Samantha's Pov
Dalawang araw, dalawang araw ng nawawala si Julia. Nireport na namin sa pulis ang pagkawala ni Julia at tinutulungan nadin nila kami sa paghahanap. Gulat na gulat ang mommy ni Julia ng mabalitaan ang nangyare dito, kahit nasa singapore ay umuwi ito at tumulong sa paghahanap. Maski ang parents ni Maui at parents namin ay tumulong nadin sa paghahanap, pati mismo ang tatay ni John na hingi ng hingi ng sorry samin dahil sa ginawa ng anak niya.
Hindi namin inasa sa pulis ang lahat as much as possible sumasama kami o kaya'y tumatawag sa mga kakilala namin, maski si Maui kahit ilang beses namin siyang pagbawalan umaalis siya ng sarili niya at naghahanap siya mag-isa ayaw niyang mag stay lang sa bahay na nakaupo dahil alalang alala nadin siya kahit kami din mismo. Dalawang araw nadin kami halos walang tulog kakabantay at kakahanap. Nagbabantay kung may ibabalita ba ng maganda ang mga pulis pero palagi kaming bigo.
Napahigop ako sa kape na hawak hawak ko, nandito ako ngayon sa coffee shop para makipagkita sa client ko pag-uusapan lang naman namin ang about sa business. Agad na pumasok sa isip ko na itext si James at sakaniya nalang magpasundo dahil diretso kami kila Maui mamaya nito.
Napamura naman ako ng maalalang nakalimutan ko ang phone ko sa study table ko sa kwarto. Mag uber nalang siguro ako mamaya.
"Hi." Napatingin ako sa client ko na kararating lang, agad ko siyang pinaupo at nag order agad ng kape at slice ng cake.
Hindi nako nakipag usap pa ng kung ano ano at pinaliwanag na sakaniya lahat. Halos isang oras din kami magkausap at sa wakas natapos din kami. Nililigpit ko ang mga gamit ko ng may mahagip ang mata ko. Lalaking naka sumbrero hindi ako pwedeng magkamali si John yon!
Nagmamadali kung kinuha ang bag ko at nagpaalam sa kliyente ko. Sinundan ko si John pero dahan dahan lang dahil baka mahalata niyang may sumusunod sakaniya. Paglabas niya ng mall ay agad siyang sumakay sa sasakyan niya habang ako ay pumara ng taxi para sundan siya.
Gusto ko mang tawagan sina Maui ay hindi ko na nagawa dahil sa sobrang taranta, tinanong ko pa si manong kung pwedeng makitawag pero wala daw siyang phone. Hindi naman ako pwedeng magpahinto dahil mawawala sa paningin namin si John at hindi ko na malalaman kung nasaan si Julia. Bahala na bahala na.
"Manong dahan dahan ha, baka kasi makahalata na sinusundan natin." Kahit nagtataka ay tumango nalang siya at hindi na nagsalita.
Habang sinusundan si John ay napapatingin ako sa paligid, medyo malayo nato samin pano niya ba nakita tong lugar nato. Pumasok kami sa isang village normal na village kagaya ng samin pero mukhang nasa pinakadulo ang punta ni John.
"Liko ko muna maam, mukhang nakakahalata." Sabi ni manong hindi nako nagsalita dahil naliko na niya. Pansin ko din yon dahil kanina pa tingin ng tingin si John sa side mirror niya.
Ilang minuto kaming naghintay bago lumiko kung saan lumiko si John, at tumambad samin ang bahay. Luma pero malaking bahay. Dito niya pala tinatago si Julia, napansin ko na agad na wala manlang bintana o ibang pasukan ng bahay bukod sa pinto na pinasukan na ngayon ni John. Planado talaga!
"Dito nalang po ba kayo maam?" Tanong sakin ni kuya ng mapansing wala akong balak na lumabas.
"Manong pwedeng pahintay ako." Pakiusap ko kay manong. "Babayaran ko nalang po kayo ng malaking halaga." Kahit nagtataka ay tumango nalang siya. "May papakiusap din po sana ako." Saad ko at nilabas ang calling card ni Maui sa wallet ko.
"Pag hindi po ako lumabas ng pagkalipas ng isa o dalawang oras, makitawag po kayo at tawagan niyo yang number nayan at tumawag nadin po kayo ng pulis."
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.