A/n: Hello Readers! I'm so thankful that you made it! Nakarating ka sa epilogue. Nagpapasalamat ako sa mga matiyagang nagbasa nito hanggang sa kadulo-duluhang chapter ng kwentong ito. Nawa'y magustuhan niyo ang kabuuang kwento ng istoryang 'to.
Ps. Mahal ko kayo.
Ps again. MAHAL KAYO NG ZiLare
-----
"Look up soon to be Mrs. Dela Cruz." Panunuya ni Mona sa akin habang inaangat ang aking baba.
Sinunod ko siya dahilan upang mas lumawak ang kaniyang ngiti. Napanguso tuloy ako para mapigilan ko ring ngumiti.
"Bongga ka girl. Parang noong dalawang linggo lang eh inaayusan ka namin dahil kakadebut mo lang tapos ngayon eh ikakasal ka na. Penge nga ako ng hair mo. Haba eh." Ani Liza kaya hindi ko na napigilan ang sarili at napangiti na ako sa harapan nila.
Everything from the past for me now is very surreal. Parang hindi nangyari. Parang panaginip lang. Hindi ako makapaniwalang nandito ako ngayon, minemake-upan ng dalawang baklang nag-ayos sa akin noong mga nakaraang linggo para sa birthday ko. Hindi ako makapaniwalang ikakasal na ako sa taong mahal ko, kay Zid Justine Dela Cruz.
Naaalala ko na ang lahat. Lahat ng nasa past ko ay naalala ko na simula pagkabata hanggang ngayon at napatunayan kong hindi ko na mahal si Odin–or should I say Drake Miles, my ex-boyfriend. Laking pasalamat ko dahil hindi pa ako tuluyang naipakasal sa kaniya dahil kung nagkataon na kinasal na ako sa kaniya ay baka mababaliw na ako ng husto ngayon.
He's currently inside the Mental Hospital while my sister is in the Jail.
I was so hurt when I've remembered everything, including my past from my family. Naalala ko kung paano nila ako pahiyain, saktan at sabihan ng mga nakakasakit na mga salita. Naalala ko kung paano nila kampihan si ate Finn kaysa sa akin. Naalala ko kung paano ako magrebelde at kung paano naging kami ni Drake. Naalala ko rin kung anong huling alaala ko bago ako mawalan ng memorya.
Lahat ay sariwa pa sa akin. Ang sakit at hirap. I feel so lost and unloved. I feel so neglected. Lahat ng mga naramdam ko noon ay bigla kong naramdaman nang isa-isa kong maalala ang lahat.
"Why..." I hissed, as if it can remove the pain I'm feeling right now.
Gusto ko ng magpakamatay. Gusto ko ng mawala sa mundo. Pinagkaisahan nila ako. Pinaniwala nila ako sa mga kasinungalingan nila. They all fooled me from my past.
Umiyak ako ng umiyak habang dinadama ang mga sakit na nararamdaman ko ngayon. This is so painful. I'm so depressed whenever I'm remembering their lies to me. Ang sakit sakit isipin na ang pamilya mo pa mismo ang gagawa sayo ng mga bagay na 'to.
Bumangon ako habang pinupunasan ko ang aking mga luha mula sa pagkakahiga. Nang kumalma ako ay napatingin ako sa labas.
The sky is so peaceful wearing its own color, the black, while the stars seems so happy whenever they're twinkling and sparkling in the sky. I wish I was one of them. Sana kasama na lang nila ako para hindi ko na maramdaman ang mga ito ngayon. Sana naging isa na lang ako sa mga bituin para katulad nila, walang iniisip na problema.
Nagulat ako ngunit hindi ako gumalaw nang bumukas ang pinto. Probably, 'yung nurse ko sa room na ito. Biglang lumakas ang hangin dahilan ng paggalaw ng buhok ko pero hindi ko pinansin 'yon.
I just wanted to pass a new day.. Pagod na pagod na akong alalahanin ang mga panlilinlang nila sa akin.
"Baby.."
I stiffed when I heard his voice behind me.
"Hey.."
Slowly, I turn my head to him at natulala ako sa hitsura niya.
BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Roman pour AdolescentsIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...
