Chapter 8

905 27 0
                                        

Flare's POV

Naligo na ako kaagad para maaga akong makapasok sa school ngayon. 5:30 a.m. palang ng umaga ngayon pero gusto kong maaga akong makapasok para hindi ko makasalubong si Thea.

For sure ipapaalala sa akin nun na ako ang P.A. ng binhi na yun at kailangan ko siyang bantayan! Argh! Naalala ko nanaman ang manyakis na binhi na yun!

Pagkatapos kong mag-almusal ay bumaba na ako. Mabuti na lang at maagang nagising si kuya Robert kaya natawagan ko siya kaagad na maaga akong papasok ngayon.

Napagdesisyon ko na rin na From This Moment na ang kakantahin ko. Mas magandang familiar song na lang ang kakantahin ko para hindi na ako mahirapan at maguluhan pa.

Biglang pumasok sa isip ko si Claude habang nasa elevator ako. Shocks! Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako. Kailan ko kaya siya makikita ulit? Somehow excited akong pumunta sa bahay nila Zid kasi paniguradong nandoon si Claude. Isa kasi sa sinabi ni ate Hannate na dapat kapag wala kaming pasok ay doon ako pupunta sa bahay nila para mabantayan ko si Zid or worst kasama niya ako sa lahat ng lakad niya kaya habang P.A. niya pa ako ay pagtitiisan ko muna siya.

Huhuhu. Bakit pa kasi sa lahat ng pwedeng maging amo ay yung mahangin pang yun. Ano bang kasalanan ko sa mundo para parusahan ng ganito?

Nagulat ako nang mag'ting' ang elevator. Nandito na pala ako sa ground floor. Lumabas na ako ng elevator at lumabas sa building. Nakita ko si kuya Robert na nakasandal sa kotse ko habang nagcecellphone. Katext niya siguro yung misis niya.

Kahit saang anggulo tingnan. Gwapo si kuya Robert sa kabila ng edad niya. Minsan nga napagkakamalan itong kuya ko eh. Lalo na si Thea, kinilig pa siya noon kasi ang gwapo gwapo ni kuya Robert nun, mga 28 pa siya nun. 30 na siya ngayon. Ayun, nag-LQ sila ni John.

"Kuya Robert!" Sigaw ko para mapansin niya ako. Hindi naman ako nabigo kasi nakita niya ako kaagad. "Ma'am!"

Nang makalapit na ako ay pinagbuksan na niya ako ng pintuan sa backseat. "Ma'am, ang aga niyo po yata ngayon?"

"Ah, may sasabihin kasi ako kay Dean ngayon. Gusto ko nang masabi yun para wala na akong proproblemahin pa atsaka marami po kasi akong gagawin at gusto kong maka-attend sa flag ceremony." Mahaba kong detalye.

Napansin kong nangamot sa ulo si kuya Robert. "Ganoon po ba ma'am?" Tumango ako sa tanong niya.

Pinaandar na niya ang kotse at pagkatapos ng kinse minutos ay nakarating na kami sa eskwelahan namin.

"Salamat kuya." Sambit ko sabay katok sa bintana niya para sabihin papasok na ako. Pagkaalis ng kotse niya ay pumasok na ako sa eskwelahan namin. Napatingin ako sa wrist watch ko ay 6:30 na. Maaga pa.

Actually hindi naman talaga ako pupunta kina dean o may gagawin pa ako. Palusot ko lang yun para hindi na magtaka si kuya Robert. Ayaw ko lang talagang makasabay si Thea and for sure kasama non si Zid.

"Oh hi Flare." Tumindig lahat ng balahibo ko nang marinig ko ang boses ni Zid sa likod ko. Speaking of the devil. Tamad ko siyang tiningnan.

"Good morning sir." Sambit ko sabay bow sa kaniya. Nagulat ako nang itapon niya sa akin ang bag niya. Kunot noo ko itong tiningnan. Ang bigat ah. Ano bang laman nito? Puro libro? Wow maaral siya ah.

"Aanhin ko naman po ito, sir?" Tanong ko sa kaniya. I hate it when he's higher than me. Literal man o hindi. Tsk, bakit kasi siya pa ang sir ko. Ang tangkad pa niya. Nanliliit ako.

Tinaasan niya lang ako ng kilay bago niya ako lampasan. Aba letse siya! Anong akala niya sa akin? Yaya niya?! Namumuro na talaga 'tong lalaking 'to eh. Kunti na lang makakasapak ako ng wala sa oras!

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon