Chapter 35 ( Graduation Celebration )

143 2 0
                                    

~ When The Enemies Loved Each Other ~

-- Chapter 35 –

( Graduation Celebration )

Do's POV:

** Today is Reina's after party for her graduation day celebration and I'm here in my room right now looking for an outfit to wear, actually, for a perfect outfit for the said event. Of course, I don't want to look odd among others, oo, ayaw ko magmukhang, corny o baduy sa suot ko nu at hindi rin ako papayag na magmukhang ewan, ako pa, never! I should look good, I mean, great, siyempre, nandun ang family n'ya at relatives kaya dapat maganda ang magiging impression nila sa akin, although nakita na ako ng Auntie n'ya pero not by her parents pa kaya dapat lang desente at gwapo akong tingnan. I will always be the person who surely believes that first impression last. Teka, teka nga Do, bakit ka ba nag'aalala para sa party na yan at bakit ba dapat na maging ganito ka at ganyan, bakit, kaano'ano mo ba si Reina? Kung umasta ka kasi, para kang boyfriend n'ya. Tss, eii ano naman ngayon kung hindi, I just want to look good, I mean, great kaya 'wag n'yo na sirain ang plano ko ok? It would be better if you'll support me instead ^_^

** Mukhang diversorya ang kwarto ko, ang daming nakakalat na damit at sapatos, ang hirap naman kasing pumili ng susuotin eii, haii, kasi naman eii. Napakamot nalang ako sa ulo ko, sabay kuha na naman ng mga damit, tapos pipili na naman ng sapatos, punta dito, punta naman doon, para akong sira ulo sa ginagawa ko. Kainis, makaupo nga lang muna.

** Suddenly, my phone rings at dahil sa kalat na ginawa ko, di ko maalala at makita kung saan ko huling nilagay ang cellphone ko, buhay nga naman oo, ring lang ng ring ang cellphone ko, hinanap ko talaga kung saan nanggaling ang tunog ne'to, sa wakas, nakita ko rin, nasa ilalim pala ng kama at bakit pa kasi 'to napunta dito, napakaburara ko naman, haii and I looked at it; "Reina calling", hala si Reina pala, naku, masagot nga.

< On The Phone >

Ako: Hello Reina.

Reina: Sa wakas, sinagot mo rin, kanina pa ako tumatawag aa?

Ako: Naku, pasensya ka na Reina, may.. may.. may ginagawa lang.

Reina: Ano? May ginagawa? Eii bakit parang nauutal ka yata?

Ako: Wala, wala 'to. Oh, napatawag ka?

Reina: Aii oo, just want to remind you about this evening, pumunta ka aa? Kakatawag ko na rin lang kina Khen kanina, uii?

Ako: Oo, oo. Siyempre naman. (Inilayo ang phone at hininaan ang boses) (Speaking to myself) I'm busy looking for clothes nga eii.

Reina: Anong sabi mo? May iba ka bang kausap d'yan?

Ako: Wala, ikaw kaya kausap ko. Kaw talaga, nag'iimagine ka lang d'yan na meron.

Reina: Oh s'ya, basta, be there ok? And don't be late, I'm expecting all of you.

Ako: Of course, I'll be there : )

Reina: Good, see yah. Bye! (Call ended)

** At dahil sa pagtawag ni Reina, natataranta na naman ako sa pagpili ng susuotin ko, pero napatigil ako at kinausap ang sarili ko sa harap ng salamin, sabay sabing, "Do, chill ka lang, chill ka lang, makakahanap ka rin kaya chill ka lang ok?" Ngayon, para na akong baliw pero di bale na, dinner ang party nila Reina and while looking at my watch, 5:00 PM na, hala ka, dapat makahanap na ako kasi maliligo pa ako ulit to look fresh. Tumayo ako at tiningnan ang mga nakakalat kong mga damit, daming kalat neto, maligpit ko na nga 'to at habang nagliligpit, saktong'sakto, nakita ko ang blue and white stripes na polo ko, sakto to, once ko lang 'to nagamit. Then, I continued arranging everything and took one of my favorite pants, bagay din 'to sa polo ko ngayon, isang medium light brown na pants. Mahilig kasi ako sa medyo brown na pants eii, pleasing to the eyes kasi at cool, hehe. Pagkatapos nun, kinuha ko ang blue shoes ko na may white laces. This is a great outfit, not too formal and not too casual, bet na bet ko'to. Wheew, oh, makaligo na nga.

~ When The Enemies Loved Each Other ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon