Flare's POV
Kabadong kabado at balisang balisa akong lumabas ng dean's office. Kinakabahan ako dahil sa event na dadaluhan ko tapos makakapanood pa sina mommy kaya mas natetension ako.
Tulala akong naglalakad sa hallway kahit hindi ko alam kung saan ako patutungo. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko, paano ko malalampasan yong contest na yun nang hindi napapahiya?
Hindi ko alam kung stage fright ba ang tawag dito o ano. Hindi naman kasi ako napapahiya kapag kumakanta ako. Sadyang kinakabahan lang talaga ako ng husto at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaba ko.
Simula nang mawalan ako nang ala-ala ay pagkanta na lang lagi ang ginagawa ko. Sabi kasi ng mga magulang ko ay yon ang talent ko noon pa man. Dahil wala akong maalala, triny kong kumanta at masasabi kong hindi pangit ang boses ko.
Pero hindi mawawala ang sobra sobra kong kaba. Na sa t'wing kakanta ako ay hindi pwedeng hindi dadaanan ang mga negative thoughts sa utak ko.
"Flaridad!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at tama nga ang hinala kong si Thea iyon since siya lang naman ang may ganang tumawag sa akin ng ganiyang klaseng pangalan.
"Bakit?" Tanong ko. Tumatakbo siya palapit sa akin at nang makalapit na siya sa akin ay nag 'time first' muna siya kasi hinihingal daw siya. Bakit kasi siya tumakbo kung pwede namang maglakad.
"B-bes! Nakita m-mo ba yong Seige na yon? Tinakasan ako ng loko eh. Makakasuntok talaga ako ng dugong ngayon." Naiirita niyang saad kaya natawa ako.
"Grabe, dugong talaga? Gwapo naman si John ah?" Mapang-asar kong tanong kaya sinamaan niya ako ng tingin. Inikot niya ang mata niya at umismid.
"Saan banda ang gwapo sa dugong na yon? Mukha kaya siyang tipaklong na surot! Argh! Sagutin mo na kasi, nakita mo ba siya?" Aniya. Mabilis akong umiling kaya napasimangot siya at bumagsak ang balikat niya.
"Bakit mo ba siya hinahanap?" Tanong ko sa kaniya.
Mabilis siyang umiling sa akin. "Wala! Ang dugong kasi, gagawa na nga lang ng kalokohan may iiwan pang ebidensya. Nakita kasi siya ni Jessica eh. Ayun! Sinumbong kina daddy Jerome!" Aniya.
Napatango naman ako sa sinabi niya. "Kaya mo na yan." Sambit ko sabay tapik sa balikat niya. Mabilis niya akong inirapan at agad ding nalukot ang mukha niya. "Sira."
"Sige, una na ako. Maghuhunting pa ako ng dugong." Dagdag pa niya na mabilis ko namang tinanguan.
Nang sandaling mawala na siya sa paningin ko ay biglang pumasok sa isip ko na pupunta pala ako ng library ngayon dahil may research kami sa Mapeh and I badly need a book.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa libary at ilang minuto ang lumipas ay natunton ko ito. Pinakita ko sa librarian namin ang school Identification Card ko bago ako nagsulat sa Record Book niya at doon ko sinulat ang pangalan ko pati na rin ang oras ng pagpasok ko dito.
Matapos iyon ay nagsimula na akong maghanap ng libro sa library. Hanggang sa umabot na ako sa pinakadulo. Walang estudyante dito kasi masyado na itong malayo sa study tables ng library kaya malaya kong na-iiscan ang mga libro dito.
Pumunta ako sa pinakahuling parte ng mga libro at laking pasalamat ko kasi nahanap ko ang mga sinaunang libro ng Mapeh. Kumuha ako ng Music, Arts, Physical Education at Heath book.
Natigilan ako nang may marinig akong kaluskos at boses ng babae't lalaki.
What? Pati ba naman dito sa library may gumagawa ng kababalaghan?!
Iritable kong hindi pinansin ang mga walang kwentang mga estudyanteng walang magawa sa buhay at iyon ang inaatupag.
Sa kasamaang palad ay natapilok ako kaya nadapa ako at unang natamaan sa akin ay ang noo ko. "Ouch!"

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Novela JuvenilIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...