Chapter 13

754 21 0
                                        

Flare's POV

Hanggang ngayon ay masamang masama pa rin ang loob ko sa tinaguriang hari ng mga buto ng halaman. Naiinis pa rin ako sa kaniya. Kung pwede lang siyang isabit sa isang puno at panghahampasin ng latigo ay ginawa ko na.

But he did that to save me. He did that to gave me life again. Kung hindi dahil sa halik na 'yon ay hindi ako mabubuhay ngayon. Kung hindi dahil sa halik na 'yon ay wala na ako sa mundong ibabaw ngayon. I thank him because of that. Siguro iisipin ko na lang na ni-CPR na lang niya ako.

Haist. CPR. What a word. Hindi pala uso sa mangyakis na 'yon ang salitang CPR. Sadyang napakamanyakis lang ng lalaking 'yon at sa kasamaang palad, naisahan ako ng loko.

Halos matanggalan na ng traganta ang manager ni Zid sa kakatalak sa amin. Paano kasi, nahuli na nga kami sa shooting, dumating pa kaming basang basa. Galit na galit sa akin ang manager ni Zid. Hindi ko nga maintindihan kung bakit mas galit siya sa akin. Gusto gusto kong sabihin sa kaniya na "Bakit? Ako ba ang nagsurfing sa dagat?!" Pero pinili ko na lamang na manahimik.

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse ko at marahan akong sumakay sa driver's seat. Kinuha ko sa harapan ang susi ng kotse at sinimulan ko ng buhayin ang kotse. Napabalikwas ako nang may kumatok sa bintana ko at halos magusot ko na ang mukha ko nang makilala ko ito.

Padabog kong binuksan ang bintana. "Ma'am.. Mahigpit pong ipinagbabawal ni madam na hindi ka pu-pwedeng magdrive ng kotse kaya kung ako po sa inyo ma'am, umalis na po kayo jan at lumipat po kayo sa backseat, diba po ma'am?" Sambit ni kuya Robert at hindi ko maintindihan kung inaasar ba niya ako o pinaparinggan.

I 'tsked' before I obeyed his thought. "Fine." I hissed. Mabilis akong lumipat sa backseat at marahas kong pinagsalikop ang mga braso ko. I just want to drive my car! I want to try it again! Bakit ba ayaw akong payagan ni mom? Dahil ba sa accident na 'yon?!

"Ma'am.. Smile naman po jan oh? Contest niyo po ngayon." Nakangising sabi ni kuya Robert kaya napahinga ako ng malalim. Okay fine, I need to calm myself.

Contest mo ngayon Flare, contest mo kaya huwag kang sumimangot diyan kasi hindi ka mananalo sa pinaggagawa mo. Calm down. Just.. Calm down..

"Alright kuya.."

Mabilis kaming nakarating sa school. Ibinaba na ako ni kuya Robert sa harapan ng gate saka ko siya binigyan ng wave. "Ingat po kayo.."

"Punta po ako mamaya ma'am! Ichecheer ko po kayo kasama ng family ko." Nakangiti niyang sabi kaya napaawang ang bibig ko.

"Nako kuya, hindi niyo na po kailangang gawin 'yan. Salamat na lang po.." Sabi ko pero inilingan niya lang.

"No ma'am. Pupunta kami mamaya. Gusto ka rin pong makita ng anak ko ma'am." Pamimilit niya.

Nakakataba ng puso na may mga ganitong tao sa paligid mo. Na kahit wala kang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo nila ay sinusuportahan ka pa rin nila. I smiled bitterly, kung sino pa ang hindi mo kamag-anak. Sila pa ang sumusuporta sayo.

"Thanks kuya Robert.." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil para sa akin ay napakalaking bagay ang ginagawa ni kuya Robert sa akin. Kahit hindi ko siya kamag-anak ay tinuturing niya pa rin akong nakababatang kapatid.

"Ay wala 'yon ma'am! Sige po! Alis na po ako. Ingat po kayo ma'am." Nagsimula ng tumaas ang bintana ng kotse ko hanggang sa matakpan na ng makapal na bintana ang mukha ni kuya. Pinaandar na ni kuya ang kotse at tinanaw ko ang pag-alis nito.

"Flaridad!" Sigaw ng isang babae sa 'di kalayuan. I saw her running towards me until she reached my side. "Bessy!"

"Ano't parang hinahabol ka ng mga zombies?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nagsimula na akong maglakad papasok sa school at ramdam kong nakasunod siya sa akin.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon