Flare's POV
Nagising ako dahil sa gutom. Napalingon ako sa tabi ko at napanguso ako nang makita kong wala na si Zid sa tabi ko.
Biglang nag-init ang pisngi ko. We slept in the same and same bed but we didn't do anything. Paniniwalaan ko na ba siya sa mga sinasabi niya sa akin?
Bumangon ako upang tingnan ang labas at napagtanto kong gabi na pala. Ilang oras ba kaming nakatulog at ngayon lang ako nagising? Hindi pa ako nakapagtanghalian kaya talagang gutom ako ngayon.
Napalingon ako sa pintuan ko nang bumukas iyon at iniluwa non si Zid na may hawak hawak na dalawang malaking plastic na siguro mga pagkain. Napa-awang bibig ko habang nakatingin sa kaniya na mabagal na isinasarado ang pintuan. He didn't see me nor noticed me that I'm already awake.
He's wearing a Black Printed shirt with a gray hoodie, a faded jeans and nike shoes. I can't catch my breath back. It's a breath taking view. He's so handsome with his confused face and suddenly, he turned his face to my gaze. I realized that he already noticed me. Naitikom ko tuloy ang bibig ko at napaiwas ng tingin.
"You're awake." He said habang inilalagay ang dala dala niyang dalawang plastic sa side table ko at bahagyang binuksan ang ilaw.
"Yeah. Obviously. By the way, where did you go?" Tanong ko ,trying to calm myself, at bahagyang lumapit sa kaniya para tingnan ang mga binili niya. I'm really hungry in my state.
Masyado akong trying hard para lang huwag isipin ang awkwardness sa amin kahit na naaawkwardan talaga ako. Biruin mo? Nagtabi kaming matulog! First time in my life!
"Bumili ako ng pagkain. Nagutom kasi ako paggising eh. Kaso nakita kitang katabi ko kaya busog na ako. Bumili na lang ako para sayo." Ngising aso niyang sabi kaya nang makalapit ako sa kaniya ay sinuntok ko siya sa tiyan.
"Ow!.."
"How dare you to drag me and slept with me! Ang bastos mo! Manyak! Pervert jerk!" Sambit ko habang hinahampas siya ng unan kaya pinagcross niya ang braso niya.
"Ow! Tama na! Ginusto mo rin naman eh! Aray! Ang himbing nga ng tulog mo! Tapos sumisiksik ka pa sa akin! Ouch! Aw!" Aniya kaya mas lalo ko siyang hinampas at sinipa na rin siya kaya tumakbo siya at umikot sa kama.
"Ang yabang mo! If ever gumagawa ka lang ng kwento! Baka nga ikaw itong sumisiksik sa akin! Alam ko namang may pagnanasa ka sa aking leshe ka! Hoy lumapit ka sa aking talipandas ka!" Iritado kong ibinato sa kaniya ang unan na nahahagip ko.
Patuloy siyang umiilag. Oh my goodness! This guy is getting in my nerves! Kulang na lang ay pumutok na ang ugat ko sa leeg sa inis!
"Wow. Pagnanasa, big word! Pasalamat ka't mahal kita." Aniya kaya napatigil ako at dumilim ang paningin ko.
Ngumisi siya. "Edi, tumahimik ka ngayon? Dapat kasi sagutin mo na ako nga–"
Agad akong lumundag sa kama at hinila siya pahiga sa kama. Tumayo ako sa taas niya at bahagya siyang sinipa sa tiyan kaya napadaing siya. Lumuhod ako nang bahagya at sinubukang suntukin siya sa mukha.
"Hoy! Tama na mahaaaal! May shooting kami mamaya! Baka magtaka silaa!" Naghyhysterical niyang sabi habang patuloy niyang sinasalag ang mga suntok ko sa kaniya.
"At ganoon? Edi ito na lang." Agad kong hinawakan ang buhok niya at at inalog alog iyon.
Hinawakan niya 'yon at buong lakas niya akong tinulak para gumulong ako sa gilid niya at ngayon nasa taas ko na siya. Pilit akong nagpupumiglas sa ginagawa niya.
"Mahaal. Huwag ang mukha ko. Kailangan pa 'yan ng lahi natin." Aniya sabay ngisi ng napakalawak kaya inirapan ko siya habang nagpupumiglas pa rin.
"Ang kapaal! Malibog kang manyak ka! Arghhhhh!!! Freaaak! Freakiiiing jer–" pareho kaming nagulat nang kumalabog ang pintuan ng kwarto ko kaya tumingala ako habang si Zid ay napatingin rin doon.
BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Novela JuvenilIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...