Chapter 29

638 16 0
                                        

Flare's POV

Naglunch kami ng sabay. Kinakausap ko siya pero puro tango at iling lang ang sinasagot niya sa akin. Minsan sasagot siya ng tipid lang pero okay na ako doon kaysa naman hindi niya ako pansinin ng buong araw. Iniisip ko palang ay parang may kung anong pumipilipit sa tiyan ko.

Pagkatapos ay sinamahan ko siyang naglibot sa buong resort. Kapag may dadaanan akong gusto kong bilhin ay siya ang umaako ng responsibilidad. Dahil libre ay hindi na ako tumanggi. Mamaya hindi nanaman ako papansin eh.

"Sir! Picturan kita!" Sambit ko habang tinuturo ang napakagandang view ng dagat.

Tiningnan ko siya at nakita kong magkasalubong ang noo niya kaya humakbang ako sa harapan niya kaya napatingin siya sa akin. Ngumuso ako sa kaniya kaya lalong nagkasalubong ang kilay niya.

"What?"

"Sir.. Picturan po kita kasi oh" tinuro ko ang view ng dagat. "Maganda po eh. Sunset na kasi. Pangprofile picture lang." Nakangisi kong sabi.

Pero nagulat ako nang ipadausdos niya sa bewang ko ang kamay niya at mabilis na kinuha ang phone niya sa bulsa niya. Kinalikot niya ito saglit then itinapat niya sa harap namin ang phone niya.

"Alright. I'll take a picture of that view... with you." Aniya kaya uminit ang pisngi ko.

Hindi nagtagal ay nagclick na ang phone niya kaya nagulat ako. Shocks! Nakatingin ako sa kaniya non at hindi pa ako ngumingiti! Nagulantang tuloy ako!

"Ay! Sir naman eh! Hindi pa ako ready nun!" Sambit ko habang pilit na kinukuha sa tuwang tuwang Zid ang cellphone niya.

Pero hindi ko maabot. Bakit kasi ang liit liit ko? I'm only 5'5 for pete's sake! Tapos ang katapat ko ay 6 na yata o more. Kainis!

"Hey it's alright. Mukha talagang may HD ka sa akin dito eh.. and I like it." Ngingisi ngisi niyang sabi.

"Walang hiya! Hindi ah! Akin na nga 'yan o idedelete mo!"

"No way.. It's my phone so I'll decide and my decision is.. No, hindi ko idedelete. Ang gwapo ko kaya dito." Aniya.

"Aba't---- so hindi ako maganda ganoon?!" Salubong ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya.

"Bakit may sinabi ba ako?"

He's really enjoying this.. Napairap ako.

"Tseh! Bahala ka nga diyan!" Iritado kong sabi at aakma na sana akong hahakbang ng hapitin niya ulit ang bewang ko kaya napalapit ako kaniya at halos mawalan ako ng hininga ng halikan niya ako sa noo.

"Zid.."

"You're beautiful in your own ways.." Aniya.

Uminit ang pisngi ko nang dahil doon. May naramdaman din ako sa tiyan ko na para bang mga kulisap na nagkakagulo. Shocks! Ano 'yon?!

"So hindi talaga ako maganda?"

"Haist. May sinabi ako? You're more than beautiful. Happy?" Lumawak ang ngiti ako. I don't know why.

"So Dyosa ako?" Tanong ko. Nag-isip pa siya kaya hinampas ko at sumimangot ako.

"Wha-hat?" Natatawa niyang sabi na agad kong inirapan.

"Sabi mo I'm more than beautiful tapos mag-iisip ka kung Dyosa ako. Baket?! Ano bang more than beautiful?! Diba Dyosa na 'yon?!" Umiinit talaga ang ulo ko.

"Tao ka, hindi ka dyosa.." Natatawang niyang sabi. Lumuwag ang hawak niya kaya lumayo ako sa kaniya habang pinaghahampas siya.

"Liar!" Naiinis kong saad.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon