Chapter 42

670 9 0
                                        

Flare's POV

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ito. Ang tanging naiisip ko lang na paraan ay ang tumakbo ng tumakbo palayo sa problema.

He said he's my fiance. He said I'm his long lost fiancee. He said we're on a relationship. He said I loved him. But I can't remember anything of these. I can't. Pilit kong inaalala ang mga ito pero walang pumapasok sa utak ko. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

Kung totoong fiancee niya ako, bakit ngayon niya lang sinabi? Maybe because he don't want me to be shock by the truth. Maybe because he don't want me to be pressured. Pero bakit ngayon lang siya nagpakita? Why suddenly now that I'm already in love with someone else. Now that I'm in love with Zid.

Bakit wala akong maramdamang koneksyon sa kaniya? Diba ang sabi nila, kapag nawalan ka ng ala-ala na may minamahal ka ay makikilala ito ng puso? Pero bakit wala akong maramdaman? Wala akong mafeel na pagmamahal sa kaniya? Dahil ba wala akong maalala?

Napaupo ako sa gilid ng kalsada habang umiiyak. Malayo na ako sa restaurant pero hindi pa rin mapanatag ang loob ko. Feeling ko may sumusunod sa akin kaya pilit pa rin akong tumakbo palayo sa lugar na 'yon..

Bumuhas ang ulan..

Tila sumasabay sa pagdadalamhati ko..

Kung totoo lahat ng sinabi ni Odin, paano na kami ni Zid? Paano na ang pagmamahal niya sa akin? Paano na ngayon na mahal ko na siya? Paano ko aayusin ang puso kong mahalin ulit pabalik si Odin? Minahal ko nga ba siya noon? Bakit wala akong maramdaman?

Bakit ba kasi nawalan ako ng ala-ala?!

Napaupo akong muli sa gilid na kalsada. Bended knees embraced by my arms. Ipinatong ko ang baba ko sa tuhod ko at muling humagulhol.

I tried to remember things. Pinilit kong alalahanin ang mga sinabi niya sa akin pero kahit isa ay wala akong maalala. Wala, blangko, Nothing.

Ang sakit sakit na ng ulo ko. Nahihilo na ako. Hindi ko na kaya, pagod na pagod na ako sa iba't ibang klase ng emosyon na aking nararamdaman. Parang gusto ko na lang matulog at sana paggising ko ay wala na.

Natigilan ako nang wala nang pumapatak na ulan sa parte ko. Napadiretso ako ng tingin upang tingnan ang paligid ngunit umuulan naman ng malakas. Napatingala ako at nalaglag ang panga ko sa gulat sa nakita ko.

Zeejay Dela Cruz, standing behind me while holding a black umbrella covering us from the rain. Napakuyom ang kamao ko sa sobrang kaba. His intense eyes locked to mine. Clenched jaw and his aura screams dangerous. He looks gorgeous with his gray shirt and black pants.

My heart skipped a beat.

Why is he here? What is he up to? How did he know that I'm here, crying under the rain? Sinabi ba ni Odin sa kaniya? I suddenly felt guilty, hinayaan ko siyang mahalin at mapansin kahit na may Fiance pala ako sa dati kong buhay.

Napaiwas ako ng tingin. I can't bear to stay on his eyes. Hindi ko kaya lalo na't may nalaman ako tungkol sa dati kong buhay at nasasaktan ako para kay Zid dahil hindi pala kami pwede..

"Stand up." He authoritatively commanded na agad ko namang nasunod dahil sa takot.

"W-why a-are y-you here..." I breathlessly asked.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay hinubad niya ang T-shirt niya (revealing his oh so perfect body) at ipinatong niya sa akin.

"I'll take you home.." Malamig niyang sabi at hindi na ako umangal pa cause I badly wanted to go home.

Buong byahe ay tahimik, tahimik na masakit sa pandinig. Tanging mga paghinga lang namin ang naririnig. Walang nagtatangkang magsalita. How I wish that he doesn't noticed my sore runny eyes.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon