Flare's POV
Based on my research. Babalik ang pagmamahal mo sa taong minahal mo bago ka mawalan ng ala-ala. All the feelings and affections will return.
Ibig sabihin, kapag pinagpatuloy ko pa rin pala na piliin ang gusto ko ngayon na mahalin si Zid ay masasaktan ko pa rin siya kung maaalala ko na ang lahat. Babalik ang nasabing feelings ko kay Odin at mawawala na parang bula ang pagmamahal ko kay Zid.
Parang mas masakit pa yata 'yon sa kaalamang hindi kami pwede. I bowed my head to my laptop. Kasalukuyan akong nasa kwarto ko. My sister is in her own room busy for only God knows.
"It's harder than I thought.." I hissed.
It's been a week since the incident with Zid happened. Pero hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang bigat ng dibdib ko. Sa tuwing naalala ko kung paano niya ako pinaalis na parang ibang tao ay siya namang libo-libong pagsaksak sa puso ko ng ilang beses.
Shut up Flare. Ginusto mo 'yan! Panindigan mo!
Mas mabuti na lang na isipin niyang ni minsan ay hindi ko siya minahal kaysa aminin kong minahal ko nga siya pero panandalian lamang 'yon dahil kapag nalaman ko na ang past ko ay mawawala na rin lang 'yon na parang bula.
Ngayon pa lang ay naluluha na ako at nagluluksa sa darating na paglaho ng pagmamahal ko kay Zid.
Sa pag-iyak ko ay hindi ko na nalamayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip kung paano ko kakalimutan si Zid.
Nagising ako sa isang marahang pagkatok mula sa aking pintuan. Kinusot-kusot ko muna ang aking mga mata bago ko tiningnan ang aking sarili sa salamin ko.
"Sandali lang!" Sigaw ko nang hindi matigil ang mga mapaglarong katok. Sino namang kakatok sa pintuan ko ng ganiyan? Hindi naman kasi kumakatok ng ganiyan si ate Finn eh.
Nang maisuot ko na ang tsinelas ko ay agad kong tinungo ang pintuan at binuksan ito.
"Suprise Flare!"
Napaawang ang bibig ko nang ang tumumbad sa akin ay ang aking mga magulang na nakasuot pa ng pangwinter na mga damit.
Nagpasabog pa sila ng confetti at may cake pa sa harapan.
"Happy 18th birthday baby! Happy birthday our little Flare!" Sigaw ni mama habang may nakapaskil na mga ngiti sa kaniyang labi.
Oh my gosh. Birthday ko pala ngayon. It's December 17. Hindi ko na namalayan ang araw at magugulat na lang ako dahil may mga magulang ako magsosorpresa sa akin sa araw ng kapanganakan ko.
"Mom... Dad..." Tanging nasambit ko sa sobrang pagkakagulat ngayon.
Agad nila akong niyakap ng mahigpit na mahigpit na para bang walang bukas. I missed them, yes pero bakit parang kinakabahan ako sa kanilang pagdating?
"We missed you Flare. Really. Now fix yourself immediately because the visitors are already waiting for you. Your party is nothing without you.. Happy birthday again.." Ani ni daddy kaya napaawang ang bibig ko.
What? They did throw a party for me? Hindi ko alam kung maluluha ba ako o matutuwa sa saya.
"What..? W-where is ate?"
"Your sister is probably talking with our relatives.."
"Liza! Mona! Fix my daughter immediately! Make her the most beautiful debutant okay? Now go! Maghahantay kami sa labas.. We love you baby." Si mommy. Marahan akong tumango sa sinabi nila.
Can't you believe that? Sa pagmamahal ko kay Zid, nakalimutan ko ng may mga taong handa akong pasayahin sa kabila ng aking mga problema sa buhay.
I suddenly think if mom and dad knows about Odin. Siguro naman oo? Pero bakit wala silang binanggit sa akin noon? May hindi ba sila sinasabi sa akin?
BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Teen FictionIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...