Chapter 41

673 11 0
                                        

Flare's POV

I did what I've decide. Tinext ko ang ate ko na aalis ako at baka hapon na ako makauwi.

Nagsuot ako ng black jeggings at maluwag na kulay white with polka dots colored in gray na sweat shirt. Tinernuhan ko ito ng rebook kong sapatos na kulay black. I grab my white cap and wore it. Kinuha ko ang maliit kong sling bag na ang tanging laman lang ay cellphone at wallet. Then I looked at the mirror for finale.

When I'm satisfied. Lumabas na ako ng unit. Nang mailock ko it ay napatingin ako sa kabilang unit. Ang unit ni Zid. Somehow,  part of me wanted to tell him that I'll meet Odin but the other one says I shouldn't. For sure, magagalit 'yon at ayaw ko siyang magalit sa akin o kay Odin.

Bago ako lumabas ng unit ay nagtext na sa akin si Odin na nasa baba na siya kaya nong bumaba na ako ay nakita ko siyang nakasandal sa kotse niyang red sports car na hindi ko alam ang brand since Ferrari at Mercedez Bench lang ang kilala kong kotse sa 2 years kong memory.

Nang mapansin niya ako ay ngumiti siya ng pagkalawak lawak ngunit iba ang impact sa akin. Nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil alam kong mawawala 'yan kapag sinabi ko na ang totoo. Nasasaktan ako dahil masasaktan ko nanaman siya but I'll assure na ito na ang pinakahuli.

"Good morning, beautiful.." Aniya.. Mapait akong ngumiti at umiwas ng tingin. Hindi niya yata iyon napansin dahil pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

"Morning." Agad akong pumasok sa loob.

Pinagmasdan ko siyang umikot sa harapan papunta sa driver's seat na malaki ang ngiti at sa tuwing naiisip ko na mawawala rin 'yon agad ay nasasaktan ako. 'Tila may bumara sa lalamunan ko.

"Thank you for coming with me! Promise! We'll enjoy this date." Aniya na malawak ang ngiti.

Napapikit ako at napaiwas ng direksyon. Sana nga, maenjoy mo ito Odin dahil ito na ang magiging huli.

"Yeah." Halos pabulong ko ng sabi.

Sana hindi ka magsisi na nakilala mo ako Odin, dahil ako? Hinding hindi ako magsisisi na naging kaibigan kita..

Nakarating kami sa isang mamahaling restaurant. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto. He offered his hand and I accepted it. Lumabas ako ng pinto, hawak hawak siya.

Nang makalabas ay agad kong binawi ang kamay ko. I'm always reminding to myself that I should not give him any false hope. Napansin niya 'yon at nagpapasalamat akong hindi na siya nagtanong pa.

Nauna akong pumasok sa restaurant at iginaya niya ako papunta sa pinareserved niya and I think, it's a VIP. Binara kaagad ang lalamunan ko dahil nakokonsensya ako.

Am I ready to hurt him? My bestfriend?

He gently pulled the chair and gestured me to sit so I did it. Pumunta siya sa kabilang upuan. This table is for two, with 3 candles placed at the center of the circled table. Hindi ko kayang maging masaya kahit na romantic ang place. I'm more on hurting.

He picked up the menu infront of him and scanned it. Ginaya ko rin siya pero wala akong mapili dahil sa kakaisip ko kung paano ko sisimulan ang pinunta ko rito.

"Nakapili ka na?" Anang niya kaya agad akong napaangat ng tingin. Nanlalaki ang mga mata, tikom ang bibig.

Lumunok ako ng isang beses bago pinilit na magsalita.

"Ah y-yeah.. S-special pork barbecue with one cup of r-rice na lang.." Sambit ko at mabilis na inilapag ang menu.

Nangatal ang mga tuhod ko nang mag-angat siya ng tingin. "'Yon lang? C'mon, just order what you want. You don't want deserts or something panghimagas? What drinks do you want? A wine perhaps–"

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon