Flare's POV
Maaga akong gumising kanina para makapaghanda ako sa pagkikita namin ng sinasabi ni Thea na pinsan niyang magiging artista.
Nalulungkot ako kasi hindi matutuloy sina mommy na uuwi dito sa Pilipinas bukas kasi may event daw si ate Finn. Siguro mabuti na lang din yun para hindi ako masyadong mapressured sa contest na sasalihan ko.
Bigla tuloy akong kinabahan nang biglang pumasok sa isip ko yung contest. Nareceive ko na rin yung email sa akin ni Dean Castro at napag-alaman kong ang kakantahin daw namin ay inspirational song.
Kasalukuyan akong nandito sa kotse kasama ang driver kong si kuya Robert at papunta na kami ngayon sa restaurant nila Thea. Sila kasi ang may-ari sa restaurant na yun.
I'm just wearing a summer outfit. A dress to be exact. Kulay sky blue siya na plain pero off shoulder. Nakasuot din ako ng flat shoes. Nakaponytail ako exposing may collar bones. For sure tatanggapin na ako kaagad ng magiging amo kong yun. Sabi kasi sa akin ni Thea. Magpaganda raw ako. Edi ginawa ko. I need job.
"Ma'am, nandito na po tayo." Napalingon ako sa bintana at bumungad sa akin ang restaurant ni Thea.
"Sige, sunduin niyo na lang po ako mamaya." Sambit ko bago ako lumabas ng kotse.
Pumasok ako sa loob ng restaurant na pinagtitinginan ng lahat. Hindi ba masyadong pangit ang damit ko ngayon para pagtinginan nilang lahat? May mali ba sa suot ko? Naconcious tuloy ako sa suot ko.
Nakayuko akong pumasok sa loob ng restaurant at humanap ng upuan. Pagkahanap ko ay nag-order lang ako ng coffee bago ko kinuha ang phone ko para machat ko si Thea kung nakarating na ba ang hinahantay ko.
For Thea
Thea. Nandito na ba sa restaurant mo ang pinsan mo? Kararating ko lang.
Sent. 9:00 a.m.
Naghintay ako ng ilang minuto bago ko maramdaman ang vibration ng phone ko. Tiningnan ko ito at binasa.
From Thea
Waits. Sandali lang bes. Papunta na kami. Traffic kasi eh. Sandaling ah. Waits ka lang diyan.
Sunday 9:07 a.m.
Napabuntong hininga na lang ako sa nabasa ko. Akala ko ba sharp? Ganito pala ang definition ni Thea ng sharp. Dumating na ang order kong kape at humigop ako ng isang lagok.
For Thea
Okay.
Sent. 9:10 a.m.
Pumunta ako ng playlist ko at kinuha ko ang headset ko sa bag ko para makakinig ako ng mga music na pwede kong kantahin sa tuesday. Hala! Hindi pa pala ako nakapractice.
I scanned my phone until I saw the song entitled From This Moment by Shaina Twain. Maybe this song is good for me right? Hindi siya gaanong birit kaya makakaya ko 'to. May ganito palang kanta sa playlist ko?
Napalingon ako sa pintuan ng restaurant at una kong nakita si Thea na may kasamang lalaki na naka... shades? Seriously? Hindi naman maaraw sa loob ng restaurant ah? At hindi pa naman siya artista para mag sunglasses.
I raised my hand so that she can noticed me here and hindi ako nagfailed para mapansin niya ako kasi nakita naman niya ako kaagad. Ngumiti siya ng pagkalawak lawak.
"Bessy!" Napalingon sa akin ang lalaking kasama niya at napakunot ang noo ko ng makita ko ang ilong at labi niyang manipis. Wait lang, he's features are familiar...

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Ficțiune adolescențiIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...