Chapter 19

745 15 0
                                        

Flare's POV

"Ang yabang mo na nga. Ang assuming mo pa! Hindi kita iniisip noh!" Depensa ko kaagad sa sinabi niya.

Nakita ko siyang ngumisi kaya kinilabutan ako. "Talaga lang ah?" Nanunuya niyang sabi kaya napasimangot ako.

"Talagang talaga! Hindi talaga kita iniisip. Siguro kapag iniisip kita ay baka pinaplano ko na kung paano kita papatayin."

"Aw. Touch naman ako. Patay na patay ka pala sa akin? Akala ko ba hindi ka attracted sa akin?" Halos mapaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

Sabihin niyo nga, paano ako nakakatagal sa lalaking 'to? Minsan napapahanga ako sa sarili ko dahil nakayanan kong magtagal ng ilang araw sa lalaking 'to.

"Asa. Hinding hindi ako magkakagusto sayo kaya pwede ba? Tigil-tigilan mo na ako?" Naiirita kong tanong sa kaniya. He grinned at me and swear, I badly wanted to remove his grinning lips. Really.

Hanggang ngayon ay hinding hindi ko pa rin nakakalimutan ang mapangahas niyang pagkuha sa first kiss ko kahit na buhay ko ang kapalit noon. It's just that, hindi lang matanggap ng sistema ko na sa lahat ng pwedeng mag mouth to mouth sa akin ay ang lalaking kinaiinis ko pa. Sagad sa buto.

Hindi talaga ako makamove on. Tsk.

It should be romantic! Ibang iba sa mga imaginations ko! Ibang iba talaga.

"You sure? Siguraduhin mong hinding hindi ka magkakagusto sa akin ha?.." Naglakad siya palapit sa akin kaya napaatras ako pero halos hindi na ako makagalaw ng yumuko siya para magkalevel ang mukha namin.

My heart skipped a beat. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng mukha namin. Parang anytime matutumba na ako dahil sa nanlalambot kong mga tuhod.

"..dahil kapag nagawa kong paibigin ka.." He stopped again and I saw how his eyes looked down to my lips. Gustong gusto kong kagatin ang labi ko pero hindi ako makagalaw.

"..hinding hindi ka na makakawala." Tila nawalan na ako ng hininga at halos hindi na ako kumurap habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.

Maging puso ko ay hindi na magkaintindihan kung titigil ba ito sa pagtibok ko o pabilisin pa ang pagtibok nito.

What does he mean? Hindi ko siya maintindihan. Huwag niyang sabihin na may gusto siya sa akin? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon.

"Z-zid..?" Ayan na lamang ang tangi kong nasabi sa kabila ng mga salitang binitawan niya sa akin.

Umangat ang tingin niya at unti-unting gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi hanggang sa maging tawa at halakhak ito.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marealize ko na ginogoodtime lang pala ako ng lalaking kaharap ko.

"Hahahaha! Ahahaha! What the hell? Seriously?! I like your face right now! Nakakatawa ka! It's so priceless! Sayang hindi ko napicturan!" Tuloy pa rin siya sa pagtawa habang ako ay nangangati na ang kamay kong suntukin siya.

Nanlilisik ko siyang tiningnan. Bwiset, hindi ko itatangging umasa ako. Umasa ako sa wala. Ewan ko ba, dapat masaya ako kasi wala talaga siyang gusto sa akin pero heto ako ngayon at gustong gusto na siyang patayin.

Maybe because pinakaba niya ako ng husto. Maybe because ginulo niya ang utak ko. O baka gusto ko na talaga siyang patayin dahil ilang babae na ba ang ginanito niya? Iniisip ko pa lang ay kumukulo na ang dugo ko dahil ngayon naiintindihan ko na kung bakit ang init init ng dugo ko sa mga playboy.

Mahilig silang maglaro ng puso ng mga babae. At hinding hindi ako papayag na mapag-laruan ako ng lalaking kaharap ko.

Huminga ako ng malalim para humupa ang inis ko. Ayaw kong makulong dahil sa nakapatay ako ng playboy.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon