Chapter 26

673 10 0
                                        

Flare's POV

Pumunta kami ni Zid sa building ng entertainment nila at unang bumungad sa amin si Jarred. Ngumisi ako ng kumaway siya sa akin.

"Zid! Flare!" Tawag niya.

Tinanguhan lang siya ni Zid habang ako naman ay kumaway din sa kaniya. "Heyoo Jarred!" Sabi ko nang makalapit kami.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Agad namang tumikhim si Zid sa gilid ko.

"Personal assistant ko siya. Malamang kasama ko." Matabang niyang sabi.

"Ay oo nga pala. Sorry. Hinahantay ka na ni manager sa taas." Sabi ni Jarred sabay naunang maglakad.

"So anong sasabihin mo sa akin ditong importante?" Tanong ko habang inililibot ko ang paningin ko sa buong loob ng ground floor. Ang daming busy.

"Just shhh. Okay?" Aniya sabay pasok sa elevator kung saan naghihintay si Jarred habang nagcecellphone.

Agad kong itinikom ang bibig ko hanggang sa makarating kami sa 6th floor. Lumabas kaming tatlo at binati kami----sila ng ibang mga trabahante dito. May lumapit sa amin isang babae na I think nasa mid 30's.

"Oh Zid, Jarred. Meet Lalaine, Rosa, Jasmine and Jurrine. New talents. Girls, this is Zid and Jarred." Sabi niya. Naglahad ng kamay si Zid at Jarred.

"Zid Justine." Simpleng pagpapakilala ni Zid sa kanila.

"Jarred Darazalde. Nice to meet you girls." Aniya sabay kindat. Natawa tuloy ako pero agad ko itong itinikom nang mapunta sa akin lahat ng atensyon nila.

Kasi, dapat hindi ka na tumawa Flare. Ang bobo mo.

"Uh...hi?" Patanong kong sabi sabay wave ng right hand ko. Tumaas ang kilay ng babaeng nasa mid 30's.

"Who is she?" Taas kilay niyang sabi.

"Ay! This is Flare..." Tumingin sa akin si Jarred.

"Dela Fuente! Flare Theresa Dela Fuente po. Nice to meet you." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko na hindi nila tinanggap.

Nahihiya ko tuloy itong binawi pero hinawakan ito ni Zid.

"I think, ignoring someone's hand is a kind of rudeness. Be professional ladies. Excuse us." Sabi ni Zid na nakapagpalaglag ng panga ko at nakapagpanganga sa kanila.

Oh my gosh! Bakit niya ako pinagtanggol?!

Hinila na niya ako palayo sa atmosphere doon.

"Pasensya na po. " sambit ko sabay bow pero mas hinila ako ni Zid kaya napa'aray' ako sa sakit ng pagkakahila niya.

Nang makalayo layo na kami ay binitawan na niya ako. "Sana hindi mo na lang sila pinansin. Sana hindi ka na nagsorry. It's not your fault!" Aniya.

Tumaas ang dalawa kong kilay. "Anong gusto mo? Maging isnabera ako? Eh personal assistant lang naman ako ng isang new artist. Kailangan kong rumespeto at magsorry kahit hindi ko kasalanan kasi nga, mas mataas ang position nila sa akin." Sabi ko.

Bumuntong hininga siya. "It's not about positions. It's about attitudes. If they didn't respect you then do not respect them too. Hindi bagay sa mga katulad nila ang salitang respeto kung hindi rin nila alam kung ano 'yon."

Ako naman ngayon ang napabuga ng hangin. "Kahit na. Sabi nga sa bible, kung binato ka ng bato. Batuhin mo ng tinapay. Ibig sabihin, kung binato ka ng masama, batuhin mo ng kabutihan para marealize nila na mali pala ang ginawa nila sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan. Kaya ako na ang nagpakumbaba sa kanila kanina. It's no big deal.." Sabi ko sabay hawi ng buhok ko.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon