Chapter 49

1.2K 21 0
                                    

Zid's POV

"This isn't my fault! H-hindi ko g-ginawa s-sa kaniya yan! H-hindi ko magagawa 'yan sa kaniya! I cannot do that thing!" She continuously declined.

Umismid ako sa mga pinagsasabi niya dahilan kung bakit napunta sa akin ang mga natatakot niyang mga mata. Matalim ko siyang tiningnan dahil sa ginawa niya.

Galit na galit ako ngayon dahil sa ginawa niya kay Flare. She did promised me na hindi niya sasaktan si Flare hangga't kasama niya ako. Nangako siyang hindi niya gagalawin si Flare o pahirapan man lang. Nangako siya. What the hell was happened?

Lumuhod siya sa harapan ko at pilit na hinahawakan ang mga braso ko. Nandito siya sa presinto habang kasama namin ang mga magulang ni Flare at ang pamilya nina Odin or should I say, freaking Drake Miles. Mabuti na lang at nasa labas ang mga magulang ni Drake dahil kung hindi ay baka makita nila kung paano ko patayin gamit ng mga mata ko ang anak nilang sinungaling.

I had investigated him and I've confirmed that he's Flare's EX BOYFRIEND, not her freaking fiance. Gustong gusto ko siyang puruhan pero pinipigilan ko ang sarili ko.

"Please.. Please.. Zeejay.. Believe me.. Hindi ko kayang g-gawin ang bagay na 'yon! Hindi ko kaya. Hindi ko magagawa d-dahil k-kap-patid ko siya.. Maniwala kayo sa akin.. Wala akong ginagawa.."

"Don't you ever call me that freaking name. Leave me the hell alone! I freaking cursed you to death!!" singhal ko at padarag na inalis ang mga kamay niya mula sa braso ko. Lumapit ako sa pintuan kung nasaan si Odin na biglang tumabi at inismidan ako. Wala akong pake sa kaniya, bwiset.

What the fudge.. I just wanted to annihilate these two person right the hell now.

Seeing my hopeless Flare laying on the floor unconsciously and full of blood around her freaking head makes me wanted to die. It hurts me so much as hell. Gusto kong suntukin si Finn sa mga oras na 'yon pero mas nanaig sa akin ang kaligtasan ni Flare kaysa sa galit ko.

"Please... Please... Believe me.. Mom.. Dad.." She muttered.

Marahang lumuhod ang kanilang ina na awang awa sa kalagayan ng kaniyang ampon na anak. Yes, ampon lang si Finn.. Pinagtapat niya sa akin ang bagay na 'to noon pa kaya labis ang galit ko sa kaniya nang iwan niya ako noon dahil sa pamilyang 'to pero kalaunan ay nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi ko makikilala ang pinakamamahal ko kung hindi niya ako iniwan noon. I'm happy and contented with my Flare right now.

Halos lahat kami ay naiwan ang hininga sa ere nang malakas at marahas na sinampal ni tita Thymina si Finn na nakaupo sa sahig.. Biglang inawat ni tito ang kaniyang asawang matalim na tinititigan si Finn..

"Pinalaki kita! Inalagaan na parang tunay na anak! Binihisan at pinakain! Tapos ito ang igaganti mo sa aming mag-asawa na kumupkop sayo?! Ha?! Finn! Hindi ka namin pinalaking ganiyan! Ikinakahiya kong naging anak kita!" Tita Thymina cried in horror and disappointment.

Agad akong dumalo kay tita na kasalukuyang nakasandal kay tito. Natigilan ako nang sabay pa kami ni Odin-Drake na gawin 'yon kaya umismid ako.

"What do you want?" Tiim bagang kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon na pinapantayan din ang mga tingin ko.

"Hindi kita kinakausap.." Aniya kaya biglang kumulo ang dugo ko dahil doon.

Walang hiyang 'to ah! At talagang may gana pa siyang kausapin ako matapos ng ginawa niya. Matapos siyang magsinungaling kay Flare! Flare should know this or else matatali siya sa taong sinungaling! Darn it! Oh crap!

"Aba't sumasagot-" natigilan ako nang bigla akong makarinig nang marahang pagtikhim. Sabay kaming napalingon kay tito na nakatingin sa akin.

"Odin hijo, siguro mas makabubuti kung ihatid mo na lang ang mga magulang mo sa inyo. Nakakahiyang makita nila ang bagay na 'to na personal lang sa aming pamilya.." Sambit ni tito na tinanguhan naman ni Drake kaagad.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon