Julia's Pov
Kasama ko ngayon si Samantha bestfriend ko patungo kaming canteen siya ang girlfriend ni James na bestfriend ni Maui.
Nagtatawanan kami habang naglalakad ng harangin kami ni Monica. Sa lahat ata ng estudent dito siya lang ang galit na galit samin ni Samantha dahilan? Dahil boyfriend daw namin ang mga varsity player.
Hindi ko nalang pinapansin dahil wala naman mangyayare kung papatulan ko siya. Tsaka siguro hindi din ako sanay ng may kagalit.
"Can we talk Julia?" Mataray na sabi nito at tinignan si Samantha ng masama. Minsan gusto na siyang patulan ni Samantha pero pinipigilan ko lang siya.
Tumingin ako kay Samantha at nakita kong napairap siya kaya natawa nalang ako.
"Sure." Nakangiting saad ko sakaniya.
"Pero bes?" Inis na sabi ni Samantha. Tinignan ko nalang siya at sinabing 'ayos lang.'
"Fine hihintayin nalang kita sa baba." Sabi nito at padabog na umalis ng makaalis na si Samantha ay tumingin ako kay Monica na titig na titig sakin agad naman akung nailang dahil sa titig niya.
"Ano yung pag-uusapan natin?" Basag ko sa katahimikan.
"Nasan si Maui kagabi alam mo ba?" Napakunot naman ang noo ko ng tanungin niya si Maui?
Yun lang ba ang tatanungin niya?
"Nag practice siya kasama sila James." Sagot ko. Nakita kong napailing ito na ipinagtaka ko.
"Are you sure Julia?" Nagtaka naman ako sa tanong niya pero tumango nalang ulit ako. "Baka hindi siya yung nakita ko kagabi." Bulong niya kaya hindi ko na narinig.
"Yun lang ba yung pag uusapan natin?" Tanong ko sakaniya tumango naman ito kaya akmang aalis nako ng hawakan niya ko sa braso. Seryoso itong nakatitig sakin.
"Julia, your kind and smart alam namin yung lahat pero sana wag kang maging bulag at tanga yes i'm bitch pero concern din naman ako sayo. Mabait ka kahit na tinatarayan kita kaya ayokong dumating yung araw na makitang nasasaktan ka." Mahabang sabi nito na ipinagtaka ko. Magsasalita pa sana ako pero mabilis na siyang umalis. Kaya wala nakung nagawa at umalis nalang din ako sa lugar nayon.
Anong bulag at tanga? Ano bang sinasabi niya? Naguguluhan talaga ako. Napailing nalang ako at mabilis na naglakad.
"Oh ano pinag usapan niyo nung bruha nayon?" Salubong na tanong sakin ni Samantha ng makababa ako sa hagdanan.
"Wala yun, nagtanong lang sa project." Pagsisinungaling ko sakaniya at nagsimula na kaming maglakad.
"Ano bayan, pati baman project tatanungin pa sayo." Inis na sabi ni Samantha habang patungo kaming canteen. Ngumiti nalang ako ng pilit at muling natahimik dahil inaalala ko ang sinabi ni Monica ano ba kaseng gusto niyang iparating. Ayaw niyang makitang nasasaktan ako?
Ano bang sinasabi niya na masasaktan ako ays! Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
---
Maui's Pov
"Pwede ba tayong magkita mamaya sa bar?" Malanding tanong sakin ng babae na nasa harapan ko. Kinikilig ito pati yung mga kasama niya.
"Sure, mamaya nandun ako." Saad ko nakita kung namula ito at mabilis na ngumiti. Mabilis na ko na siyang tinalikuran.
"See you Maui." Dinig ko pang sabi pa niya pero napairap nalang ako.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.