Flare's POV
This is so frustrating!
Hindi ako mapakali. Hindi ko gusto ang nangyayari ngayon. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kahit pa sabihin nilang naniniwala na sila, hindi ako mapakali na hindi ako kinakausap ni Zid.
Ilang oras na ang nakalipas simula nang magdesisyunan akong puntahan sila ni Zid. Nasa baba ang iba. Hindi ko na alam kung nasaan ang ilan. Basta ang importante sa akin ngayon ay ang nararamdaman nina Zid at Odin.
Pero wala akong naabutan sa baba. Tanging si Craige lang at Shin na nag-uusap. Lumapit ako sa kanila at tinanong.
"Craige, Shin. Where are they?" I uttered.
"Odin's at the bar while Zid is no where to be found." Natatawang sabi ni Shin kaya mas lalo akong nag-alala.
Zid, Zid, Zid. Bakit kailangan mo pang umalis? Nasaan ka ba?
Siniko ni Craige si Shin kaya napanguso ito, nagpipigil tawa. "I think you should talk to Odin, but not now. He's quite hurt. Let's cool the situation first." Sambit ni Craige kaya napalingon ako sa kaniya.
He's right. I should talk to Odin. I should say sorry to him.
"Bakit ba kasi ang ganda mo, pretty? Pretty isn't suited to a beautiful girl like you." Saad ni Shin kaya napailing ako.
"If I'm indeed beautiful, then being beautiful is a curse. You see? I accidentally hurt someone that I don't even know! And now that I knew Odin likes me, oh goodness! How can I fix this, huh?! I can't like him back! I just like him as my friend. He's my friend! A friend.." Frustrated kong sabi.
Shin chuckled at the moment. "Yeah, same with me. Being handsome is a curse too. That's the only problem that I have by now." Aniya kaya napairap si Craige.
"You should explain that to him this early before it's too late. Huwag mo siyang paasahin sa wala Flare. Odin is a friend of mine. Zid's too. I don't want them to be hurt with just one girl."
Mariin kong naitikom ang aking bibig. Craige's right. I shouldn't ruin their friendship just because of me. I should fix this, alright.
"Thanks Craige, you're right. I should talk to him.. Maybe one of these days." Sambit ko habang palipat lipat ang tingin sa labas.
"By the way, kailangan ko ng umalis. Kailangan ko pang hanapin si Zid! Baka mapahamak 'yon!"
Hahakbang na sana ako palabas nang hawakan ni Craige ang braso ko. Nilingon ko siya ng may pagtataka at nakita ko siyang umiling. "You should not. Palamigin mo muna ang ulo niya."
Muli akong napalingon sa pintuan habang umaasang makikita ko si Zid sa labas.
Pauwi na kami ngayon, Zid's beside me but he's still quiet. Nasa isang private plane kami na pag-aari ni manager Andrea, manager nila Zid. Kapag tinatanong ko si Zid ay saka lang siya sumasagot.
"Uhm.. Are you hungry?"
"No."
"Nakausap mo na sina ate Hannate at Thea na pauwi na tayo?"
"Not yet."
"Uh.. Kumusta pala 'yong interview niyo? Is it good?"
"Nope."
"Are you... mad?"
"No."
I sighed. Defeated. He doesn't want to talk to me. Nanikip ang dibdib ko dahil doon. Pinili ko na lamang na manahimik upang makalma ko ang aking sarili.
Alam kong pareho kaming walang kasalanan sa nangyari kasi mis-interpret lang 'yon. Pero hindi ko lang siya maintindihan kung bakit hindi niya ako pinapansin. Is he mad? Is he angry? Kanino? Sa akin? Anong nagawa ko? Probably Odin, alam niya kayang may gusto si Odin sa akin? Is he jealous? Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko.

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Ficção AdolescenteIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...