Highschool 42

81 3 0
                                        

Cold

Bawat pagtapak ko sa sahig ng eskwelahan ay nabibigatan ako. Shit ka kasi Zen.

Hindi ko makalimutan ang malalamig na mga matang tumitig sa'kin noong gabing 'yon. Parang bigla akong napunta sa North Pole at gusto kong maiyak dahil hindi ako makaalis.

Pagpasok ko sa silid namin ay ambigat parin ng mga paa ko. Na parang hinihila ako pailalim. Shet. Makata na ako.

Nang mag-angat ako ng tingin ay sinalubong ako ng malalamig na matang agad ding itinago sa pamamagitan ng pagdukdok sa kaniyang lamesa.

Maaga siya ngayon?

"Zeeen! Kamusta?!" Tanong ni Jossette at tinapik-tapik ang balikat ko.

Napilitan akong ngumiti. "Ayos naman. Ikaw ba?"

"Naumpisahan mo na 'yung project natin last week?" Tanong niya.

"Project?"

Tumawa siya gamit ang matinis niyang boses. "Hindi na ako nagugulat! Hindi ka naman talaga nakikinig! Pero ngayon pa naman i-announce ang groupings, tinatakot lang kita,," aniya at ngumisi saka niyakap ako.

Niyakap ko nalang siya pabalik at umupo na sa upuan ko. May iilang nakichismis sa akin... pero hindi ko maiwasang titigan ang lalaking nakadukdok sa kaniyang lamesa at hindi na gumagalaw. Baka tulog na. O baka patay?

'Wag ka ngang tanga Zen.

Nilibot ko ulit ang tingin sa paligid at tinitigan ang bawat isa sa mga kaklase ko. Hindi naman nila kamo ramdam kasi wala naman sila doon... maliban kay Claudine na as usual ay masama ang mukha. Tuwing nakikita ko siya, kahit maganda siya, tilapia ang nakikita ko. Tsk. At as usual ay masama ang tingin niya sa'kin. Ginawa ko dito? Diba dapat ako ang masama ang tingin sa kaniya?

"Zen." Biglang tawag sa'kin ni Ara na sa sobrang lapit ng mukha ay halos matakot ako. Ang creepy talaga as usual!

"Ano na naman?!" Nasigawan ko pa tuloy.

"Aga-aga galit ka na agad? Hindi ba pwedeng nangangamusta lang? Hindi pwede?" Tanong niyang naka-sarcastic na naman pati ang mata at ngisi. Kahit singkit ay halatang may binabalak na masama kung makatingin.

"'Di pwedeng nagpa-practice lang? Hindi pwede?" Sagot ko sa kaniyang sinimangutan niya.

"'Di ba gising na 'yang crush mo nung nakaraan? Balik na naman ang sakit niyan?" Tukoy niya kay Dwayne na nginunguso-nguso niya pa.

"Hindi ko crush 'yan." Gusto ko na yata 'yan eh. Hindi ko lang maamin. I mean, gustong sapakin.

"Asuus. Mukha mo hotdog Zen. Huwag mo na akong pinaglololoko diyan, 'kala mo sa'kin? Tanga?"

Ba't ang dami niyang sinasabi?

"Bakit 'kala mo ba, matalino ka? Malay ko ba diyan kung bakit 'yan natutulog na naman? Pakielam ko ba sa kaniya? Ha? Pakielam ko?"

"Ang dami mong sinasabi 'no? Nakakamatay 'yan." Kumento niya na naman at kinuha ang mahiwaga niyang cellphone.

"Ang ano?"

Highschool DisastersWhere stories live. Discover now