~ When The Enemies Loved Each Other ~
-- Chapter 15 –
( Filipino Monolog )
Reina's POV:
** Ang bilis lumipas ng panahon, who would have thought na Febuary 2 na pala ngayon, at paano ko ba naman makakalimutan na deadline rin ng monolog namin ngayon and we also have to present it na naka'damit at nakaporma ayon sa napili naming topic para sa monolog nga namin, siyempre kunting kaba rin sa dibdib kasi on the spot eto eh, meaning, bubunutin lang ni Tchr. Brenda ang first 10, the next day naman yung 2nd batch hanggang sa matapos lahat, so since 27 lang kami lahat, 7 performers lang sa last day.
** Lahat ay parang kinakabahan, bukod lang kay Mr. Evil, Nega, Super Badtrip, oo, yan na ang tawag sa kanya ngayon, chill na chill lang talaga ang peg niya ha, mahangin talaga -_-
Tchr. Brenda: Ok class, ngayon na talaga ang unang araw ng presentasyon sa mga monolog ninyo, nais kong ipaalala sa lahat na hanggang 3 minutes lang bawat estudyante, ang lalagpas diyan ay may deduction na 1 point sa final grade niya para sa monolog na ito. So, ini'expect ko naman na walang lalagpas sapagkat napag'usapan na natin yan. Ngayon, ang tanong ko ay handa na ba talaga kayo?
Pot: (Malakas ang boses) Siyempre naman Tchr. Brendz, kami pa, diba mga parr? (Nag'ingay ang magkatropa)
Tchr. Brenda: Inaabangan ko kayo dito ha? Wag ninyo akong biguin, ok, bubunutin ko na ang 1st ten, ihanda ang mga sarili, Mr. Madrigal, Ms. Suyat.. At ang pinakahuli ay si Mr. Lizardo.
Ako: Woohh, kinabahan ako dun ha, wala pa tayo sisteret Magie at Angelie.
Angeline: Oo nga, good luck sa'yo sisteret Jen, yakang'yaka mo yan.
Ako: Go sisteret. (Thumbs up)
( Sa banda nila Do )
Do: Hahah, salamat at hindi pa ako natawag. Go pareng Mm, bff Khen, sisiw yan para sa inyo.
Mm: Hmmpf, salamat parr, alam ko at ramdam ko naman na bukas kayo eh o di kaya'y magkakasabay kayo ni Reina.
Do: (Kumunot ang noo) Bakit ba napasok ang babaeng yun sa usapan? Sige, pumunta na kayo dun sa harap, lalo na ikaw, una ka kaya.
Khen: Napikon? Ikaw talaga bff, sige, dun na kami.
( At nagsimula na nga )
Tchr. Brenda: Palakpakan natin ang unang presenter class, Mm Madrigal. (Palakpakan)
Mm: Inialay ko po ang monolog kong ito sa aking pinakamamahal, wala man siya ngayon dito, o hindi man niya nakikita o naririnig ang alay kong ito para sa kanya, alam kong ramdam niya ako, nasa ibang university kasi siya, pero Xyra Jil Moton, mahal na mahal kita, kahit na baby Xyril tawag ko sa'yo, tinanggap mo, pinag'isa ko kasi ang first name at second name mo, baby, para to sa'yo.
ConCon: Hayaan mo parr, naka'video kami ohh. Sige, pagbutihan mo :D
Mm: (Nagpatuloy) ... Mahal ko'y ikaw at ikaw lamang, ako'y para sa'yo at ika'y sa akin lang nakalaan, gagawin ko ang lahat para ikaw lang ay maalagaan at nang pag'ibig ko sa'yo ay mapatunayan. (Natapos na rin) (Palakpakan na naman)
Tchr. Brenda: Mahusay Mr. Madrigal at maraming salamat, pagka'swerteng babae naman yan.
Mm: Salamat din Tchr., mahal ko po talaga siya (Nag-blush) (Umingay na naman ang tropa)
BINABASA MO ANG
~ When The Enemies Loved Each Other ~
Teen FictionSa mga buhay natin, di talaga natin maiiwasan na may makakaaway tayo o may iba naman na hindi tayo gusto. Bad vibes, mga nega or shall we call it our enemies, yun sila, mga taong walang magawa sa buhay kundi ang asarin tayo. This story is about a gi...