Flare's POV
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa aking paligid. Pero hindi ko muna inabala ang aking sarili na ibuka ang aking mga mata upang mas mapakinggan ko ang usapan nila.
"Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi mo sana siya pinaiyak, edi sana hindi magtritrigger ang stage fright niya sa mga oras na 'yon!" Rinig kong sabi ni Thea. Sino nanaman ang kaaway nito?
"Anong pinaiyak? Bakit ko siya pinaiyak? Anong nasabi ko at napaiyak ko siya? Parang kanina lang eh tinulungan niya akong magdala ng mga libro sa library." Sabi ni Claude.
Nandito pala si Claude. Gustuhin ko mang sumaya dahil nandito siya pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa sinabi niya sa akin kanina.
Ang manhid manhid naman ni Claude. Hindi ba niya napansin na nang sabihin niya na magkaibigan lang kami eh doon ako lumayo sa kaniya? Hindi ba niya napapansin ang pagtingin ko sa kaniya?
"Che! Basta kasalanan mo! Bakit kasi ang manhid manhid mong tao!"
Doon na ako kinabahan sa susunod na maaring sabihin ni Thea. Napakadaldal pa naman ng babaeng 'to. Agad kong minulat ang mga mata ko.
Nakita ko si Thea na nasa gilid ko habang nasa paanan ko si Claude. Kaya pala ang lalakas ng mga boses nila. "Thea..."
Sabay silang napalingon sa akin na may panlalaking mga mata pero 'di kalaunan ay biglang umiyak si Thea sa gilid ko at agad akong dinambahan sa kama para yakapin.
"Wuahhhh bessy! Mabuti na lang at gising ka na! Akala ko aabutin ka nanaman ng ilang araw bago ka magising eh! Pinaiyak mo ako! Pinag-alala mo ako! Kainis ka! Mabuti na lang at maganda ka kaya hindi kita kayang sapakin ngayon!" Umiiyak niyang sabi habang mahigpit ang yakap niya sa akin na para bang mawawala ako.
Napangiti ako sa sinabi niya. Ilang beses na akong nawawalan ng malay sa mga contest ko sa pagkanta. Swertehan na lang kung mulat ang mga mata ko hanggang sa katapusan ng kanta. Hindi ko nga alam kung bakit palagi pa rin akong kinocontest kahit na malaki ang posibilidad na mawalan ako ng malay kanina.
"T-thea.. hindi ako m-makahinga.." Nauutal kong sabi habang pilit ko siyang kinakalas mula sa akin. Agad naman siyang humiwalay sa akin at nag peace sign.
"Sorry. Ikaw kasi eh! Nahimatay ka nanaman!" Nakanguso niyang sabi. Nasisi pa tuloy ako.
Lumipat ang tingin ko kay Claude na kanina pa walang imik. Ngumiti lang ako sa kaniya kahit hindi ko siya kayang tingnan at pakisamahan ngayon. Na-aawkwardan ako.
"Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi sa akin ni Aly pero kung ano man ang nasabi kong mali sayo, humihingi ako ng tawad Flare. Pasensya na." Aniya at agad din niya kaming iniwan.
Napahinga na lang ako ng malalim. "Ang manhid talaga. Tsk." Sambit ni Thea sa tabi ko. Marahan ko siyang binatukan.
"Akala mo hindi ko kayo naririnig noh? Kung hindi pa ako gumising eh baka nasabi mo na sa kaniya na gusto ko siya. Ang daldal mo talaga." Halos umikot na ang mga mata ko sa kaniya.
Tumawa lang siya ng malakas. "Ayaw mo 'yun? At least aware na siyang nasasaktan ka na sa mga ginagawa niya. Huwag kang martir bessy, hindi mo bagay." Maarte niyang pinalipad ang buhok niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong sambunutan siya.
"Sira ka talaga. Hindi naman sa martir ako. Para saan pa ang pag-aamin ko kung hindi naman niya ako gusto? Sa kaniya na nagmula bessy, friends lang kami." Halos mapairap ako sa sinabi ko sa dulo. Friends, nakakabitter.
"Kung sabagay, may point ka. Hayaan mo at bibigyan ko ng leksyon 'yong lokong 'yon. Sino siya para paiyakin ang bessy ko?"
"Huwag na Thea. Wala na rin akong balak na gambalain siya noh. Friends lang kasi kami."

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Fiksyen RemajaIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...