Flare's POV
Nagsisimula nang magpalakpakan ang mga tao sa labas at heto ako ngayon, hindi magkaintindihan kung tatakbo na ba ako sa labas o tumayo na dito habang buhay.
Susunod na ako pagkatapos ng kumakanta sa labas. Hawak hawak ko ang panyo ko habang panay ang dasal ko na sana maayos ang magiging performance ko. Kinakabahan talaga ako.
"Calm yourself Flare, parang hindi mo first time na kumanta sa stage. Smile, inhale, exhale.." Wala na akong pakialam kung pagtinginan na ang ng ibang contestants dito sa kakausap ko sa aking sarili.
"Para 'to sa school at kay..." Claude. Mabilis kong iniling ang ulo ko ng ilang beses. Mas mabuti pang hindi ko siya isipin dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa akin na na-friendzone ako.
Wala pa akong mga magulang na susuporta sa akin dahil nasa US sila kasama ng ate ko. Minsan nakakalungkot isipin na sarili ko lang ang maaasahan ko sa mga ganitong pagkakataon.
Oo nandiyan ang kaibigan kong si Thea pero iba pa rin talaga kapag kasama mo ang pamilya mo sa mga ganitong events. Nakakapanghinayang na hindi nanaman ako makikita ng mga magulang kong kumanta sa stage. Afterall, it's for them.
Palagi na lang kasing si ate ang first priority nila at naiintindihan ko 'yon dahil mas kailangan niya ang atensyon nila mommy at daddy pero hindi ko lang maiwasang isipin na nandito akong 'anak' nila na nangangailangan din ng atensyon nila.
Huminga ako ng malalim at inilihis ko na ang iniisip ko. Nakakababa ng confidence kapag puro negative ang naiisip ko. Dapat puro positive lang. Fighting Flare! Fighting!
Dapat isipin ko na kailangan kong manalo para hindi madisappoint ang school na dinadala ko. Dapat akong manalo para maibalita kina mommy at daddy na nanalo nanaman ang anak nila sa isang paligsahan. Dapat akong manalo para maipakita kay Claude ang sinayang niya.
Baka naman sa pagkakataong ito ay mapansin na niya ako bilang ako, hindi bilang bodyguard slash personal assistant ni Zid. Teka, nasaan nga pala si Zid?
Hays, kaya na niya ang sarili niya. Hindi mo na kailangang alalahanin ang taong 'yon Flare kasi si Zid 'yon. Malakas 'yon kasi lalaki siya. Kaya naman niyang protektahan ang sarili niya. Hindi nga lang sa mga babae dahil pakitaan lang siya ng legs ay baka magpaalipin na ang loko.
"Contestant no. 16!" Nagulat ako ng tawagin na ako ng MC. Ang kaninang kabang pinapatay ko ay nagsimula nanamang magparamdam sa akin.
Napalunok ako ng isang beses at nangangatal akong humakbang papunta sa stage. Ito na, kakanta ka na sa harap ng maraming tao.
Isipin mo lang ang sinabi ni Thea.
"Isipin mo lang na ikaw lang mag-isa ang kumakanta o kung like mo na tingnan mo lang ako the whole performance mo.."
Mas pipiliin ko pang isipin na mag-isa na lang ako. Ngumiti ako ng pilit sa MC kahit nangangatal kong inabot ang microphone na inaabot niya sa akin.
Dahan dahan akong naglalakad papunta sa gitna at halos pumikit na ako nang tumama sa akin ang nakakasilaw na spotlight.
Teka sandali, wala naman ito kanina ah? Wala akong makita. Gabi na rin kasi at nasa gym kami kaya wala akong makita kahit isa. Para akong nabunutan ng tinik dahil feeling ko mag-isa ko lang.
Siguro si Thea ang nag-utos sa lights man para hindi ko makita ang mga tao. Ang swerte ko talaga at nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya.
Nagsimula nang tumugtog ang banda sa gilid kaya kahit nangangatal ang kamay ko na hawak hawak ang microphone ay tinatagan ko ang aking sarili.

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Novela JuvenilIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...