Flare's POV
Kinabukasan, maaga akong nagising kaya napagdesisyunan ko ng maligo at mag-ayos. Hindi pa dumadating sina Zid pero siguro ngayon ay pabalik na sila. Medyo malayo kasi ang pinuntahan nila. Balita ko kumanta rin sila doon, ayon sa isang assistant na nakausap ko.
Pagbaba ko ay biglang tumunog ang phone ko. Napanguso ako ng makita ko ang pangalan ni Zid.
From Zid,
Pabalik na kami.
Nagtext ako sa kaniya pabalik.
To Zid,
Alright. Stay safe.
Hindi nagtagal ay nagtext ulit siya habang nagpapatuloy ako sa paglalakad.
From Zid,
I like it when you're worried about me. I miss you.
Nakagat ko ang labi ko. Bakit ba masyado 'tong straight forward?!
To Zid,
Crazy jerk. I'm not worried.
From Zid,
Oh c'mon! Why can't you admit it? Pm naman 'to. Hindi ko ipapabasa sa iba.
To Zid,
Siraulo. Assuming. Mayabang. Manyak. Perv!
From Zid,
I love you too.
*ting!*
Napahinga ako ng malalim. Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy ako sa baba para makapag breakfast.
Pagbaba ko ay nakasalubong ko si Lalaine, paakyat siguro. Nginitian ko siya ngunit isang napakataas na irap ang kaniyang iginawad sa akin kaya naglaho ang ngiting nakapaskil sa mukha ko.
Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko kaya napalingon ako sa kaniya sa gulat. Nakataas ang kilay niya habang pinasadahan niya ang buong katawan ko from head to toe.
"You're not even beautiful. Your skin is too pale, masyado kang maputla. Tapos maliit naman 'yang hinaharap mo pero bakit ba sobra sobrang atensyon ang nakukuha mo ha? May Zid ka na nga, nilalandi mo pa si Odin. Such a flirt!" Aniya sabay irap.
Marahas kong tinanggal ang kamay siya sa braso ko habang tiim bagang ko siyang tinititigan. Okay lang na lait-laitin niya ako pero ang pagsabihan ng flirt ay hindi ko matatanggap. Hindi ko nga maatim ang kalandian ni Zid tapos sasabihan niya ako ng flirt?! That's below the belt, fudge.
"I'm not a flirt and I'm not Zid's girl and ALSO, Odin is not hitting on me. He's just my friend. If you're thinking that I like him, no so please huwag mo na akong pagselosan sa hindi naman dapat." Sambit ko habang matalim siyang tinitignan.
She's being immature and insecure.
"Oh really? So can you explain to me why are you both dating?! Huh? Kitang kita ng mga mata ko na naglunch kayo kahapon! I'm not a fool! Odin likes you, tell me may pag-asa ba sayo si Odin?!" Frustrated niyang sabi habang ako naman ay nagulat sa sinabi niya.
May gusto sa akin si Odin?
"Oh no he's not. You're joking. He's just my friend." Hindi makapaniwala kong sabi habang naguguluhang tinitingnan siya.
"Mukha ba akong nagbibiro? Mas kilala ko si Odin kaysa sayo so Just answer my freaking question at naaalibadbadan akong kausapin ka." Aniya sabay irap. Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko pero sandali akong natigilan, he knows Odin as well? Ibig sabihin, matagal na silang magkakilala?

BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Teen FictionIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...