Chapter 21

734 15 0
                                    

Flare's POV

Naalala ko nanaman. Naalala ko nanaman ang mga sinabi niya sa akin.

"Grabe, parang hindi tayo friends."

Limang salita lang 'yang pero parang ilang beses na akong sinasaksak sa puso. Bakit kasi kaibigan lang ang tingin mo sa akin Claude?!

Hindi ako nakaimik nang sabihin ni Zid ang pangalan ni Claude. Halos hindi ako makahinga nang isa-isa kong naalala ang mga sinabi niya sa akin. Kung hindi pa tumunog 'yong elevator ay baka umiyak na ako roon.

Bahala na. Kailangan ko ng magmove on. Kung ayaw niya sa akin, edi wag. Hindi naman ako 'yong tipong ipagpipilitan ko ang sarili ko kung ayaw naman sa akin nong tao. Friends nga lang kasi kami.

Kasalukuyan akong nasa labas ng music room ng grupo nila Zid. Hindi ko pa alam kung anong pangalan ng grupo nila pero wish ko na sana naman maganda para mapagtakpan ang pangit na ugali ni Zid. Mabuti na lang at hindi siya ang leader ng grupo nila. Sure akong walang mangyayaring maganda kapag siya ang naging leader ng grupo nila.

Hindi ko nga alam kung bakit pa ako sinama ni Zid dito. Naging chaperon tuloy ang hitsura ko dito. Bwiset ka talaga Zid! Sukat akbayan ba naman ako sa baba kanina. Ang dami pa namang mga mapanuring mga mata kanina.

Napag-isipan kong bumaba muna. Wala akong mapapala kung maghahantay na lang ako habang buhay doon. Kung alam ko lang na gagawin sa akin 'to ni Zid ay sana nagcutting classes na lang ako kanina. Kaso hindi ko kayang gawin 'yon eh.

Naglakad ako papunta sa elevator kaso sa kasamaang palad ay nasa 39th floor pa at pataas pa 'yon kaya pumunta ako sa kabila kaso ganoon din kaya wala akong choice kundi magpunta sa hagdanan.

Naglakad ako pababa sa hagdanan. May mga ilang staffs akong nakakasalubong at laking pasalamat ko kasi hindi nila ako pinapansin. Pagbaba ko ay isinuot ko ang hood ko na kasusuot ko lang kanina sa taas habang bored na bored akong naghahantay sa labas ng music room nila Zid.

Lumabas ako at unang bumungad sa akin ang mainit na simoy ng hangin. Polusyon nga naman. Siguro maraming polusyon sa hangin ang nalanghap ni Zid kaya ganoon na lamang siya kayabang.

Lumapit ako sa isang stall na nagtitinda ng french fries. Bumili ako ng isa at pagkatapos ay naglakad lakad ako.

Halos magtwinkle ang mga mata ko ng makakita ulit ako ng arts exhibits. Walang pag-aalinlangan akong nagtungo doon.

Hindi ko alam pero simula nang makakita ako ng mga ganito ay tuwang tuwa talaga ako. Minsan ko nang pinangarap na sana makagawa ako ng mga ganito. Matry ko nga sa bahay na magpaint mamaya.

Naglakad ako palapit sa isang paint at halos magimbal ang buong sistema ko ng maintindihan ko ito. Nagtingin pa ako ng iba at halos mapuno na ang cellphone ko sa kakapicture ng mga ito.

"Mahilig ka pala sa mga paintings." Halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses ni Odin.

"Oh Odin! Tapos na ba kayo magpractice?" Pagtatanong ko habang inilalagay ko sa bulsa ko ang phone ko.

"Yeah." Aniya habang tumitingin sa paint na nasa harapan niya kaya napatingin ako doon.

Isa siyang puno na itim. Sa magkabilaang side nito ay nakahugis babae at lalaki. Ang background ng imahe ay mundo.

"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng paint na 'yan?" Biglaan niyang tanong kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ano nga ba?" Tanong ko sabay balik ng tingin sa painting.

"Ang ibig sabihin niyan, simple lang. Nasa magkabilaang panig ng mundo ang babae at lalaki kaya hindi sila magkita kita kaya ang ipinapakita nito ay Long distance relationship." Aniya kaya napatango ako. 'Yon din kasi ang tumatakbo sa isip ko habang pinagmamasdan ko ito kanina.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon