Flare's POVKasalukuyan akong nagprapractice ng kakantahin ko para sa tuesday nang biglang bumukas ang pintuan ng unit ko.
Kanina pa ako nakauwi at after lunch na ngayon. Hanggang ngayon ay naiirita pa rin ako sa boss kong iyon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang siya ang magiging boss ko. Yung lalaking yun pa!
"Bessy!" Sigaw ni Thea sa akin habang naglalakad siya papalapit sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Mabilis niyang binasa ang title ng kinakanta ko at tiningnan ako.
Sa flat screen tv kasi ako kumakanta. Parang videoke? Ganoon. "Ay taray ng kakantahin mo 'te, From this moment? Inspirational song?"
Tumango ako sa tanong niya. Hindi niya pa rin nasasagot ang tanong ko kaya tinanong ko ulit ito. Kakakita palang namin kanina tapos pupuntahan nanaman ako nito? Ano 'to? Mang-iinis nanaman.
"Bessy, diba personal assistant ka na ng pinsan ko? Siyempre of course yes na yes sinusundo kita ngayon kasi pupunta tayo sa lungga ng pinsan kong tsonggo!" Nakangiti niyang sabi at sa totoo lang, masama ang kutob ko sa ngiting yan!
Kinuha ko yung pillow sa gilid ko at binato sa kaniya. Pinause ko muna yung karaoke ko para makausap ko siya ng maayos. "Arouch! What was that for?!"
"Ikaw ah! Kung hindi lang kita best friend, iisipin kong may balak kang masama! Pinapahamak mo ba ako sa Binhi na yun?!" Singhal ko sa kaniya. Umawang ang bibig niya na parang nagulat siya.
"Wosh..What's with the name Binhi? Anong akala mo sa pinsan ko? Seed? Sabagay katunog niya pero bessy hoy! Hindi kita pinapahamak noh! Alam mo namang bestfriend for lives tayo." Aniya na inirapan ko lang.
Maniniwala na ba ako sa pinagsasabi ng babaeng 'to?
"Atsaka, siyempre personal assistant slash body guard ka ng pinsan ko kasi nga diba patitinuin mo so bantay sarado siya sa mga babaeng dinadala niya. Uhm, of course dapat alam mo ang lungga non." Dagdag pa niya kaya napalingon ako sa kaniya na nakataas ang kanan kong kilay.
"Seriously? Kailangan ba pati pambabae niya eh pakialaman ko? Akala ko ba personal assistant lang ako saka patitinuin ko lang? Kailangan ko ba talagang malaman ang lungga non? At kailangan ko ba talagang malaman kung sinu-sino ang babae niya?!"
"Of course! Patitinuin mo nga eh. You must control him! From his bad habits to his ugly attitude! Duh? Isip isip friend. Huwag kang sumabak sa gera kung hindi mo alam ang background ng kalaban! My goodness! Ngayon nagdududa na ako sa skills mo!" Aniya. Napairap ako sa isip isip ko kasi is she trying to convince me with her skills?!
"Fine! Sandali lang! Magbibihis lang ako! Tsk!"
Ugh. Makikita ko nanaman ang tsonggong 'yon! Well as if I have a choice.
---
Nasa tapat na kami ng bahay ng tsonggong iyon at masasabi kong mayaman talaga siya. Ang laki laki kasi ng bahay niya. Mansion na yata eh!
Kanina pa ako nayayamot sa bestfriend kong pinagdidildilan talagang body guard ako ng pinsan niyang may tupak sa ulo. Tsk! Nakakainis! Sa dinami-dami pa ng tao sa mundo, bakit siya pa?! Wala naman akong masamang ginawa nitong mga nakaraang araw ah!
"Sandali, waits ka lang jan bes." Sambit nitong kasama ko.
Bahala na, kung kailangan ko itong gawin para magkaroon ako ng pera. Fine, sayang kasi eh. Ang laki ng sweldo. Matutustusan na nito ang pag-aaral at gastusin ko. 6 months lang naman. 6 months ka lang na magtitiis Flare. 6 months.
Tinanguan ko siya. Hindi kalaunan ay bumukas na ang gate niyang may nakalagay na D. Maybe it's his surname, Dela Cruz. Paano ko nalaman? Nandoon sa contrata kanina.

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Teen FictionIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...