Zid's POV
Nasa balcony kami ng ate ko ngayon at masasabi kong nakakayamot ang ganitong mga pangyayari kasi nakakaboring.
Boring.
Napairap ako sa kawalan habang busy kakangawa ang ate ko tungkol sa mga rules blah blah blah regulation daw na susundin ng personal assistant ko. Kasama ako.
Diba ako ang amo dito? Bakit siya ang gumagawa ng rules? At talagang kasama ako sa susunod ng rules na yan? Tsk
The heck man! Ano bang mapapala ko jan? Tsk. Badtrip naman kasi itong si ate, bakit ba kasi si Aly pa itong sinabihan niya para humanap ng Personal Assistant. Dapat ako na lang eh! Mas sexy, mas maganda at mas malaki pa ang hinaharap kaysa jan sa babaeng yan!
Tsk. Sana naglalaro na ako ngayon ng video games kina Claude o baka naman ay nakikipagparty na sa mga nag-invite sa akin na may mga party. Hindi ako gate crusher, sexy seeker lang.
Tiningnan ko ang babaeng hindi ko talaga type! Kung hindi niya lang inaapakan ang ego ko ay hindi ko ito papatulan eh! Walang hinaharap! Maganda ang legs, doll ang mata at matangos ang ilong, ang pula ng lips. Parang ang sarap halika----- heck! Ano ba itong pinag-iisip ko! Delete! Delete!
"What are you doing, Zid?" Tanong sa akin ni ate kaya napatingin ako sa kaniya. What the hell, nakatitig ba ako sa kaniya ng matagal?! Yuck! Hindi ko na uulitin yun!
"Uhh? Looking around?" Sagot ko habang inililibot ko pa ang paningin ko para hindi mahalata ang makasalanan at nakadidiring ginawa ko sa tanan ng buhay ko!
"Anong looking around? Looking at her kamo! Pasimple ka pa eh!" Singhal ng katabi kong si Aly kaya nakasimangot ko siyang tiningnan. Ang daldal talaga ng babaeng 'to. Dapat plinaplasteran ang bibig nito eh!
"Anong looking at her? Anong makikita ko sa kaniya? Bukod sa pangit siya at walang hinaharap? Ano pang makikita ko jan? She's an ordinary girl." Sarkastiko kong sabi kay Aly kaya nakatanggap ako ng dalawang batok mula sa ate ko na katabi ko rin at kay Aly. Pabilog kasi ang inuupuan namin eh. Katapat ko si Flare.
"Hoy! Akala mo kung sino kang perfect! 34 Cup B yang bestfriend ko kaya huwag kang makalait jan! Palibhasa mga malalaking boobs lang ang hinahanap mo eh! Sige! Hanap pa!" Ani ni Aly kaya napataas ang kilay ko.
"34 Cup B huh?" Sambit ko sabay tingin kay Flare na ngayon ay namumula na. Oh, how cute. She looks so innocent kitten. Nahihiya siya sa lagay na yan?
"Tumigil ka ngang unggoy jan! At humanda ka sa akin Thea! Masasapak na talaga kita mamaya. Bwiset ka!" Singhal niya. Ay sayang, akala ko pa naman innocent kitten na siya, wild tiger pa rin pala. Tsk wrong hula. Wrong hula.
"Huh?--- ay sorry sorry bessy! Nadala lang ako haha! Atsaka walang problem yun! Atleast hindi ka na niya mamanyakin kasi alam na niya ang size mo. Diba Zid? Diba mga malalaking hinaharap lang ang taste mo? Huwag kang magkakamaling manyakin ang bestfriend ko." Malambing na sabi ni Aly kaya napairap ako.
"Obkors no--este yes! Hindi talaga. She's not my type. I don't like her. Mataas ang standards ko pagdating sa mga babae and what the hell are you saying na manyak ako? Hindi ako manyak ah! Sila ang nangmamanyak sa akin! Pinagsasamantalahan nila ang pagkalalaki ko!" Depensa ko.
Nakaramdam ako ng pagtulak sa likod ng ulo ko at napag-alaman kong tinulak ni ate Hannate ang ulo ko. Naman eh! Ang mga gwapong matalinong katulad ko ay hindi ginaganito. They're bullying me!
"Ulo mo. Nagsalita ang dakilang Hindi daw manyak . Tsk. Huwag kami Zid, huwag kami." Sambit ni ate Hannate kaya napasimangot ako.
Diba dapat kakampi ko ang mga kamag-anak ko? Bakit nabaliktad ata? Sila pa ang nanlalaglag sa akin.
BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Teen FictionIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...