Chapter 27

621 14 0
                                        

Flare's POV

Ilang oras din ang byahe namin papunta sa Palawan at sa wakas ay nakarating din kaming buo at matiwasay.

"Akin na nga kasi 'yang mga bags na dala mo. Nabibigatan ka." At kanina pa talak ng talak ang kasama ko.

"No, personal assistant mo ako. Huwag kang magulo. Kaya ko naman" sabi ko habang bitbit ang maleta niya at ang gym bag kong malaki. One week kasi kami sa Palawan eh.

Mabuti na lang at may kaniya kaniya usapan ang mga kasama namin kaya hindi nila kami pinapansin.

"No! Ako boss mo. You should obey me!" Pamimilit niya kaya agad ko siyang sinagot. Kasalukuyan pa naman kaming naglalakad papunta sa lugar kung saan ang sasakyan na naghahantay sa amin.

"And how many times do I have to tell you that I'm your freaking P.A! Naman Zid! Yes you're my boss and it's my duty to serve you! My goodness!" Sambit ko sabay lakad ulit.

"I command you to give me those bags. Flare.. Flare!" Sa inis ko ay itinapon ko 'yon sa kaniya.

"Fine! Bahala ka sa buhay mo!" Napanganga siya habang ako ay inis na naglakad.

Biglang lumapit sa akin si Odin. "What happened?" Tanong niya.

"Wala! Nakakainis lang. Masyadong makulit na amo kaya bwiset!" Sambit ko habang nakahalukipkip na naglalakad.

Nasa unahan namin sina Lalaine, Rosa, Jasmine and Jurrine kasama ang manager nila at ang manager ng BlueCircle. Ako lang ang personal assistant dito dahil may kaniya kaniyang mga problema ang mga personal assistant ng iba pang miyembro ng BlueCircle, pangalan ng grupo nila Zid, at hindi ko na alam kung ano 'yon dahil hindi naman ako chismosang tao.

Linya ko naman ay kasabay ko sina Craige, Odin at Shin. Nasa gilid ako ni Craige pero itong si Odin ay sumingit sa pagitan namin para lang tanungin ako kung anong nangyari sa amin ni Zid. Chismoso rin eh, pasalamat siya at idol ko siya sa pagp-paint dahil kung hindi ay baka nabungangaan ko na.

"Ah I see. May nagsabi sa akin na may magaganap na party mamaya sa pupuntahan nating resort. Pwede ka ba? Pampalamig lang." Aniya.

Well, kailangan ko ng pampalamig kasi mainit at kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking hinayupak na 'yon!

"Sure! Anong oras ba? Wala ba kayong shooting ngayong araw?" Tanong ko. Umiling siya.

"Wala. Free day ngayon. Bukas na lang daw para makapaglibot pa tayo." Aniya.

Napatango ako. "So what time?"

"5:30 pm." Ngumisi siya.

"Alright."

"I'll fetch you.."

"Okay."

"Anong mayroon?"

"Ay puting kabayo!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Zid sa tabi ko na masama ang tingin kay Odin.

"Matatanggap ko pa kung sinabi mong gwapo." Nakasimangot niyang sabi na inirapan ko kaagad.

"Lumayo-layo ka nga sa akin! Naaalibadbadan ako sa mukha mo!" Iritable kong sabi.

"Palagi naman eh kaya sanay na ako." Tipid siyang ngumiti.

Aba't kinokonsensya ba ako ng lalaking 'to?!

"Yeah kaya sa akin ka muna sasama." Sambit ng katabi ko sa kanan kaya napalingon ako sa kaniya.

Napangisi ako sa naisip ko.

"Sure! Tara doon tayo!" Sabi ko sabay turo sa gilid ni Rosa.

"Hey! Wait. Diba ako amo mo? Bakit ka sasama sa kaniya?" Mariin akong tinitingnan ni Zid na nginisian ko lang.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon