Chapter 47

802 17 0
                                    

Flare's POV

Everthing goes well.

Lahat nagkakasiyahan. Lahat may kaniya-kaniyang topic. Lahat ay busy sa kanilang mga kausap. Habang ako ay nandito lang sa royal na sofang inilaan nila para sa akin.

Nagsimula na rin ang 18 roses. Nakahilera sila sa 'di kalayuan. Si daddy ang nasa unahan at ng sabihin ni daddy'ng handa na siya ay nagsalita na ang MC sa mic.

"Let's give it up for Don Fernando Dela Fuente!" Saad ng MC kaya lumayo na si papa mula sa kaniyang linya at masayang lumapit sa akin.

"Hi my princess. Can daddy dance you?" Aniya habang nakangiti kaya napangisi naman ako.

"Yes of course! You can always dance with me dad."

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at iminwestra niya ako sa gitnang parte ng bulwagan. Nang makarating ay sinimulan na naming sumayaw. Natawa ako nang pinaikot niya pa ako.

"My daughter is so beautiful tonight.." Ani dad.

Napangiti ako. "Thanks dad. Is that a compliment?"

"Yes.." Aniya kaya natawa ako.

A question flashed into my mind. Parang gusto kong tanungin si papa kung may alam ba siya kay Odin pero dahil sa mga ngiting pinapakita niya sa akin ngayon ay hindi ko kaya. Ayaw ko ring masira ang moment.

Ngayon na nga lang ako sinayaw ni papa, ngayon na nga lang kami nagkaroon ng ganitong klaseng kaclose na usapan, bakit ko pa sisirain diba?

I should treasure this moment.

Matapos akong isayaw ni daddy ay ibinigay na niya sa akin ang unang rose na mahahawakan ko sa gabing ito.

Sumunod si Kevin na nakangising lumapit sa akin. Natawa tuloy ako sa angas niyang maglakad.

"Hi ate! Alam kong nasabi ko na sayo 'to kanina pero kasi ang ganda mo talaga ngayon eh." Aniya kaya natawa ako.

"Ngayon lang?" Panunuya ko. Bahagya pa siyang napaisip kaya tinampal ko ang braso niya dahil doon.

"Walang hiya ka. Talagang nag-isip ka pa talaga huh?" Natatawa kong sabi kaya ngumisi rin siya.

"Oo? Dejoke. Basta ba, huwag kang magbabago kapag tali ka na huh?" Aniya kaya kumunot ang noo ko nang dahil doon.

"Anong tali ka jan? Kakatungtong ko palang ng 18 tapos tali kaagad?" Tanong ko kaya tumawa siya ng malakas.

"Nag-aadvance lang.." Aniya na may ngisi sa labi kaya pinitik ko ang ulo niya.

Somehow, parang close na close ko na ang mga sumunod na mga lalaki na kamag-anak ko. Hindi nila inalintana na hindi ko sila maalala basta ang importante, gumagawa sila ng paraan para maging light ang conversation. Nasisiyahan ako ng dahil doon kasi kahit hindi ko sila maalala ay nilalambing nila ako. Mapabata man o binata. Natawa tuloy ako kasi ang dami ko palang kapinsan na mga lalaki at babae.

Sana talaga makaalala na ako.

Nagulat ako nang makita ko si Craige na papalapit sa akin. Tipid siyang ngumiti sa akin nang malapitan na niya ako habang ako ay nanlalaki pa rin ang mga mata ko.

"Hello.."

"H-hello.." Nauutal kong sagot sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya.

Ibig sabihin...

"Yes.. Nandito rin sina Shin, Jarred and me. Inimbita kami ng mom mo rito since nakasama mo raw kami. I'm honored though." Aniya kaya napangiti ako ng mapait.

Wala si Zid. Wala siya. Hindi nila kasama..

"A-ah.. Kumusta?" Nanginginig ang mga labi ko nang tanungin ko siya.

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon