Flare's POV
Parang may bumabara sa lalamunan ko nang humakbang ako palabas ng building.
Natatakot ako sa katotohanan. Parang gusto kong malaman na nagsisinungaling lang sila. Gusto kong isipin na hindi totoo ang mga 'to, na hindi totoo ang mga nangyayari sa akin ngayon pero aasa nanaman ba ako?
I saw Odin leaning on his red sports car.. Suddenly, an image flashed into my mind.
Zid...
Agad akong umiling sa naalala ko. I should forget him. Kailangan ko na siyang kalimutan. It is not good for us if I'm always thinking of him.
"Good morning.." Odin said huskily so I gave him a nod. I did not smile nor greet him back. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kumportable sa kaniya kahit na bestfriend ko siya..
Bestfriend pa rin nga ba ang tingin ko sa kaniya?
"Your so beautiful today, my future wife.." Aniya nang makapasok ako. Hindi pa niya sinasarado ang pinto. I suddenly felt uncomfortable.
Tumango lang ako sa sinabi niya at patuloy na hindi siya tinitingnan. Tahimik kong pinaglaruan ang mga daliri ko sa ibabaw ng hita ko. Ayaw ko siyang tingnan. Dahil kapag tiningnan ko siya ay baka maluha lang ako.
I heard him sighed. Mabibigat at tila malalalim ang pinaghuhugutan. Sumisikip ang dibdib ko kapag naririnig ko siyang nagkakaganiyan. Napatingin ako sa kaniyang mga mata. I can see through his eyes that his in pain. Na nahihirapan na siya sa situation..
Gustong gusto ko siyang mahalin pabalik. Gustong gusto kong suklian ang pag-ibig niya sa akin kasi iyon ang tama pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang turuan ang puso ko. Kapag ginawa ko 'yon, para ko na rin pinapatay ang sarili ko.
Pero gagawin ko ang lahat para lang mahalin siya ulit. Kahit na masakit, kahit na nahihirapan na ako.
"Ihahatid na kita.." Aniya bago tinangkang isara ang pinto pero bago pa siya makaalis ay hinawakan ko siya sa kaniyang braso. Natigilan siya nang dahil doon.
Napalunok ako.
"G-gagawin k-ko ang l-lahat, Odin.. I-ibabalik k-ko ang a-ala-ala ko.." Nauutal kong sambit pagkatapos ay kinagat ko ang aking ibabang labi upang mapigilan ang paghikbi at pag-iyak.
Para akong sinasaksak ng paulit ulit sa puso ko habang sinasabi sa kaniya ang nga katagang 'yon.
Mapait siyang ngumiti at lumapit sa akin. Instinct speaks, napaiwas ako ng ulo. Natigilan siya ng dahil doon habang ako ay sising sisi sa ginawa ko.
Hindi ko lang talaga kayang magpanggap na okay sa akin ang bagay na 'to.
He exhaled heavily before he pulled himself away from me. "Sana nga Flare. Maghahantay ako. Sana tuparin mo ang pangako mo." Ngumiti siya sa akin pero hindi umabot sa kaniyang mga mata.
Kahit nasasaktan ay marahan akong tumango. Isinara na niya ang pintuan sa gilid ko at umikot siya papunta sa driver's seat. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng palda ko at marahas na pinunasan ang mga takas na luha na lumandas sa aking pisngi.
Hinatid niya ako sa school. Nang makarating kami ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Agad naman akong lumabas. Nilingon ko siya at malamig niya lamang akong tiningnan.
"H-hindi ka ba pupunta sa studio niyo?" Tanong ko nang makabawi mula sa paninitig sa kaniya.
Tumikhim siya bago ngumiti. "Pupunta ako. Hahantayin lang muna kitang pumasok.." Aniya na tinanguhan ko naman.
"Sige.. Ingat ka." Pumihit na ako patalikod upang mag-umpisa na sanang maglakad nang tawagin niya ako muli. Nilingon ko siya nang dahil doon.
"Palagi mong tandaan. Mahal na mahal kita!" Sigaw niya sabay ngisi. Tumango lang ako sa sinabi niya at mabilis na naglakad papasok sa gate.
BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Roman pour AdolescentsIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...
