ano pa. Even in Twitter. Hindi din naman sa may pakielam ako pero wala eh, chismosa hahahaha chos.

Inipon kami ng teacher namin at sinabing niyang pwede ng lumabas ang ayaw makinig at gusto ng maglunch.

At dahil gusto kong makichismis at makisali ay nagpaiwan ako samantalang lumabas naman sila Ara para kumain. Hmph others.

"So girls, what happened?" Panimula ng teacher namin.

"Tch."

Tumayo si Kristien at lumabas. Wow, pa-special much naman. Kanina pa pinapalabas ngayon lang umalis. Nice. Last mo na yan ah hahaha!

Natahimik ang lahat. Walang ni isang nag-abala upang basagin ang katahimikang bumabalot sa apat na sulok ng kuwadradong silid.

Nagkataong katabi ko si Shemz kaya siniko ko siya ngunit hindi siya nagsalita. Nanatiling nakababa ang tingin kahit na nakaangat ang ulo. Nakikita ko ang bawat pagkurap niya at pagpikit ng mariin. Ang mga lalaki naman sa likod ay iba-iba ang ginagawa pero nasisiguro kong nasa dalawang panig ang atensyon nila.

Matatalim ang naigagawad na titig ng The Watchers at ang iba'y nakangiti. Nagpapainosente siguro.

d(>__<)b nakuu, iba na 'yan. Ayiieh hahaha.

"Girls?"

Muli ay walang nangahas na umpisahan ang paglalabas ng saloobin.

"Shemia? Please let's talk this out so the problem won't get worse" pilit ni Ma'am.

Nag-angat ng tingin si Shemz at masama ang loob na nagkwento.

"Nag-umpisa lang po kasi ang lahat ng i-chat ako ni Chen. Na dapat daw hindi ba ako nakikipag-close ng ganun sa mga lalaki dahil hindi naman kami bestfrie--"

"Minasama mo 'yon? Pinagsabihan lang naman kita non kasi hindi magandang tingnan eh!" Parang naghi-hysterical na ani Chen. Galit ba siya?

"Eh kasi naman--"

"At okay lang naman 'yun Ma'am kasi natural lang na mapansin namin ang ganung bagay lalo't hindi magandang tingnan!" Segunda ni Sam at matalim na tumitig sa'min.

Well, natural na sa kaniya 'yon. Matapang eh.

"Eh eto nga kasi eh, okay naman ako dun. I mean-- I mean, kasi alam ko namang--"

"Tsaka Ma'am hindi ko naman alam na mamasamain niya 'yun kasi pinagsabihan ko lang naman siya eh!" Kontra ulit ni Chen.

Bahagya akong nairita dahil hindi niya pinapatapos 'tong isa. Medyo naasiwa din yata si Shemz kaya hindi na siya muling nagsalita o nagkomento. Tch. Ba't hindi nito ipaglaban ang sarili niya?! They're trying to pin her down and she's obviously just letting them!

"Sheeeem! Sabihin mo 'yung lahat ng sinabi niya! Ipakita mo!" Hysterical ko ding bulong at tinulak-tulak siya ng todo habang paulit-ulit na sinasabi 'yon.

Minsan niya na kasing pinakita sa'min ang chat na 'yon. At sinumang makakabasa non ay mararamdaman agad galing doon ang insecurity at ang ilang nakaka-offend na salita kahit sabihin man nating para pagsabihan lang si Shemz.

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now