Chapter 9

916 18 1
                                        

Flare's POV

"Bakit ba kasi ang hirap nito?!" Naiiritang tanong ni Thea sa akin. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.

We're currently solving some problems in Calculus at masasabi kong mahirap nga pero kung pag-aaralan mong mabuti ay maiintindihan mo naman siya, yun ang hindi ginagawa ni Thea ngayon. Paano kasi kanina, panay gamit ng cellphone noong nagdidiscuss si ma'am sa harap. Mabuti nga at hindi siya nakita ni ma'am. Magaling magtago ang gaga, nasa pinakagitna pa mandin kami.

"Hindi ka kasi nakikinig kay ma'am kanina. Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo sa cellphone mo kanina?" Tanong ko habang binabasa ko ang pangatlong problem.

"Si Jessica, yung kapatid ni John ang katext ko. Nagtatanong kasi kung kailan ako free kasi magpapasama siya sa akin kung saan ang mga magagandang boutique na alam ko for her eighteen birthday. Eh ang sinabi ko later, Sowry nemen. Sige na bessy, help me plis." Aniya. Napairap naman ako sa kawalan. Mabuti na lang at wala si ma'am ngayon kasi nagpapaxerox siya ng itetest namin tomorrow.

"Alright. Ganito kasi yan..." Inumpisahan ko nang ituro sa kaniya ang mga diniscuss ni ma'am kanina since tapos ko na yung pangatlong problem. Yun na kasi ang last.

Umabot kami ng 30 minutes bago pa niya naintindihan ang lahat. Wala naman problema sa akin kasi fast learner naman si Thea. She's our top 5. Swerte talaga si John sa kaniya.

Pagkatapos ay sinabi ng president namin sa calculus na pwede na raw kaming magdismiss dahil tinext na raw siya ni ma'am kaya nagsihiyawan naman ang lahat, kasama na doon si Thea.

Naiwan na akong mag-isa dahil umalis na kaagad ang mga kaklase ko since last subject namin ito. Nauna na si Thea dahil susunduin pa raw niya si Jessica. May sarili kasi siyang kotse.

Inayos ko na ang mga gamit ko nang mapalingon ako sa pintuan ng classroom namin dahil may kumatok doon at halos malukot ang buong mukha ko nang malaman ko kung sino yun.

"Oh? Bakit ka nakasimangot jan? Ineexpect mong si Claude ang susundo sayo? Wala siya kasi nakikipagdate sa flavor niya ngayon week kaya huwag ka nang umasa." Mahaba niyang explanation na tinaasan ko naman ng kilay.

"Wala naman akong ineexpect na susundo sa akin, lalo na ikaw."

Pero ano? May kadate si Claude? Parang kumulo lahat ng dugo sa katawan ko sa nalaman ko. How dare you Claude! Nag-aral lang ako ng mabuti eh iniwan mo na ako.

"Ay harsh siya oh. Ang hard mo sa akin." Aniya na hindi ko pinansin.

Iniisip ko pa lang na magkahawak sila ng kamay ng kadate niya ay naiiyak na ako. Grabe ka naman Claude, pinagpapalit mo na kaagad ako? Napanguso naman ako sa iniisip ko.

"Humihingi ka ng kiss?" Napabalik ako sa realidad nang maramdaman ko ang presensya ni Zid sa mismong harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong sobrang lapit niya kaya tinulak ko ang noo niya sa pamamagitan ng hintuturo ko.

"Distance Zid, Distance. Alam mo ba ang ibig sabihin ng space?! Sinabi ko na sayong hindi ako katulad sa mga type mo kaya huwag kang umasa. Sino nga yung babae ni Claude?" Nakanguso kong tanong. Nalulungkot ako, wuahh naiiyak na ako.

Weird niya akong tiningnan. Sarcastic face to be exact kaya napasimangot ako. "Bakit ko naman sasabihin sayo? Girlfriend ka ba niya?"

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Grabe talaga ang shokoy na 'to. Akala mo naman kung sinong makapagsalita. Tsk. "Hindi. At wala kang pake kung tinatanong ko kung sino ang babae niya. Bakit? Bawal na bang malaman kung sinong babae niya? May rules bang pinapatupad sa mundong 'to na bawal malaman kung sino ang kadate ng isang tao? Bakit hindi ko ba pwedeng malaman? Mamamatay ba ako?"

Never Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon