Chapter 34

614 13 0
                                    

Flare's POV

Matapos kong mag-almusal ay agad din akong bumalik sa hotel habang bitbit ko ang isang kumpol ng rosas na ibinigay sa akin ni Zid.

Wala akong naabutan sa groundfloor ng hotel. Probably in their rooms. Nasaan na kaya si Zid?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa elevator. Pagbukas non ay bumungad sa akin si Jurrine. Nginitian ko siya at laking gulat ko dahil nginitian niya ako pabalik.

"Hi." Bati ko sa kaniya saka pumasok sa elevator.

"Hello. Nice flowers." Puna niya kaya napatingin ako roon.

"Oo nga eh. Ang ganda." Sambit ko tapos lumingon ako sa kaniya.

Lumabas na siya pero bago pa magsara ang elevator ay narinig ko ang huli niyang sinabi na nakapagpangiti sa akin.

"Thanks by the way. Flare."

Nakarating ako sa floor ko na may ngiti sa labi. Paglabas ko ay bumungad sa akin si Jarred na mukhang constipated habang parang linta sa kaniya si Rosa. Lumiwanag ang mukha niya nang makita ako.

"Hi Flare! Pupunta kami sa seashore, sama ka? Oh, flowers. Naks, morning na morning." Tanong niya. Napangisi ako kahit na nag-iinit ang pisngi ko dahil sa pamumuna niya. Napatingin ako kay Rosa at pinanlakihan ako ng mga mata.

Para namang aagawin ko 'yang si Jarred. Friends lang kami ano ba! Atsaka may manliligaw akong mas gwapo jan!

"Sunod na lang ako. Mukhang kailangan niyo ng privacy eh." Naglaho ang malawak niyang ngiti nang sabihin ko 'yon.

Ngingiti ngiti akong lumabas sa elevator habang papasok naman sila. Nginitian ako ni Rosa na para bang sinasabi niyang 'good girl'. Gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko.

"Oh c'mon! Sama ka na! I thought you're my bestfriend?" Aniya at nginunguso sa akin si Rosa na nagpipindot sa elevator at nagmakaawa siya ng mukha kaya napangisi ako. Ang ipinapahiwatig niya kasi tulungan ko siyang ilayo sa kaniya si Rosa.

"Ayaw daw niya babe, huwag mo na kasing pilitin. Ayaw mo 'yon? May quality time tayong dalawa." Malanding sabi ni Rosa kaya pareho kaming napangiwi ni Jarred.

Nang hindi nakatingin si Rosa sa kaniya dahil busy ito sa paghimas ng dibdib ni Jarred ay nag-act pa siyang nasusuka siya. Baliw. Well nakakadiri rin tingnan.

"Quality time raw Red. Pagbigyan mo na." Natatawa kong sabi. Inirapan ako ni Rosa kaya napanguso ako. Si Jarred naman ay nakasimangot.

"You betrayed me! Traydor ka! Traydor!" Sigaw ni Jarred. 

"Goodluck bestfriend!" Sigaw ko

Nilabas ko ang dila ko saying 'manigas ka diyan!' Kaya sumimangot siya bago nagsara ng tuluyan ang elevator. Natawa tuloy ako.

Naglakad ako papunta suite ko at inilagay ko sa vase ang bulaklak na ibinigay ni Zid sa akin. May vase kasi dito na may fake flowers. Tinanggal ko 'yon at inilagay doon ang mga bulaklak na dala ko.

Kinuha ko 'yong phone ko at pinicturan 'yon. Hindi ko alam ang sumapi sa akin pero ginawa ko 'yong lockscreen wallpaper ko. Ang ganda kasi ng shots ko. Parang expert lang.

Napalingon sa pintuan ko dahil may kumatok doon. "Sino 'yan?" Tanong ko habang dahan dahang tumungo roon.

Pagbukas ko ay halos mapanganga ako sa lalaking may pasa na nga sa mukha at nakanguso pa pero bakit ang gwapo pa rin niya? May something nanamang gumugulo sa tiyan ko. Mga tutubi, stop muna okay? Calm down!

"Zid!" Gulat kong sabi. Ngunit mas lalo akong nagulat nang buhatin niya ako na pang kasal at isinarado ang pintuan.

Bigla akong ginapangan sa kaba. "Zid! Ano bang–ibaba mo nga ako!" Sinubukan kong magpumiglas pero hindi niya ako binitiwan.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon