Flare's POV
Napanganga ako sa sinabi niya. Takte, mali ko nanaman ba?!
"Diba sayo ko sayo, hindi ka aalis sa tabi ko?! Ano ba kita?! Body guard kita! Body guard kaya huwag mo akong iiwan mag-isa! Paano na lang kung may biglang umatake sa akin na babae? Paaano kung manyakin ako ng mga sexyng chicks? Paano kung gahasain nila ako?! Edi napahamak ako?! Mag-isip ka nga!"
Kung kanina eh nakanganga lang ako, ngayon ay nalaglag na talaga ang panga ko sa kayabangan ng amo kong binhi. Takte, ilang kilong hangin ba ang nasa katawan ng lalaking 'to?!
Siya pa talaga ang aatakihin?! Siya pa talaga ang mamanyakin?! Siya pa talaga ang gagahasain?! Jusko! Eh siya nga itong umaatake, nangmamanyak at hindi na ako magtataka kung may magahasa na siya sa sobrang kalandian niya.
"Anong sila?! Baka ikaw ang tinutukoy mo! Sila ang mag-ingat sayo kasi alam naman natin kung sino talaga ang umaatake at nangmamanyak! Jusme naman Zid, ayos ka lang?!" Sarkastiko kong sabi sa kaniya.
Inikutan niya lang ako ng mata at tiningnan ng masama si Claude. "Hoy p're, may kamay ka diba? Bakit mo pa pinapabitbit kay Flare? Bodyguard ka ba niya? Kalalaki mong tao.." Eksadeherong saad ng hari ng mga binhi.
"Uy umayos ka nga! Para kang tanga diyan! Ako ang nagkusa kaya huwag kang pakialamero. Diba may klase ka pa? Pumasok ka na." Sambit ko saka bumaling kay Claude na nakangiti. "Diba Claudie?"
Napatawa naman siya. "Oo nga p're, pumasok ka na daw. Galit na bodyguard mo oh."
Napaismid lang sa amin si Zid. "Damn this people.." Sambit niya bago niya kami iniwan sa padabog na paraan.
"Sungit sungit. Kung hindi lang kita amo eh.." Bulong ko.
Napalingon ako kay Claudie nang magsalita ito. "Baka magalit sa sayo 'yang amo mo. Galit na galit eh." Agad akong napairap.
"Palagi namang galit 'yun eh. Wala ng bago doon. Sanay na ako." Sambit ko bago ako nag-umpisang maglakad na sinundan din naman niya.
"May napansin lang ako.." Aniya kaya napalingon ako sa kaniya. Ano naman kaya ang napansin ni Claudie ko? Napansin na niya kaya ako? Napansin na kaya niya ang lihim kong pagtingin? Darn, ang corny ko naman.
"Ano naman 'yon?" Isinumping ko ang aking natitirang buhok sa tanga ko. Takte, excited ako sa napansin niya. Napansin na kaya niyang ako ang 'the one' niya?
"Napansin ko lang na hindi na nambababae si Zid simula noong maging body guard ka niya.." Bahagyang bumagsak ang balikat ko dahil sa walang kwenta niyang 'napansin'. Bwiset, akala ko pa naman napansin na niya ako. Tsk.
"Sus! Kanina nga lang eh nahuli ko siyang nakikipaghalikan sa isang 14 years old na babae. Ano na nga ulit ang pangalan non? Lana? Lara? Luna? Darn, nakalimutan ko na. Basta 14 years old 'yon. Napakachild abuse ng bestfriend mo. Ang manyak manyak. Hindi makuntento sa isang babae. Tsk." Nakasimangot kong sabi sa kaniya.
Napansin ko ang pananahimik niya kaya nilingon ko na siya. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. "What?" Kunot noo kong tanong.
"You're jealous. I can say you're jealous." Diretso niyang saad kaya napanganga ako.
What the hell?! Ako? Nagseselos?! Kailan pa naging pagseselos ang pagsasabi ng nakita niya kanina? Pagseselos na ba ang tawag sa pagsasabi ng opinyon ko? Bakit ang kitid kitid ng mga utak ng tao ngayon? Lahat binibigyan ng malisya.
"What? No. I am not jealous. I'm not jealous with your bestfriend. Never. ever. Nagkakamali ka lang. Nagsasabi lang naman ako ng saloobin ko." Pangangatwiran ako.
"Exactly! Nagsasabi ka ng saloobin mo tungkol sa maling kagagawan ng bestfriend ko kasi nagseselos ka. Kitang kita ko sa mga mata mo ang inis mo sa nakita mo kanina. Naiinis ka sa kaniya kasi may kahalikan siyang iba because you are jealous with my bestfriend." Halos makadalawang ikot na ang mata ko sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Novela JuvenilIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...