Chapter 3

2.1K 27 0
                                        

Zid's POV

"Oh really man?! She's amazing kung ganoon!"

Binatukan ko ang kaibigan kong si Claude dahil sa paghanga niya doon sa babaeng yun.

Hindi naman sa pag-aano pero kasi, ang angas eh. Nayuyurakan ang ego ko bilang gwapong lalaki! Biruin mo, hindi manlang tinablan ng charms ko?! Siya lang ang kaisa-isang babaeng nakilala ko nang ganoon at nakakasakit ng pride mga tao!

"Tumigil ka nga, masasapak kita jan eh. Wala kang nasasabing maganda 'tol. Don't say bad words." Sambit ko habang pailing iling pa ang daliri ko sa kaniya.

Inirapan naman ako ni Claude. Aba't ang bakla ng loko! Yaiks! Bakla pala itong kaibigan ko. Kailangan ko nang mag-lay-lo!

"Pero 'tol. Maganda ba? Sexy? Maganda ba ang legs? Ano? Uy p're huwag kang madamot." Aniya kaya napataas ang dalawa kong kilay. Ang manyak talaga nito. Hindi magmana sa akin na good boy.

"Ang manyak mo p're. Hindi ganiyan kumuha ng chix. Tularan mo kaya ako. Ang gwapo na katulad KO ay hindi nanghahabol ng babae kundi AKO ang hinahabol ng babae." Pagpapaliwanag ko. Ang bobo kasi nitong si Claude eh! Dapat tinutularan niya ang katulad kong gwapo na, matalino pa. Natutunan ko yan kay kuya Jordan.

"Na hindi umubra kay miss astig. Grabe p're kapag nandoon siguro ako? Ha! Baka gumulong gulong na ako sa sahig sa kakatawa. Biruin mo, si Zid Justine Dela Cruz, sinungitan ng babae! Hahaha! Malaking kahihiyan yon!" Aniya na may pailing iling pa.

Tiningnan ko siya ng masama. Ang sarap sapakin ang mga taong katulad ni Claude. Nakakairita na ah! Eh baka naman kasi pinaglihi ng anesthesia yong babaeng yun kaya sobrang manhid at hindi manlang tinamaan ng charms ko. Tsk.

Lumalaos ka na yata Zid. Tsk tsk tsk. Hindi pwede. Mawawala ang iniingatan kong reputasyon.

"Hindi pare. Pustahan pa tayo. Makukuha ko yung babaeng yun. Promise! peksman! Mamatay ka man! Makukuha ko siya." Sambit ko. Ang tunay na lalaki, lumalaban! Never give up!

"Aba hoy loko! Bakit nasama ako jan?! Nangangako ka na nga lang, nandadamay ka pa! Tsk. Alam mo p're, action speaks louder than words kaya gawin mo muna bago ka magsalita!" Banat niya kaya napasimangot ako.

"Talagang gagawin ko! Walang pinapalampas ang isang Zid Justine Dela Cruz! Ako yata ang pinakagwapong nilalang sa mundong ito." Proud kong sabi kasi totoo naman.

Lahat kaya ng girls sinasabi nila kamukha ko daw si Adonis ng greek mythology, ang sinasabi ko naman sa kanila 'mas gwapo pa ako don. Second demotion lang naman yung Adonis na yun eh!

"Nako pare, jan ako hindi papayag. Mas gwapo ako sayo." Aniya kaya napataas ang kilay ko. Ano?! Siya?! Gwapo?! Ha! Saan banda?!

"Naglolokohan na ba tayo dito pare? Ha? Sabihin mo lang, gusto mo gulo o away?!" Naiinis kong sabi. Walang pwedeng mas gwagwapo sa akin! Ako lang ang may-ari ng salitang gwapo. Tsk!

"Ano Zid? Gusto mo ng away? Ano? Sabihin mo lang, game ako jan."

Natigilan ako nang marinig ko ang isang boses na laging sumasaway sa akin. Mukhang tae talaga si Claude! Bakit nandito si ate Hannate?!

Dahan dahan akong lumingon habang may plastic na ngiti sa labi ko. Takte, iba na 'to. Iba yung ngiti niya eh! Kasama niya si kuya Jake at nasa likod niya si kuya Jordan at ate Irene. Wala yata si ate Nady at kuya Chris?

Hala. Paano ito? Anong una kong gagawin? Ah! Dahil gwapo akong matalino. Alam ko na ang gagawin ko.

"Ate Hannate! Naks naman! Ang ganda na natin ngayon ah?! Ay! Ang laki na ng tiyan mo ah. Ilang months na yan? Three? Four? For sure, mana sa akin yan. Haha! Kuya Jake, yow man! Pang dota naman jan oh! De joke lang. Haha! Kuya Jordan! Ay! Ang gwapo pa rin natin ah----"

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon