Samantha's Pov
Napasigaw kami ng tumapat kay Cj ang bote.
"Dare puta!" Sigaw niya kaya nagtawanan kami.
"Gago hindi ko pa nga tinatanong kung truth or dare ba eh." Saad ni Mark sakaniya.
"Eh dare na nga diba? Paulit ulit?" Pambabara ni Cj kay Mark kaya nagtawanan kami.
Kanina pa kami nag spin the bottle pero kay Cj lagi ito tumatapat. Si Maui at Julia pa nga lang ata ang hindi pa natatapatan.
Kaya napagdesisyunan naming hindi titigil sa laro hangga't hindi sila natatapatang dalawa. Ang daya kasi huhu.
Nagawa naman ni Cj ang dare ni Mark na ikuha siya ng tubig. Dahil halos lahat na ata ng kagagauhan pinagawa na nila kay Cj.
"Ikot ko na!" Masayang sabi ni Cj at pinaikot ang bottle.
Lahat naman kami naghihintay kung kanino iyon matatapat.
At lahat kami ay napatingin kay Maui ng tumapat sakaniya ang bote. YES!
Napangisi naman sila Cj at nagtinginan sila nila James na para bang may binabalak ipagawa kay Maui.
"Maui, truth or dare?" Ngising tanong ni Cj.
"Truth." Simpleng sagot lang ni Maui. Tumango tango naman si Cj at nag-isip ng itatanong kay Maui.
"Mahal mo paba si Julia?" WHAT?!
Napanganga kami nila James sa tanong ni Cj, like hello alam na kasi namin ang isasagot ni Maui dun malamang. Oo ang isasagot niya bat kailangan yun pa?
Napairap nalang ako at tinignan si Julia na napatingin din kay Maui. Hihi cute
"Oo." See sabi sainyo eh! "Mahal na mahal." Napangiti naman ako ng yumuko si Julia dahil nakatitig sakaniya si Maui.
How i wish magkabalikan na silang dalawa.
Nakakamiss kasi yung ka-sweetan nilang dalawa, yung mga surprises ni Maui kay Julia. Yung ayos pa yung squad namin. Masaya kaming lahat walang problema.
I miss those days...
Ramdam ko ang pagtahimik namin ng marinig namin ang sagot ni Maui.
"Okay ikot ulit." Binasag agad ni James ang katahimikan.
Si Maui ang dapat magpapaikot ngunit hindi ito kumikibo. Nakatitig lang ito kay Julia na nakatingin lang sa bote na pinaikot ni James.
Napabuntong hininga nalang ako, wala naba silang pag-asa?
Hindi nalang ako kumibo at tumingin sa boteng umiikot, hinihintay kung kanino tatapat yun.
Napataas ang kilay ko ng makitang kay Julia naman tumapat yun.
Wow
Nagkatinginan kami nila Cj dahil si Maui ang magtatanong kay Julia.
"J-julia truth or dare?" Awkward na tanong ni Maui sakaniya. Napalunok naman si Julia bago sumagot.
"T-truth." Simpleng sagot ni Julia. Nakatingin lang kaming lahat sakanilang dalawa.
"Did you still love me?" I knew it yun talaga ang itatanong ni Maui.
Nakatingin kaming lahat kay Julia at hinihintay ang isasagot nito. Kinakabahan ako lalo na sa isasagot niya.
"Yes." Ganun nalang ang gulat namin dahil sa sagot niya. "Mahal padin kita Maui." Diretsang sabi niya habang nakatitig kay Maui na natulala dahil sa sagot ni Julia.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.