Zid's POV
I can't help but to smile.
Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi hinding ako magkakagusto sa babaeng kasama ko ngayon, na habang buhay ko siyang kaiinisan dahil hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit ba inis na inis siya sa akin.
Wala naman akong ginagawa sa kaniya. Eh siya nga itong may kasalanan sa akin. Kung hindi niya ako nireport sa librarian namin noon ay hindi sana uuwi si ate Hannate sa bahay namin at pinagalitan ako. Kung hindi niya ako nireport noon ay baka malaya ko pang nagagawa ang mga gusto ko.
Pero baliw na ba ako kapag sinabi kong nagpapasalamat ako kasi ganoon ang nangyari? Kung oo, pwes nababaliw na nga ako.
Nagpapasalamat ako kasi dumating siya sa buhay ko. Hindi ko nga alam kung saan ito nagsimula eh. Siguro noong unang beses ko siyang nakitang ngumiti? O yung unang beses ko siyang makita? Hindi ko alam.
Pero isa lang ang sigurado ko. Gusto ko na siya.
Kasalukuyan akong naghahantay sa kaniya dito sa labas ng classroom niya. Hinahantay ko siya kasi gusto ko siyang makasama. Pupunta kasi ako ngayon sa Head Quarters ng grupo namin.
Nagsisimula na akong mainis dahil pinagtitinginan nanaman ako ng mga babaeng dumadaan sa harapan ko. Uwian na rin kasi kaya marami nang nandito sa labas at napapansin ko na rin na may pabalik balik na sa harapan ko.
Mga papansin.
"At last.." Naibulalas ko nang magsimula ng maglabasan ang mga kaklase ni Flare.
Ang iba ay nagtitilian pa kapag nakikita ko sila. Ang iba naman ay namumula. Well what do you expect? Pero hindi sila ang pinunta ko dito. Pilit kong inaangat ang tingin ko para makita ko si Flare.
I saw her arranging her things. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at kahit pawis na pawis na siya ay hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya.
My heart starts to beat fast.
How I wish you to see me too.
How I wish you to notice me too.
Not as her boss, but as Zid Justine Dela Cruz.
Hindi na ako nag-alinlangang lapitan siya kaya nagulat siya sa biglaan kong pagsulpot.
"Ay butiking madungis!"
"Ang gwapo ko namang butiki. Kaso maganda na sana eh. Hindi ko lang matanggap ang salitang madungis. Ang linis ko kaya. From head to toe!" Umupo ako sa arm ng chair niya.
Inikot niya ang mga mata niya and swear, lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Napangisi ako because I really wanted to see her face, badly.
"Nagyabang nanaman po ang dakilang si Zid Justine Dela Cruz. Ano nanamang kailangan mo?! Hindi ka pa ba nakuntento na pahirapan ako kahapon?! Alam mo bang nalate ako kaninang umaga ng dahil sayo?!" Iritado niyang sabi pero nakangisi lang ako habang pinagmamasdan ang expression niya.
She's so beautiful. Malala na ako.
"Why me? Hinatid kita ng maaga kagabi. Maybe, you can't sleep cause you're busy thinking of me last night. Alam ko namang may gusto ka sa akin eh."
Napaawang ang bibig niya and natatatemp akong halikan siya. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko na ako ang first kiss niya. Sobrang tuwang tuwa ako non eh.
"Ang kapal kapal kapal talaga ng pagmumukha mo! Kita mo 'tong librong 'to? Mas makapal pa mukha mo dito!" Iritado niyang ipinakita sa akin ang libro niya pero bored ko lang itong tinabig.
"At least, gwapo. Habulin ng chiks." Nakangisi kong sabi.
"Bobo naman. Section Z. Walang utak. Puro kalandian lang ang alam. Walang magawa kundi pahirapan ang personal assistant slash bodyguard niya. Walang modo. Hindi gentleman. Mayabang. Presko. Manya----"

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Teen FictionIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...