Flare's POV
Napabalikwas ako nang may kumatok sa pintuan ng condo unit ko. Sa pagmamadali ko ay hindi na ako nag-aksaya ng oras para mag-ayos. Dali-dali akong bumaba at tiningnan ko kung sino ang bisita ko.
Napakunot ang noo ko nang makita ko si Thea. Agad kong binuksan ang pintuan ko at walang anu-ano niya akong niyakap kaagad. Nagsimula na rin siyang umiyak.
"T-t-thea..?" Hindi ko alam ang gagawin ko kung yayakapin ko ba siya o ano.
"B-bessy. Dito muna ako sa inyo. A-ayaw ko muna umuwi. Ayaw ko munang u-umuwi.." Naiiyak niyang sabi kaya tumango ako.
Inakay ko siya sa mini sala ko at dali dali kong binalikan ang pintuan ko para maisara iyon. Pagbalik ko ay nakapalumbaba na siya sa sofa. Feeling ko naiiyak na rin ako sa nangyayari sa kaibigan ko kahit na hindi ko pa alam.
"U-uhm. A-anong gusto mo? Kape? Juice? Tubig?" Nag-aalangan kong tanong.
"May alak ka diyan?"
----
"So iyon nga! Ang kapal ng pagmumukha niya diba? Ang sakit sakit sakit ng ginawa niya Flaridad. Ang sakit sakit. Parang tinatadtad 'yong puso ko.." Humahagulhol niyang sabi sa akin sabay tungga ng ininom niyang alak.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Napag-usapan naming uminom ng alak since broken hearted siya at 'yong hayop niyang asawa ay ang sarap ibaon ng buhay.
"Anong ginawa mo nang makita mo sila?" Tanong ko sabay inom din ng alak ko. Alangan namang siya lang? Sinabayan ko na siya para hindi siya malungkot. Mahal na mahal ko kasi itong kaibigan ko eh.
"Sinambunutan ko 'yong babae niya siyempre! Tapos nginudngod ko pa sa sahig noong elevator. Nakakatawa nga kasi hindi ako pinigilan ni Juan na 'yon! Pero wala akong paki! Hindi maaalis 'yong sakit na binigay niya sa akin dito. Shemay! Ang sakit!" Kung kanina ay tumatawa siya, ngayon naman ay umiiyak na. Actually, kanina pa kami nag-iinuman eh.
Nasabi niya sa akin na nakita niya si John na may kahalikan nanaman at sa elevator pa. Kung ako si Thea ay baka kinaladkad ko na palabas 'yong babae.
"Anong balak mo?" Tanong ko.
"Hindi ko alam.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Inaamin ko, mahal ko na si John. Pero ang saklap noh? Kung kailan mahal ko na siya, saka pa siya gagawa ng bagay na ikasasakit ko. Hindi ko alam kung mahal nga ba niya ako o hindi eh. Baka nga pinaglalaruan lang ako nung lokong 'yon. Ang sakit. First love ko siya, first love!"
"First love never dies daw.." Natatawa kong sabi.
"Heh! Hindi totoo 'yan! Ang sarap kaya niyang patayin! Kaso tama ka nga pala. Masamang damo 'yong taong 'yun kaya mahirap patayin." Aniya. Mali pa yata ang pagkakaintindi niya. Napailing ako.
"Ayaw ko na. Masakit bessy. Ang sakit. Hindi ko na kaya. Akala niya hindi ako nasasaktan? Napapagod din ako noh! Hindi niya talaga ako mahal! Kasi kung mahal niya ako, hindi siya maghahanap ng ibang babae! Bwiset! Hindi niya ako mahal!" Humagulhol nanaman siya kaya hinagod ko ang likod niya.
Hindi ako marunong magpayo kaya ito lang ang kaya kong gawin.
"Hindi niya ako mahal. Hindi n-niya ako m-m-mahal. Nakakainis na nagpatanga ako sa lalaking 'yon. Pinaglalaruan niya lang ako. Sukat umasa pa talaga ako mamahalin ako ng isang casanova?! Ha! Hindi niya ako mahal. Tapos may paligaw ligaw pa siyang nalalaman? Tss. Asa, palabas lang pala 'yon?! Magsama sila ng Natalia niya!"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sinong Natalia?"
"Yong letse niyang first love! Nalaman ko lahat lahat ng plano nila kanina at ang sakit lang malaman na mula pa 'yon sa lalaking mahal na mahal mo? Pinagpalit niya ako!"

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Ficção AdolescenteIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...