Chapter 11

798 16 0
                                    

Flare's POV

I can say, being a personal assistant of Zid Justine Dela Cruz is quite sucks. I really hate him because of that.

Hindi ko akalain na ganito pala talaga kahirap maging isang personal assistant ng isang Zid Justine Dela Cruz. Ang dami kasi niyang kaartehan sa buhay. Ako ang nabwibwiset sa mga kaartehan niya eh.

At ang masaklap pa, body guard niya pa ako. Tsk.

"Alcohol please.." Inis kong inabot sa kaniya ang alcohol mula sa shoulder bag kong malaki. Ang hari kasi ng mga palakang binhi ay prenteng nakaupo sa isang punong nakatumba dito sa beach.

Dito kasi ginanap ang photoshoot. Sa kabilang banda ay nandoon ang pool na ginamit para sa photoshoot kanina.

"Nagdadabog ka ba Flaridad?" Nang-aasar niyang tanong sa akin kaya umarko ang kilay ko.

Nandito ako nakaupo sa buhangin. Ang maarteng si Zid kasi ay ayaw niya raw ng katabi. Nakakasira daw ng view. Viewset siya talaga.

"Hindi ba halata?!" Iritable kong sagot saka umiwas ng tingin. Mas maganda pang tingnan ang nagtatattoo dito sa harapan namin kaysa sa mukha ng palakang kasama ko.

"You know what, ang pangit mo. Pumapangit ka lalo sa pinaggagawa mo diyan sa mukha mo eh.." Walang tabas niyang komento kaya matalim ko siyang tiningnan.

"Nagsalita ang hindi mukhang pangit." Sarkastiko kong sabi kaya ngumisi siya. Oh no, mali yata ang pagkakaintindi ng kumag na 'to sa sinabi ko.

"Talagang hindi ako pangit. May pangit bang pinagkakaguluhan ng maraming babae?" Mayabang niyang tanong kaya nabilaukan ako sa sinabi niya. Kung may dala lang akong stapler ay kanina ko pa ginamit sa kaniya.

"Oo mayroon, katabi ko pa nga eh." Ako naman ang ngumisi sa aming dalawa. Kita ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko.

"Ako ba ang tinutukoy mo? Flare?" Mapagbanta niyang tanong sa akin kaya tumawa ako ng malakas. Huwag niyang patunayan na slow din pala ang mga kumag na katulad niya.

"Ay hindi! Hindi ikaw ang tinutukoy ko sir! Yung nagtatattoo sa harapan natin, siya yung pangit na sinasabi ko. Hindi ikaw promise, hindi IKAW!" Nilakasan ko ang ang huling salitang sinabi ko.

Narinig ko naman ang marahas na pag-ismid ng nagtatattoo sa harapan namin na hindi ko naman pinansin.

"Talaga? Akala ko ako yon eh. Ibig sabihin gwapo ako sa paningin mo?" Eksadeherang tanong niya sa akin na nakapagpa-arko ng kilay ko. What the heck? Talagang pinatunayan niyang SLOW ang mga katulad niyang mukhang palakang binhi.

"Slow ka ba talaga o manhid lang? Hindi mo ba nagets ma sarcastic ang pagkakasabi ko sayo? Hindi mo na naintindihan na ikaw ang sinasabihan kong pangit? Hindi ba maprocess sa braincells mong bulok na ikaw ang katabing tinutukoy ko? The fudge Dela Cruz! Oh crap, please. Let me live." Napasapo ako sa mukha ko dahil sa kabobohan ng kasama ko ngayon.

"Pangit pala ha?" Marahas siyang tumayo mula sa puno at walang habas akong hinila patayo. "Ouch! Get off of me!" Singhal ko na hindi niya pinansin. "What the hell is your problem?!"

"Papatunayan ko lang sayong mali ka." Cool niyang sagot kaya napairap ako sa kawalan. Bakit ba hindi mabubuhay ang lalaking 'to na hindi nagyayabang sa isang araw? He's so breezy for pete's sake!

"At paano naman aber?!" Pabalang kong tanong habang nakatingin sa matipuno niyang likod. Argh, why am I admiring him? Nakashirt pa siya sa lagay na 'yan.

Stop it Flare, hindi ka nito matutulungang makaalis sa kamay ni Zid okay?

"Just watch and learn, princess." Sambit niya na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Oh gosh, what's happening. Bakit bumalik nanaman ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit ko ito nararamdaman?

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon