Flare's POV
Anyare sa 'she's mine!' niya? Isang malaking asa! Sabi na eh, hindi talaga siya nagseseryoso sa akin. Hindi talaga siya nagsasabi ng totoo. Pinaglalaruan niya lang ako and I'm glad to say, I can win his game.
Buong umaga ay hindi niya ako pinapansin kahit na nagkakasalubong na ang mukha namin ng harap-harapan. Wala pa rin, kahit isang tingin lang na sobrang saglit ay hindi niya magawa! Kahit sinasadya ko ng magkabanggaan kami ay wala pa rin siyang imik.
At nakakafrustrate yon. Hindi ko alam kung bakit.
Dumating ang lunch at lumapit sa akin si Odin dahil kasalukuyan pa akong nagliligpit ng mga kalat at damit ng napakagaling kong amo. Walang awa! Matapos niya akong halikan eh gaganituhin niya ako?
Asaan na 'yong sinasabi niyang 'I'm jealous when you're with another man.'? Asaan na? Wala! Pinabayaan niya ako at hindi ko alam kung bakit nagngingitngit ako sa inis.
Alright. Hingang malalim. Wala lang 'yon. It's alright. Inis na inis ka lang talaga sa kutong lupang 'yon kaya ka ganiyan. Inis na inis ako sa kaniya to the point na gusto ko siyang sugurin at ipakain sa mga pating.
"You okay?" Natauhan ako ng tanungin ako ni Odin.
"Uhh yeah! I'm okay, I'm good." Sambit ko habang pinapakita ang ngiti kong hilaw.
I should stop thinking about Zid. Malaki na 'yon, kaya na niya ang sarili niya. Hindi naman siguro siya makakabuntis ano?
Langya, parang uminit ang ulo ko doon ah? Malamang! Masisira ako sa trabaho ko kapag nangyari iyon kaya mamaya, kahit ipagtabuyan niya ako ay babantayan ko siya. Whether he likes it or not. Well, I'm sure he'll not like it. Of course, he's Zid. The manipulative boss.
"Saan ka nga pala nag-aaral? Ang tagal na nating magkakilala tapos hindi ko pa alam kung saan ka nag-aaral." Natatawa niyang sabi kaya natawa rin ako nang marealize ko na tama siya.
"Oo nga 'no? Sa Watteen Academy ako nag-aaral. Ikaw? Saan ka nag-aaral? Nag-aaral ka pa ba?" Tanong ko.
"Sa UCA ako. College student, Business Ad." Napa 'oh' ako sa sinabi niya. So mas matanda pala siya sa amin? Nakakahiya, tinatawag tawag ko pa naman siyang Odin.
"Kuya ka pala namin. Hi kuya Odin." Pang-aasar ko at napansin ko ang pagngiwi niya kaya natawa ako.
"Bakit parang mas gusto ko pang tawagin mo akong Odin? I hate you saying 'kuya Odin' to me. I feel old." Reklamo niya kaya nahampas ko siya habang tumatawa.
"Matanda ka naman talaga. Kuya Odin?" Tawa ako ng tawa habang hinahampas siya sa braso niya. Hindi ko lang talagang mapigilang matawa kasi grabe 'yong expression niya. 'Yong mahahalata mo talagang inis na inis siya?
"Aish. Tumigil ka na. Malapit na tayo sa restaurant. Nakakahiya." Aniya at kasabay non ang pagpula ng tainga niya.
Oh my, ang cute! First time kong makakita ng lalaking namumula ang tainga! Hinawakan ko 'yon ngunit agad siyang umiwas kaya medyo nahilig ako sa kaniya at napahawak siya sa bewang ko.
Naramdaman kong natigilan siya at ako rin naman kaya agad akong lumayo. "Sorry." Nag peace sign ako.
Ilang sandali ay nagsalita rin siya. "O-okay, l-lang.. Tara..?" Aniya kaya tumango ako at sumunod sa kaniya.
Bakit ba kasi masyado akong curious sa mga bagay bagay?
Sabay kaming pumasok sa restaurant at uunti lang ang mga tao roon. Maybe because masyadong private ang lugar na 'to o sadyang maraming may gustong magdiet ngayon.
Umupo kami sa pinakagitna at naglahad na ng menu ang waiter sa amin. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin kami kaya ako na ang unang bumasag. Responsibilidad ko 'yon kasi I made him feel awkward. Bakit ba kasi napakacurious kong tao?
BINABASA MO ANG
Never Let Me Go
Teen FictionIsang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo na ang kaniyang mga magulang. Pero pumasok sa buhay niya ang napaka-preskong si Zid Dela Cruz. Napak...