Flare's POV
"Flare! Pinapatawag ka sa dean's office!"
Yan ang kauna-unahan kong narinig saa pagpasok ko pa lang sa eskwelahan namin.
I gave her a thumb's up saying I'll come. Siya si Thea. Classroom president ng klase namin at chairperson ng mga representatives ng Supreme Student Council ng eskwelahan namin.
At the same time, she's my bestfriend.
Napa'aray' ako dahil nang makalapit siya sa akin ay sinapak niya ako kaagad ng walang pasintabi.
"Hoy Flaridad! Talagang mapapa'aray' ka kasi tinulugan mo ako kagabi! Kainis ka! Mang-iiwan! Bwisit din yung Seige na yon! Magsama kayo!" Aniya.
"Ay kapag naging kami, wala ng kayo kaya huwag kang ganiyan." Sagot ko. Napairap siya sa kawalan.
"I don't care. Kahit naghalikan pa kayo sa harapan ko. I DON'T CARE!" aniya. Sinuntok ko siya ng mahina sa balikat niya habang nakangisi.
"Bes. Nagseselos ka ata eh. Beshy, hindi ko naman aagawin si John sayo. Sayong sayo yun kasi nakalaan talaga siya para sayo. Makaselos naman ito."
"Hindi ako nagseselos noh! Hindi ako nagseselos siraulo! Tsk, nakakaalibadbad na yang mga paratang mo sa akin ah!" Aniya pero tumawa lang ako ng malakas.
"Hindi daw pero pulang pula naman yang ilong mo. Hay nako Thea, huwag ako. Kutang kuta na ako sa ugali mo." Sambit ko.
Hinampas niya ako ng mahina sa balikat kaya napa'aray' nanaman ako sa sakit. Ang sama niya. Nananakit siya ng bestfriend. Napanguso tuloy ako.
"Siraulo ka talaga! Hindi nga kasi ako nagseselos! Hindi ako nag-ABA BWISET! ANG KAPAL TALAGA NG MALANDING YON! TINGNAN MO OH! TINGNAN MO! ARGH!"
Napatingin ako sa tinuturo niya at agad akong napatakip sa mga mata ko sa nakikita ko. John is kissing our cheerleader torridly. Ew.
"Hindi ka nga nagseselos." Nasabi ko.
"Waits, mauna ka na sa Dean's office at paki-bigay ito kay miss Castro okay? May susuntukin lang ako ngayon." Aniya sabay bigay sa akin ng isang long folder na may mga papel sa loob.
Mahal naman talaga ni Thea itong si John kaso hindi lang inaamin ni Thea iyon sa kahit na sino, kahit sa akin na bestfriend niya. And you know what? They're married but it's just an arrangement. Saklap noh? Minsan ang sarap hampasin si John para marealize niya kung gaano siya kamanhid.
Bago pa ako makawitness ng world war three ay dumiretso na ako sa dean's office. Napatingin ako sa cellphone ko kasi nagbeep ito at napag-alaman kong nagtext si mommy sa akin.
From mommy:
Anak. Guess what? May good news ako sayo! Uuwi kami jan sa lunes!
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Seryoso?! Uuwi na sila dito sa Pilipinas?! Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mama sa akin.
Natuwa ako sa ibinalita sa akin ni mommy. Ang tagal na naming hindi nagkikita simula noong ipadala ako ni mommy dito sa Pilipinas. I think, that was 2 years ago after the accident she told me.
Naaksidente daw kasi ako sabi ni mommy at nabura daw lahat ng ala-ala ko. Noong malaman ko yun ay grabe ang pag-iyak ko non. Ibig sabihin, may mga ala-ala akong maaari ko ng hindi maaalala at nakakalungkot isipin na pwedeng hindi na ito bumalik pa.
Tinanong ko sila noon kung ano bang dahilan kung bakit ako naaksidente, ang sabi nila nagmamaneho daw ako non dahil may hinahabol daw ako noon na business partner ni papa kasi may naiwan daw yun eh ako raw ang unang nakakita ng wallet non kaya hinabol ko. Ayon nabangga tuloy ako.

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Novela JuvenilIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...