Flare's POV
"Flareee!! Flareeeeey!! Gissiiiiing!!"
Naalimpungatan ako ng may tumatapiktapik sa magkabilaan kong pisngi.
"Oh my Gosh! Flaridad my goodness! Kung hindi pa ako nagising para uminom eh hindi ko malalaman na dito ka na inabutan ng lasing! Jusme!"
Napaupo ako sa sofa habang hawak hawak ko ang ulo ko. Takte, anong nangyari? Pilit kong inaalala kung anong nangyari bago ako mawalan ng malay then something hits me.
May ilan na akong naalala. Bigla akong nanlamig habang isa isang nagflashback sa utak ko ang mga imahe na nakita ko. Hindi malinaw ang iba pero malinaw para sa akin kung anong pinapahatid nito.
Bakit? Bakit ang sama sama ng tingin ng mga magulang ko sa akin? Bakit ko nakita na humihithit ng droga ang ate ko? Bakit... bakit ganoon ang past ko? Ano bang ginawa ko noon?
All I can remember is their tortures on me. They always call me a liar. Bakit ako naging sinungaling? Bakit ikinakahiya ako ng mga magulang ko? Bakit parang ang sama ng ugali ko noon? Ano ba talaga ako?
"Hangover? Kape oh." Napaangat ang tingin ko.
"Thanks beshy." Kinuha ko ang kape at uminom.
Umupo siya sa tabi ko saka kinuha niya ang throw pillow ko bago humarap sa akin.
"Sorry." She mumbled. Napatingin ako sa kaniya.
"For what?" Kunot noo kong tanong.
"Eh kasi naabala pa kita. Nakita mo pa ako kung paano ako ngumawa. Nalaman mo pa tuloy ang weakness ko." Nakanguso niyang sabi.
Natawa naman ako. "Hindi ka abala and for your information, bestfriend mo ako so it's normal."
"Heh! Pero beshy. Ano ng gagawin ko? May paraan ba para pigilan itong nararamdaman ko?"
"Uhm.. I think kung pipigilan mo ang nararamdaman mo, mas lalo pa 'yang uusbong."
Nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya at panlalaki ng mga mata niya. "WHAT?! kaya naman pala kahit anong pigil ko eh ayaw magpatalo! Bwiset!"
"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya? Para naman aware siya na nasasaktan ka na sa mga pinaggagawa niya. Asawa ka niya."
Mabilis siyang umiling.
"Para saan pa? Nakakaklimutan mo na ba? Siguradong matutuwa sila noong first love niya kasi nagtagumpay sila sa plano nila. Ha! No thanks! Kahit pagsisihan ko pa, hinding hindi ko sasabihin sa kaniya!"
"Ay oo nga pala. Sorry, namental block lang. So ano ng plano mo?"
"Hindi ko nga rin alam eh. Iyon sana ang itatanong ko sayo."
"Kung ako tatanungin mo, hindi ko rin alam eh. Kahit payuhan naman kita ngayon eh desisyon mo pa rin ang masusunod. Ang sa akin lang, try to hear him first para naman malaman mo ang side niya bago ka magdesisyon.."
"Ayoko ng makarinig ng mga kasinungalingan niya, Flare. Pagod na ako."
"Ang sa akin lang, huwag kang padalos dalos sa magiging desisyon mo. Mas maganda pa rin na alam mo kung anong paliwanag niya para naman masabi mong nakinig ka sa kaniya, nasa sa iyo na 'yan kung anong paniniwalaan mo. Tandaan mo, nasa huli pa rin ang pagsisisi. Hindi sa bias ako dahil alam kong mali niya pero I can see through he's eyes, he loves you."
Napansin ko ang bahagyang pagtulo ng mga luha niya pero agad naman niya itong pinunasan. To be honest, naaawa na ako sa bessy ko. Siya na ang magandang description ng salitang 'martir'.

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Teen FictionIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...