Chapter 30

747 14 0
                                    

Flare's POV

Nakakainis at hindi ako nakatulog sa kakaisip ng nangyari sa amin ni Zid, sa pag-amin niyang mahal niya ako, sa paghalik niya sa akin sa pagsigaw ng isang matandang janitor sa amin.

Halos ibaon ko na ang buong mukha ko sa hawak hawak kong unan dahil sa kahihiyan na 'yon! Never in my life akong napahiya dahil sa pagiging PDA! Pero nahuli akong may kahalikan! At ang may kasalanan doon ay walang iba kundi si Zid Justine Dela Cruz!

Kaya ang naging resulta ay may eyebags akong dala dala. Napatingin ako sa salamin and I'm so haggard! Mabuti na lang at nakadala ako ng concealer kaya atleast may paraan.

Pero letseng Zid! Walang hiya! Masasampal ko talaga 'yon! Nakakahiya! Dinamay niya pa ako sa kawalang hiyaan niya. Bwiset! Mamatay na sana siya!

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi niya o ano. May kung anong lumilikot sa tiyan ko sa tuwing naiisip ko na hinalikan ako ni Zid. Parang nagpipiyesta ang mga tutubi doon at ang nakakainis, bakit parang tuwang tuwa pa ako?!

Naligo na ako at nagbihis ng jumper na may white T-shirt sa loob. Habang naglalagay ng concealer ay may biglang tumawag sa cellphone ko kaya napatingin ako doon.

Si mommy..

Agad ko itong sinagot.

"Hello mom?"

[Hello baby. How are you there? Are you good? Did you already eat your breakfast? How's your school? Your contest? Did you won? I miss you baby..]

Halos hindi ko na masundan ang mga sinabi ni mommy sa dami ng kaniyang tinanong. Nakagat ko ang labi ko. Should I tell her?

"Uhmm mom.. I'm good, yeah. I'm good.." Huminga ako ng malalim. I should tell her.

"Uhh mom.. I need to tell yo------"

[Good to hear that! I have a good news! You're sister will go there next week! I need you to fetch her. Are you free honey?] Nabigla ako sa sinabi nila. Uuwi si ate? Bakit biglaan? Para saan?

"Uhh.. Yeah." Utas ko.

[Great! So, you told me you need to tell me.. something? What is it? I'm kinda.. in a rush right now. You know, being a CEO isn't easy but I'm sure you'll enjoy it when you experienced it and I'm so sure that you're fit with this position in our company.]

Alright. Hindi na lang. Natatakot ako.

"Uh.. Nothing, nothing. Some kind of other staff. Well, that is not too important. You should go mom.. Goodluck! By the way, can you tell me when will she arrive?"

[Tuesday afternoon.. I'll text the other details or it's better if you'll ask your sister about that.. A'ryt! I love you baby. Take good care. Mwah!] Napangiti ako sa sinabi ni mommy. How I missed my family.

"Yeah mom. Thanks, I love you too. Take care also.." Sambit ko bago ko kinagat ang labi ko habang pinipigilang lumuha.

Nang patayin na ni mommy ang phone call ay doon na nagsituluan ang mga luha ko.

Ayaw kong magduda sa kanila. Ayaw kong magtanim ng hinanakit sa kanila pero hindi ko maiwasang magduda lalo na't may ilan na akong naaalala at ang masaklap pa ay ang mga nakakasakit na mga salita na kanilang binabato sa akin ang naaalala ko. Hindi ko matanggap na sila iyon. Sana iba na lang. Sana iba na lang.

Tapos bigla kong naalala ko pa na si ate ang dahilan non. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako dahil excited akong makita siya o natatakot ako sa pwede kong malaman. Natatakot ako. Takot na takot sa mga alaala ko. Kung noon ay halos patayin ko na ang sarili ko para lang maalala ang sarili ko, ngayon hindi. Natatakot ako sa pwede kong malaman. Natatakot akong magduda at magtanim ng galit. Natatakot ako.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon