Chapter 16 ( Last Day Of Monolog )

216 2 0
                                    

~ When The Enemies Loved Each Other ~

-- Chapter 16 –

( Last Day Of Monolog )

Reina's POV:

** Last day na nang monolog ngayon, hindi kasi ako natawag kahapon eh, which could have been the 2nd day of presentation, ok na rin yun, at least last batch ako at nakapaghandang talaga. Tulad ko, hindi pa rin natawag sina Pot, Con at Mr. Nega ng buhay ko, si Do, oo, at tsaka sina sisteret Magie at Angeline so malamang kami'kami lang ang magpi'prisenta ngayon, goodluck nalang sa amin, aja! >.<

Tchr. Brenda: So, malamang alam niyo na kung sinu'sino ang magpi'prisenta ngayon, ang tanong nga lang kung sino ang mauuna at kung sinong mahuhuli. Kaya, wag na nating patagalin pa, (Bumunot na ng mga pangalan) ang unang presenter ay si Mr. Felix, tapos si Ms. Abuan tapos si Mr. Monton, susunod si Ms. Magallanes na susundan naman ni Mr. Roxas at ang pinakahuli ay si Ms. Rote.

Ako: Huli pa talaga ako? Si Tchr. Brenda talaga oh, well, last but not the least lang ang peg : ) Good luck sa atin mga sisterets. (Holding hands kami)

Tchr. Brenda: Mr. Felix, simulan mo na ang monolog mo.

ConCon: Magandang umaga po sa lahat, kasiyahan nila ay ang kasiyahan ko, kung ako'y may problema ay nandiyan sila para tulungan ako, minsan nagloloko at minsan nama'y ang mga trip ay kung anu'ano, di ko naranasang maging mag'isa sapagkat nandiyan sila, hindi kaibigan o tropa man lang ang tingin ko sa kanila kundi aking mga kuya. (Pinatayo ang KDMC) ... Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob kung ako'y nanghihina, ipinamukha nila sa akin ang tunay na pagkakaibigan; pagkakaibigan na sa kahit ano mang panahon ay matibay ang samahan. Hindi ko man nasabi sa inyo mga bro pero nagpapasalamat ako na naging parte ng buhay ninyo. Salamat po.

Tchr. Brenda: Palakpakan naman natin si Mr. Felix sa kanyang monolog, mahusay. Ms. Abuan, ikaw na.

Angeline: Pamilya ko, pamilya ninyo, ang bawat pamilya natin ang ating sandigan sa kahit ano pa man ang ating nararanasan, sa kalungkutan man o sa kasiyahan, sila'y nand'yan para tayo'y gabayan, wala ako dito ngayon kung hindi rin dahil sa kanila, sila na hindi kailanman ako binabalewala... Hindi ko man sinasabi sa kanila bawat araw, mahal na mahal ko sila kahit ang mundo man ay gumunaw. (Bow)

Tchr.Brenda: Gumunaw man ang mundo Ms. Abuan, mas lalong magiging proud sa'yo pamilya mo sa ginawa mo. Sunod, Mr. Monton.

Ako: Good job sisteret : )

Mr. Monton: Langoy dito, langoy doon, paglalangoy na may kasamang determinasyon, kahit gaano kalayo man ang ating nararating, dapat magpasalamat tayo sa Panginoon at sa mga taong gumagabay sa atin, hindi lang ordinaryong gawain kundi ginagawa ko ring may mithiin, ginagawa ko rin to hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa taong naniniwala sa kakayahan kong ito...At kung saan man ako dadalhin ng agos ng buhay ko, alam ko sa puso ko, ginagawa ko ito para sa mga taong mahal ko at para na rin sa magiging kinabukasan ko. Pot Monton po at diyan nagtatapos ang monolog ko. Salamat.

Tchr. Brenda: Proud swimmer and proud varsity player, mahusay na monolog Mr. Monton, mahusay. Ms. Magallanes, sa harapan na.

Magie: Ang monolog ko pong ito ay iniaalay ko sa aking Mama at Papa, hindi nila alam kong gaano ako kasaya na sila ang naging mga magulang ko, may mga oras man na nabibigo ko sila pero nandiyan pa rin sila sa tabi ko, hindi ko man nasabi o naipadama sa kanila pero nais kong iparating sa kanila na mahal ko sila, simula noon, hanggang ngayon, sila ang gumagabay sa alin patungo sa tamang daan, tamang daan para sa aking kinabukasan...Hindi man ako perperktong anak pero lubos kong ikinagagalak na sabihin sa lahat na sila para sa akin ang inaasam kong maging mga magulang at nagpapasalamat ako sa Panginoon na sila sa akin ay nilalaan. Salamat po.

~ When The Enemies Loved Each Other ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon