Chapter 25

673 13 0
                                        

Flare's POV

Napasimangot ako habang nakatingin sa pinapanood kong Koreanovela. Strong Woman.

Paano ito kasi eh, ito na ang time na may bomba na sa katawan ng girl na si Do Bong Soon at pinapalayo niya si Park Hyung Sik kasi sasabog na ang bomba pero hindi pa rin nagpatinag si Park Hyung Sik at halos mangiyak ako nang mapansin kong may dugo na ang kamay niya sa kakapilit na tanggalin ang kadena sa pintuan.

Naiiyak ako. Sa inis ko eh pinatay ko na lang ang laptop ko dahil nababatrip ako. Mamaya ko na lang itutuloy kapag ready na ako. Shocks, feeling ko ako 'yong affected masyado.

Lumabas ako mula sa kwarto ko para uminom ng tubig. Pagpunta ko sa kusina ay halos mapatalon ako nang makita ko si Thea na nagluluto.

"Thea? Papaano ka----" mabilis niya akong pinutol.

"Bessy! I'm here for a celebration! Wuahhh bessy! Kami na ni John! Huwag ka ng magtanong kasi magaling akong magbukas ng mga pinto." Masigla niyang sabi habang inilalapag ang niluluto niyang Adobo. Tanghali na kasi.

"Kayo naman talaga ni John ah? Kasal na nga kayo eh." Sabi ko sabay upo sa isang silya malapit sa kaniya.

Na pinagsisihan ko kaagad dahil binatukan niya ako.

"Boba! Iba 'yon! Kasal kami kasi arranged kami pero ngayon kami na with feelings! 'Yon wala!" Aniya sabay tanggal ng apron niya.

Napairap tuloy ako. "Boyfriend mo ang husband mo..? Ang gulo."

"Nga eh. Ang gulo ng lovelife ko pero oks lang. Mahal ko naman eh." Ngingisi ngisi niyang sabi.

"Eww. So corny. Corniest sentence.. Ever!" Maarte kong flinip ang hair kaya sinambunutan niya ako.

"Panira ka. Bitter ka lang kasi tsk. Nga pala, musta pala kayo ni Claude?" Tanong niya kaya nabilaukan ako at napainom ng tubig.

Naman eh. Kinakalimutan ko na nga 'yong nakita ko last week tapos ipapaalala sa akin ng walang hiya kong bestfriend.

"Uy beshy! Nabilaukan ka! Meaning may something na nangyari! Wuahh I'm so excited. Anong nangyari sa inyo?"

Naibagsak ko kaagad ang basong ininuman ko habang nakaseriously face na nakatingin sa kaniya. Namula kaagad ang pisngi ko. "W-walang nangyari! Promise! Wala talaga!"

Nanlaki ang mga mata niya. "Gaga! Ang green minded mo! Ang tinatanong ko eh anong ganap na sa inyo?" Malawak ang kaniyang ngiti kaya napanguso ako.

Akala ko naman eh..

"Wala. Walang nangyari. Friendzone pa rin. Nakita ko nga sila ng... Gf niya yata sa mall last weak." Labas sa ilong kong sabi sabay subo ng napakaraming kanin.

"What.. Oh.." Ayan ang tangi niyang sinabi.

Aaminin ko. Hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa akin. Friend zone na nga ako tapos malalaman kong may girlfriend pala siya. Ayos lang sanang malaman na nafriendzone ako kasi single siya eh kaso may gf eh.

Huhuhu. Ang sakeet.

"May girlfriend pala si Claude. Dapat malaman ko 'yon! Aba dapat mas makilatis ko ang girlfriend ni Claude para naman makasundo ko. Siyempre girlfriend ni Claude iyon kaya dapat talaga alam ko! Anong silbi ko bilang kaibigan ni Claude kung hindi ko makikilala ang girlfriend ni Claude diba?" Nakangisi niyang sabi sa akin.

Habang ako ay gustong gusto ko ng itusok sa bunganga niya ang hawak kong kutsara at tinidor.

"Talagang pinapamukha mo sa akin na may girlfriend na si Claude ah? Oo na! Tanggap ko ng hanggang FRIEND! lang ako. Na may GIRLFRIEND na si Claude!" Iritable kong singhal sabay subo ng pagkain ko.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon