Prologue

6.5K 113 2
                                    

Sabay kong pinagsalikop ang dalawa kong kamay habang matalim kong tinititigan ang aking mga magulang.

Mga magulang kong puro na lang mali ang tinitingnan sa akin. Mga magulang kong puro na lang si ate ang tinitingnan. Mga magulang kong minamanipula ang buhay ko.

"No. Ayaw kong pumunta ng Pilipinas. Hindi ako papayag sa desisyon ninyo." Sambit ko.

Marahas na binagsak ng daddy ko ang kamay niya habang matalim akong tinitignan. Mga tingin na nakasanayan ko na sa araw araw ng buhay ko.

"I'm your father and I know what's best for you! Pakakasalan mo ang anak ng kaibigan ko sa ayaw at sa gusto mo!" Aniya.

Napangiti ako ng mapait. Yeah, binebenta nanaman ako ng mga magulang ko. Lagi naman eh, ako na lang lagi ang binebenta nila sa mga kapartner nila sa kompaniya nila. Lagi na lang, palagi na lang. Ako na lang palagi.

While my sister is having fun with her perfect life. Siya ang katuwang ni daddy lagi. Siya ang kasama ni mommy palagi. Habang ako, nagdudusang mag-isa dahil binebenta ako sa iba.

"Yeah right. You're selling me again. Is that how you treat your daughter? Really father?" Sinadya ko pang diinan ang salitang father.

Biglang namula ang buong mukha ni daddy at napansin yata iyon ni mommy kaya pinakalma niya si daddy.

"Are you really my child?! Napakasakit mo sa ulo! Mabuti pa ang ate mo. She always understand us, lagi niya kaming sinusunod. Kabaliktaran sayo! Ang tigas tigas ng ulo mo! Hindi ka namin ganiyan pinalaki! Ganiyan ba ang natutunan mo sa boyfriend mo?!"

"Why?! Bakit ba lagi niyo na lang ako kinocompare sa ate ko?! Bakit ba lagi niyo na lang pinapamukha sa akin na mas magaling siya? Palibhasa, hindi niyo ako nakikita kasi laging nakafocus kay ate. Lagi na lang si ate, ate, ate! Argh! Palagi na lang!" Sigaw ko at naglakad palabas sa kwartong iyon.

Naiirita ako! Naiinis ako! Nanggagalaiti akong manakit. Lagi na lang ganito sa araw araw ng buhay ko. My life is like hell! Naiinis ako sa kanila. Palagi na lang nilang pinapakita na wala akong kayang gawin. Na wala akong kayang patunayan sa sarili ko.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nang cellphone ko. I need to clear my mind. Ganito palagi ang nangyayari sa akin kapag ganito ang sitwasyon.

I hate them because they always making an arranged marriage. Tapos ako pa lagi ang binebenta. Kesyo daw mas maganda kung ako since wala naman daw akong future sa pinaggagawa ko sa buhay. Kesyo daw wala naman akong naitutulong sa kanila. Kesyo ang tigas tigas ng ulo ko.

Pinunasan ko ang luha na tumatakas sa mga mata ko. I hate it when I'm crying AGAIN because of this mess. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay ang dinidiktahan ang buhay ko.

I  saw my father with my mother palabas ng kwarto. Nang makita nila ako ay sinugod nila ako. My father slaps me while my mother hugs him. Napairap ako sa isip ko.

"You're such a shame of our family! Palagi mo lang pinapatunayan na dapat talaga kitang ipakasal sa mga kapartners ko. Palagi mong pinapatunayan na tama ang suspetsa namin sayo!" Singhal niya.

Wow, so pumunta siya dito sa harapan ko para ipamukha sa akin na ako nanaman ang mali? Why so bad daddy? Palagi na lang ba?

"Lagi niyo naman akong nakikita na kahihiyan sa pamilya natin. Gumagawa ako ng paraan dad! Palagi akong gumagawa ng paraan para iplease kayo!" Sambit ko. Pinunasan ko uli ang mga luha ko.

Kainis na luha, pahamak.

"Pero hindi ko nakikita kasi hindi mo ginagalingan! Nag-uumpisa ka palang ay sumusuko ka na! Palaging mahina ang loob mo! Mabuti pa ang ate mo! Ang lakas ng loob! Mabuti pa siya, hindi sakit sa ulo---!"

"Ayan! Diyan naman kayo magaling eh! Ang ikumpara nanaman ako sa napakagaling kong ate. Ha! Marami kayong hindi alam sa kaniya. Marami kayong hindi alam dahil palagi niyong tinitingnan ang mga magagandang ginagawa niya sanantalang ako, puro na lang kamalian!" I burst.

I admit. Naiinis ako sa ate ko kasi sinasamantala niya ang atensyon na binibigay sa kaniya nila daddy. Gumagawa siya ng mga bagay na palihim kina dad at kahit magsumbong ako sa mga magulang ko ay hindi sila maniniwala sa akin kasi hindi raw kayang gawin iyon ng ate ko na kesyo she's too professional to do that.

Wow. So propesyunal pala ang humihithit ng droga?

Although, mabait naman sa akin si ate pero kasi, hindi ko maiwasang mainis sa kaniya.

"Huwag kang sumigaw sa daddy mo! Magtigil ka sa mga kasinungalingan mo!" Sigaw ni mommy na may pandidiring tingin.

Yeah, lagi naman eh.

Hindi ko na sila pinansin at lumabas ng bahay. Ayaw ko na. Sawang sawa na ako. I texted my boyfriend to meet me right now but he said, he's too busy.

Fine. Ako nanaman mag-isa. Lagi na lang. Isang buwan na siyang ganiyan sa akin at hindi ako bulag para hindi malaman ang dahilan kaso ang bobo bobo ko lang pagdating sa pag-ibig. Nagpapakabulag ako kahit alam ko na.

I hate my life! Ayaw ko ng mabuhay! Gusto ko ng magpakamatay!

Binilisan ko ang pagmamaneho ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang alam ko lang ay gusto kong mapag-isa. Dumiretso ako sa isang high class na bar at nag-order ako ng tequila shots. Gusto kong magpakalasing. Gusto ko munang makalimot.

Nakasampong shots na ako at medyo nahihilo na ako. Napadako ang tingin ko sa cellphone ko dahil nagriring iyon. Pagtingin ko ay si Drake iyon, yung boyfriend ko. Napangiti ako ng mapait.

Ang kapal din ng mukha nitong tawagan ako sa kabila ng mga panloloko niya sa akin.

"Let's break up Drake." Bungad ko sa kaniya.

I heard him sighed before he answered me.

"Not on the phone."

Alright. I get it. Malakas akong tumawa.

Hindi na nga talaga niya ako mahal at ang sakit isipin na tatlong buwan na niya akong niloloko. Hinantay ko ang araw na siya ang mag-oopen up sa akin kaso hindi eh.

Leshe ka. Mamatay ka na Drake!

"Nah, mas maganda na dito para hindi masyadong masakit." Saad ko and my voice crack. Alam kong hindi naman niya maiintindihan yun eh. Amerikano kasi.

"Flare. Where are you? Please tell me."

Doon na ako humagulhol. I don't care kung makita ako ng mga tao dito na umiiyak. Hindi ako nahihiyang malaman nila na nasasaktan ako.

Kainis ka Drake. Huwag mo na akong pahirapan.

"Don't and please, leave me alone Drake. I already knew that you don't love me anymore. Three months Drake, you've been cheating on me for three months and yet you didn't dare to tell me. How dare you Drake. It hurts so much. I've waited for the time you'll tell me about this but you didn't dare. I understand you. I'm such a mess. So please let me live and you must evaporate away from me. Leave. Me. Alone." And with that. I ended the call.

Umiyak ako ng umiyak buong magdamag. Ang sakit sakit. Ang hirap hirap dalhin. I'm such a mess and maybe, my father is right. Kahihiyan ako ng pamilya namin at ayaw ko ng mabuhay sa buhay kong ganito.

Kinalabit na ako ng isang waiter dito at sinabing magsasara na sila kaya napagpasyahan ko ng umuwi. Sa dala ng kalasingan ko ay binilisan ko ang pagtakbo ng kotse ko.

I hate my life. I hate myself. Minsan iniisip ko kung bakit ako pa ang napunta sa ganitong sitwasyon. Naiinis ako dahil gusto kong lumaban pero there is a big part on me that wants to give up

Gusto ko ng gumive up!

Napabalikwas ako ng makakita ako ng sobrang sakit sa mata na ilaw and the next thing I knew? Everything went black.

----

JungBrill

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon