Zid's POV
"Mga pare! Feeling ko talaga may gusto sa akin 'yong Rosa na 'yon eh. Palaging nadikit." Ngising asong sabi ni Jarred sa amin. Kasalaukuyan kaming nasa van at pabalik na kami nang resort.
"Same with me kay Jasmine. Nakakairita na nga eh. Masyadong linta. Ang daldal pa." Nakasimangot na sabi naman ni Shin.
"Edi layuan niyo. Baka naman kasi binibigyan niyo ng false alarm 'yong mga babaeng 'yon kaya dikit ng dikit sa inyo. Ang problema kasi sa inyo ay masyadong mabulaklak ang mga salita niyo." Sabi ni Craige sa tabi ko sabay lagay ng headphone niya.
"Wew, nagsalita ang dikit na dikit kay Jurrine! Nakita ko nga si leader noong nakaraang isang araw eh! Bitbit 'yong maleta ni Jurrine. Takte, gusto ko sanang picturan kung hindi lang kapit ng kapit sa akin si Rosa!" Natatawang sabi ni Jarred.
"Shut up!" Singhal ni Craige kaya nagtawanan sila.
"Mabuti pa itong si Zid, walang problema. Nandiyan kasi si Flare eh!" Sambit ni Shin kaya napadilat ako sa mga mata ko.
Bakit nanaman ako ang pinag-uusapan nila? Ang tahi-tahimik ko dito tapos idadamay pa ako. Mga walang magawa.
"Tss."
"Ay! Ayaw pag-usapan! Ibig sabihin may ibang meaning 'yan! Feeling ko may gusto 'tong si Zid kay Flare eh. Jackpot! Ang ganda eh!" Sambit ni Jarred kaya napatingin ako sa kaniya ng matalim.
Magsasalita pa sana ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. "Hindi naman siya gusto ni Flare so it's useless."
Gustong gusto ko nang tanggalan ng bunganga 'tong si Odin. Masyadong pakealamero! Can't he just mind his own freaking business?!
"Malapit nang mangyari 'yon so someone should back off right now." Sambit ko sabay halukipkip.
Iidlip sana ako kaso narinig ko ang eksadeherong tawa ng nasa likod ko kaya nag-init ang ulo ko. Nagtiim ang bagang ko habang nakakuyom ang mga palad ko. Kaunting pasensya na lang talaga ang mayroon sa akin.
"Are referring to me, Zid? Really? Hindi ka niya magugustuhan. Wala siyang gusto sayo kasi----" hindi ko na siya pinatapos dahil sinuntok ko na kaagad siya pero hindi umabot.
"Loko ka ah! Wala namang humihingi ng walang kwenta mong opinyon! Ano ngayon kung hindi niya ako gusto?! Pakialam mo?! Ha?! Isa ka lang namang ambisosyong manliligaw na umaasang susuklian 'yang nakakaloko mong pag-ibig! Wala! Akin si Flare! Akin siya!" Minura ko siya ng minura habang inaawat kami nina Shin, Jarred at Craige.
"Huy tama na mga bro! Nagkakasakitan na kayo!" Suway sa amin ni Jarred. Nagpumiglas ako sa hawak niya.
"You both should stop this. We're groupmates here. Makakasira sa grupo natin 'yan." Sambit ni Craige habang nasa gitna namin.
"Oo nga, babae lang 'yang pinag-aawayan niyo uy!" Sambit ni Shin na nakapagpainit ng ulo ko.
"Huwag mong malang lang si Flare ungas ka! Tatanggalan talaga kita ng ngala ngalang loko ka! Manahimik ka!" Iritado kong sigaw habang matalim siyang tinitingnan.
Napunta ang tingin ko sa hinahawakan niya. Tumawa ng malakas si Odin habang nakadekwatro sa harapan ko. "Marami kang hindi alam sa akin kaya manahimik ka!" Sigaw niya at sinuntok ako kaya natumba ako.
Nag-iinit talaga ang ulo ko. Aambang susuntukin ko siya ulit nang tumigil na ang sasakyan.
"Boss, tama na po. Nandito na tayo sa resort." Nanginginig na sabi ng driver kaya padabog akong umupo. Takte, gusto kong suntukin 'yong bunganga niya hanggang sa mamaga at matanggal lahat ng ngipin niya para wala na siyang masabing puro mga walang kwenta. Nakakainis! Frustrated kong ginulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Teen FictionIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...