~ When The Enemies Loved Each Other ~
-- Chapter 44.1 –
( Feelings, Emotions and Anger )
Do's POV:
** Dala ng galit, sakit at inis ko ngayon, di ko na alam kong saan ako pupunta, basta ang alam ko lang ay gusto kong mapag'isa! Kahit saan na ako napadpad hanggang sa may nakita akong isang mini'store, bumababa na nga lang muna ako't bumili ng maiinom ko. Oo, bukod sa gusto kong mapag'isa, gusto ko ring lunurin ang sarili ko sa alak. Hayaan n'yo na ako at pagbigyan, ngayon lang naman eii, pampapawi lang ng sakit at galit na nararamdaman ko ngayon.
** Pagkatapos nun, pumunta ako sa isang lugar kung saan ko maibubuhos ang galit ko't lahat. Sa totoo lang, isa itong lugar na tahimik at hindi matao at pangalawang beses pa lang ako nakarating dito, dito kasi, pwede akong magdabog kahit kailan ko gusto at sumigaw ng napakalakas ng walang nangingialam at pumipigil sa akin.
** Umupo ako sa labas ng kotse ko, sa harapan ne'to at simula ng mag'iinom. Habang ginagawa ko yun, di ko mapigilan ang sarili ko sa pagluha. Bakit nagawa nila sa'ken 'to?? At bakit ito ginawa ng babaeng pinili kong mamahalin?? Patuloy pa rin ako sa pag'inom hanggang sa nag'flashback naman sa'ken yung nangyari.
But I must say, this is not the right time yet.
( May namumuong kamao sa kaliwang kamay ko )
D-Do, I don't want to hurt you pero ayaw ko ring paasahin ka, Do, I'm leaving.
---
Do, tomorrow is my last day here in the Philippines, the day after tomorrow, aalis na kami at sa States ko ipagpapatuloy ang pag'aaral ko, 4 years yun Do, 4 years tsaka ako makabalik ulit dito. I know within 4 years maraming magbabago pero one thing is for sure, totoo na minahal na din kita. I love you, it's true but this is goodbye.
( Napahawak ako sa likod ng ulo ko habang ibinato yung bote ng alak )
Hindi ko babawiin kasi totoo ang lahat ng yun. Hindi ako nagbibiro Do.
---
** Tuluyan na nga akong bumababa sa kinauupuan ko't galit na naglalakad palapit sa cliff na ilang steps ko lang forward ay maaari akong mahulog, may hawak'hawak rin akong isa na namang bote ng alak sa kaliwang kamay ko, uminom na naman ako't inubos ito tapos inihagis na naman ang bote, patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha ko, hindi naman sana ako iyakin eii at hindi ako yung tipong umiiyak para sa babae, pero ngayon, nasaktan ako ng lubusan. Napaluhod ako habang tinitingnan ko ang makulimlim na langit.
Ako: Bakit?? Bakit ngayon pang handa na sana akong magseryoso at magbago?? Bakit ngayon pang handa na sana akong magmahal ng buo?? At bakit?? Bakit natapos kaagad ang isang bagay na hindi pa nga nagsimulan??
( Napayuko nalang ako at bumuhos na ngang bigla ang ulan, nanatili pa rin ako dito't umiiyak )
< NP: It Will Rain by Bruno Mars >
Ako: Handa na sana ako eii at handa naman sana akong hintayin s'ya. Handa na sana akong ibigay ang sarili ko sa kanya at ibigay lahat sa kanya. Handa na sana akong magbago para sa kanya, mamahalin ko na sana s'ya ng buong'buo at aalagaan ng husto. Pero lahat ng sanang yun ay nanatili nalang nga na sana, na pwede ring mabura na nga ng tuluyan.
( Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan )
Ako: Reina, ikaw na sana eii, handa naman ako sa lahat ng posible eii pero bakit?? Bakit mo nagawa sa'ken ang lahat ng 'to?? Mahal kita, mahal na mahal pero pinili mo akong saktan. Alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon?? Oo, humihinga nga ako ngayon pero para namang dahan'dahan na dinudurog yung puso ko sa bigat ng nararamdaman ko. (Tumayo na nga lang ako't mahina na bumubulong sa sarili) Siguro, siguro ito na yung karma ko sa lahat ng mga babaeng sinaktan ko't pinaluha noon pero, pero... (Bigla akong napasigaw) Reina, hindi ba sapat ang isang Do Roxas d'yan sa isip, puso at buhay mo?? Reina, mahal na mahal kita. (At nanghinaan ako ng loob, may namumuo na namang kamao sa magkabilang kamay ko) Kaya lang, hanggang dito nalang yata ang lahat. ;'(
BINABASA MO ANG
~ When The Enemies Loved Each Other ~
Novela JuvenilSa mga buhay natin, di talaga natin maiiwasan na may makakaaway tayo o may iba naman na hindi tayo gusto. Bad vibes, mga nega or shall we call it our enemies, yun sila, mga taong walang magawa sa buhay kundi ang asarin tayo. This story is about a gi...