Chapter 28

576 15 0
                                        

Flare's POV

"Ako na magbibitbit ng mga bags natin!" Agad kong sabi pagkahinto ng van na sinasakyan namin. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at agad akong bumaba sa sasakyan. Ako pa nga ang una eh.

"No, ako ang magbibitbit. Diba ayaw mo munang maging p.a. ko? You should go with Odin." Matabang niyang sabi sa likod ko habang ako ay hinihintay na buksan ni manong driver ang likod ng van.

Pumihit ako para makaharap siya. "You sounds like you're jealous. Selos ka? Zeejay..?" Nakangisi kong tanong. Bigla ko kasing naalala ang tawag sa kaniya ni Thea.

Nakita ko ang pag-awang ng bibig niya na para bang may sasabihin siya pero agad din niya itong tinikom. Sakto namang sumulpot si Odin sa gilid niya. "Bro, tinatawag ka ni Craige." Ani nito sabay tapik sa braso niya.

Nakita ko ang pag-irap sa hangin ni Zid at pag-ismid nito kaya nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa ko. Iritado niyang hinawi ang kamay ni Odin sa kaniya at agad na tinungo si Craige sa 'di kalayuan.

Kumunot ang noo ni Odin sa ginawa ni Zid. "May galit ba siya sa akin?" Inosente niyang tanong. Nagkibit balikat ako.

"Don't know." Sagot ko bago ko kinuha ang maleta ni Zid at ang gym bag ko.

"Ako na magbibitbit ng bag mo." Nakangiting sabi ni Odin sa akin. Papayag na sana ako kasi mabigat naman talaga ang mga bitbit ko nang mapahiyaw si Lalaine sa likod ko. Napatingin tuloy kaming dalawa ni Odin doon.

Nakita namin si Lalaine na nakaupo sa sahig habang hawak hawak ang ankle niya sa paa. Dinaluhan siya ng mga kaibigan niya. "Oh my gosh! My foot, my ankle. It hurts!" Maarte niyang sabi sabay iyak iyak ng kaunti.

Napangisi ako kasi pwede na siyang maging artista pero dahil ako si Flare ay nagets ko na ang gusto niyang mangyari.

"Sorry Flare.." Paghingi ng pasensya ni Odin sa akin at agad na nilapitan si Lalaine. Palihim akong tiningnan ni Lalaine at ngumisi siya na para bang nanalo siya sa lotto.

"Oh my! She can't lift her bags. Masakit ang paa niya. Kawawa naman ang bessy ko." Mariin kong pinagdiin ang labi ko para mapigilan kong matawa.

Ang lame kasi ng excuse. Atsaka wala naman akong mapapala kung papatulan ko ang mga ugali nila eh.

"Oh girls. You want my help?" Malanding tanong ni Jarred sa kanila. Mabilis namang nagpanggap na nahihilo si Rosa.

"Oh my gosh. Nahihilo ako. Umiikot ang paningin ko. Oh my gosh. Hindi ko kayang tumayo." Sabay hilig kay Jarred.

"Ay! Shin! Help me here! Kailangan ni Rosa ng tulong! Ikaw na ang magbuhat sa kaniya!" Patuloy pa rin sa pag-iinarte si Lalaine habang dinadaluhan na siya ni Odin. Si Rosa naman ay palihim na tumingin kay Jasmine na agad naman nitong nagets ang ibig sabihin.

Hinarang ni Jasmine si Shin na patakbong lumapit sa kanila. "Shin.. Pwedeng makisuyo? Pwedeng padala nitong maleta nina Rosa at Lalaine. Atsaka may pinakamalapit bang Clinic dito?"

"Yes. Nasa west lang.." Sabi ng biglang sulpot na si Craige habang nakaheadset. Napansin kong napayuko si Jurrine habang namumula ang pisngi niya.

"Thanks bro." Sambit ng dalawa at unang itinakbo ni Odin si Lalaine na pulang pula na ang mukha.

"Oh yeah. Makapagbanat nga ng buto." Maangas na sabi ni Jarred sabay buhat kay Rosa ng bridal style. Kinilig naman ng husto si Rosa at tuluyan na itong nahimatay nang kindatan siya ni Jarred. Langya, kinindatan lang nahimatay na agad.

Napalingon ako kay Jurrine na nag-iisa na lang ngayon.

Napangisi ako sa naisip ko.

Lumapit ako kay Craige na kasalukuyang kinukuha ang baggage niya. Napatingin si Jurrine sa akin. Nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako. Pagkatapos kong kausapin si Craige ay magpapasalamat ka sa akin. Huh!

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon