Chapter 14

769 17 0
                                    

Flare's POV

Isa lang ang masasabi ko. Napakaarte ni Zid. Siya lang ang nakilala kong maarteng lalaki sa tanan ng buhay ko.

Goodness gracious, nagsisimula na akong magduda kung kaya ko bang bantayan ang Zid na ito sa susunod pang limang buwan. Isang linggo pa lang ang nakalilipas at ganito na ang nararanasan ko. How much more pa sa susunod na mga araw?

Hindi ko alam kung anong klaseng mga pagkain ang pinapakain sa lalaking 'to at naging ganito ang ugali niya sa paglaki. Sobrang arte! Mas maarte pa siya sa akin. Ang saki sakit niya sa ulo, my gawd.

Minsan naiisip ko na lang, 18 years old ba talaga ang kasama ko ngayon? Para siyang 9 years old na pumasok sa katawan ng isang 18 years na lalaki. Matured lang ata ang utak ng lalaking 'to pagdating sa kalandian.

"Chicken, I like chicken. Can you order that for me, Flare?" Hayan nanaman po, nag-uumpisa nanaman ulit ang kaartehan sa buhay ng lalaking 'to.

"Takte, Zid! Pang-ilang order na natin 'to! Bakit ba hindi ka makuntento sa isa?!" Nanggagalaiti kong bulong sa kaniya na kasalukuyang nginunguso ang gusto niyang chicken sa katabi naming bata na kumakain ng chicken. Naiinggit ang dakilang binhi.

Nandito kasi kami sa Jollibee. Ang dakilang binhi kasi ay maarte at ayaw niyang sa cafeteria kami kumain. Gusto niya sa Jollibee kasi gusto niyang kumain ng Spaghetti, French Fries, Sundae, Yumburger at kung anu-ano pa. Heto nga't gusto nanaman niya ng Fried chicken. Halos lahat na ng pagkain dito sa Jollibe ay nabili na namin pero kahit isa wala siyang naubos! Tig-iisang kutsara lang ang pinagkakain niya sa mga ito. Sinong hindi maiinis?!

May contest pa naman ako mamaya tapos maiistress lang ako sa lalaking 'to. Bwiset talaga siya sa buhay ko. Nakakainis, kung pwede lang itapal sa pagmumukha niya itong mga inorder namin- siya lang pala ang nag-order niyan. Tsk.

"Nisisigawan mo ba ako? Ha Flaridad?" Pinasingkit pa niya ang mga mata niya kaya napairap ako sa kawalan.

"Hindi po kita nisisigawan, sir. Binubulungan po kita." Sambit ko sa kaniya. Sinimulan ko nang kainin ang Sundae na hindi niya naubos.

"Hindi eh! Sinisigawan mo ako eh! Galit ka sa akin! Galit ka! You're fired!" See? Minsan ang sarap tanggalan ng lahat ng turnilyo niya sa katawan para may dahilan ang pagiging baliw niya.

"Hindi ikaw ang naghired sa akin kaya hindi mo ako mafa-fired. Gusto mo pakain na lang kita ng apoy para matigil ka na diyan sa kaartehan mo? Kumain ka na lang diyan. Ang dami dami inorder tapos hindi mo naman pala kakainin. Tsk." Saad ko bago ako sumubo ng pagkain.

"Akin 'yan ah. Bakit mo kinakain? Sinabi ko bang kainin mo ang inorder ko? Bakit hindi ka mag-order ng sarili mo?" Reklamo niya na nakapagpa-ismid sa akin. Eh kung tuktukan ko kaya siya ng Sundae?! Paano ako makakaorder kung lahat ng pagkain sa jollibee eh inorder na niya?! Halos maglampasan na nga ang mga plato dahil sa dami ng inorder niya.

"Akin na po ito sir ah? Nalawayan ko na." Sambit ko na lamang. Hindi naman na niya kakainin tapos magrereklamong sa kaniya raw 'to. Bwiset. Hindi ko na lang siya pinansin. Isusubo ko na sana ang pang-anim na subo ko nang marinig ko siyang tumikhim.

"Akin na 'yan. Yan na lang kakainin ko." Bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya.

"Seriously? Kung kailan kinakain ko na, saka mo pa naisipang kainin 'to? Bumili ka ng sayo.“

"Sinong bumili niyan? Ikaw ba ang bumili? Ikaw ba? Ha? Nagugutom na ako Flare. Mamamatay na ako sa gutom tapos hindi mo pa ibigay ang pagkaing gusto ko. Ayaw ko ng magwaldas ng pera. Tinatamad ako." Napanganga naman ako sa haba ng sinabi niya. Anong akala niya? Maniniwala ako sa pinagsasabi niya? Maaawa na ba ako sa kaharap ko ngayon?

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon