Julia's Pov
Mabilis akung nag-ayos ng sabihin ni kuya na may bisita daw ako sa baba. Nagtaka din ako kung sino ito dahil imposible namang si Samantha ito dahil may lakad sila ngayon ni James. Kung si Maui naman ito ay pupunta agad ito sa kwarto ko kaya nakakapagtaka lang kung sino ito.
Mabilis akung bumaba at naabutan ko si John na seryosong nakatingin sa phone niya na halatang may binabasa. Mabilis naman akung nagtaka ng makita siyang nandito? Ano naman kaya ang ginagawa niya dito?
"John?" Pagtawag ko sakaniya dahilan para mapahinto siya sa binabasa niya. Nakangiti itong tumingin sakin at mabilis na tumayo. "What are you doing here?" Taka kung tanong at umupo sa sofa na kaharap niya lang nakita kung napakamot siya sa batok niya at dahan dahang umupo.
"Bawal bako dito?" Nahihiyang tanong niya mabilis naman akung nataranta dahil sa tanong niya.
"No, of coures not. Natanong ko lang dahil ngayon kalang dumalaw dito sa bahay may problema ba?" Tanong ko sakaniya magsasalita na sana siya ng dumating ang isa sa mga kasambahay namin may dala itong juice at snacks para sa aming dalawa. Hinintay niya muna itong makaalis bago siya huminga ng malalim at nahihiyang tumingin sakin.
Matagal nakong nagtataka kay John dahil kapag magkaharap kami palagi siyang naiilang sakin. Tapos naalala ko nung practice nila Maui ng basketball non inabutan ko siya ng towel at water non dahil wala siyang dala. Nagtaka lang ako dahil namula siya nun at halatang nahihiya siya sakin nung araw nayon.
"Gusto lang sana kita imbitahan birthday ko na kase next week. Gusto ko kase nandun ka..." Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil pabulong ito.
"Ganun ba? Oo nga pala advance happy birthday John don't worry pupunta ako." Nakangiting saad ko sa kaniya akala ko ngingitian niya din ako kaso umiwas lang siya ng tingin. Medyo na akward naman ako dahil dun naiilang kaya siya sakin?
"S-salamat." Utal niyang saad ng hindi makatingin sa akin. "A-alam na ni Maui yung about dun kaso gusto lang kita imbitahan ng personal." Napatango naman agad ako sa sinabi niya.
"Salamat din sa pag-imbita John sasabihan ko nalang si Samantha about sa party mo." Nakangiting saad ko nahihiya naman siyang tumango sa akin. Napakagat labi ako dahil sa katahimikan na bumabalot sa kapaligiran namin. "So? Yun lang ba yung pinunta mo dito?" Tanong ko sakaniya.
"A-ah hindi gusto ko din sana magpatulong na magluto." Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. "Pero kung hindi pwede ayos lang."
"Hahaha. Hindi pwede naman bakit balak mo bang maging chef?" Masiglang tanong ko sakaniya napangiti naman ako ng ngumiti siya sakin na para bang nawala ang ilang niya sakin ng ilang segundo.
"Oo pangarap ko yun kase gusto kung busugin yung babaeng mahal ko. Mahilig kase siyang kumain." Nahihiyang saad niya.
"Ang swerte naman nung girl nayon palagi siyang may pagkain." Tawang saad ko at natawa din siya. "Sino nga pala yun? Parang wala ka pang kinukwento sa akin about sa babaeng mahal mo. Si Maui palang ang nagsasabi sakin about sa girl nayun?" Para naman siyang napatigil sa tanong ko.
"H-hindi pako umaamin sakaniya kase natatakot ako eh tsaka bawal." Malungkot na saad niya habang nakatitig sa mga mata ko nalungkot naman ako dahil halatang nasaktan siya dahil sa sinabi niya. Matagal ng sinasabi sakin ni Maui na may gusto daw si John na ibang babae ang kaso daw hindi daw maamin ni John dun sa babae dahil daw natatakot siya at ayaw daw niya magkagulo.
Halata ngang mahal na mahal ni John yung girl pero mukhang malabo na maging sila lalo na sinabi ni Maui na may boyfriend daw yung girl.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at hinawakan ko ang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa. Halatang nagulat siya dahil sa ginawa ko at nagsimula nanamang mamula ang mukha niya.
"Okay lang yan marami namang iba diyan eh." Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko para mapagaan ang loob niya.
Umiling si John at napabuntong hininga.
"Mahal ko siya kahit na bawal. Kahit na mali kahit na alam kung hindi pwede patago ko siyang minamahal kaya patago din akung nasasaktan." Malungkot na saad niya habang nakatingin sa malayo. "Ilang taon nakong may gusto sakaniya Julia." Saad niya at tumitig sa akin. "First time ko lang magmahal ng ganito masarap sa pakiramdam lalo na ang lapit lapit ko lang sakaniya." Naramdaman kung pinisil niya ang kamay ko at siya naman ang humawak ng kamay ko. "K-kaso minsan masakit na lalo na hindi manlang niya alam na gusto ko siya kaibigan lang ang tingin niya sakin. Wala naman akung balak na guluhin sila ng boyfriend niya pero kapag sinaktan siya aagawin ko na." Parehas kaming natawa dahil sa sinabi niya. "I'm just kidding para namang magpapaagaw siya." Agad naman siyang nalungkot ulit. "Kahit na maraming iba diyan siya lang ang gusto ko." Nakatitig ito sa akin habang sinasabi ang mga yun mabilis akung nailang dahil sa titig niya.
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napatingin sa kamay naming magkahawak. Mabilis kung binawi yun ganon din siya.
"S-sorry." Nauutal na saad niya.
"It's okay." Nakangiting sambit ko dahil para sakin walalang naman yun. Magkaibigan kami kaya walang masama na damayan ko siya.
Nag-usap pa kami bago siya magpasya na umuwi na hinatid ko siya sa labas habang naglalakad kami palabas ay nagtatawanan kami. Dahil nagkukwento siya about sa palpak niyang pagluluto non. Palagi daw sunog yung hotdog at itlog na niluluto niya para sa kapatid niya. Ayaw naman daw ng kapatid niya na masaktan siya kaya kahit sunog kinakain ng kapatid niya.
"Salamat nga pala sa time Barbie." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niyang pangalan.
"Barbie?" Natatawang tanong ko akala ko babawiin niya ang sinabi niya pero tumawa lang din siya.
"Haha, oo yun ang tawag ko sayo. Actually matagal ko ng gustong itawag sayo yun kase mukha kang Barbie." Sabay kaming natawa dahil sa dahilan niya.
"Okay kung ako si Barbie ikaw naman si Ken." Nakangiting sambit ko at huminto kami sa paglalakad ng makarating kami sa harap ng sasakyan niya na nasa labas ng bahay.
"Ken? So ako yung Ken mo? I mean yun na ang itatawag mo sakin?" Naiilang na tanong niya at nilabas ang susi ng kotse niya.
"Haha oo kase ikaw may tawag ka sakin kaya dapat ako din may tawag sayo. Bakit bawal ba Ken?" Diniinan ko ang pagkakasabi ng 'Ken' kaya natawa siya.
"Sige na nga aarte paba ako?" Nahampas ko naman siya dahil sa naging sagot niya wala naman palang masama kay John. Masarap siyang kasama napapatawa niya ko at palangiti pala siya akala ko nung una ang sungit niya.
"So paano? Bye na Ken see you sa school." Natawa siya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko nakanguso ko naman siyang hinampas at inayos ang buhok ko na ginulo niya.
"See you Barbie." Kumakaway pa ito bago tuluyang umalis.
Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse niya at nagpasiyang pumasok na sa loob ng mapatigil ako dahil may humintong sasakyan sa harapan ko. Akala ko bumalik si John pero ibang sasakyan ito. Kulay pink na halatang babae ang gumagamit.
"Monica?" Mahinang sambit ko ng lumabas si Monica mula sa sasakyan naka shades ito at halatang ngumunguya ng bubble gum. Dahan dahan niyang tinanggal ang shades niya at nakangising tumingin sa akin. Lumapit ito sakin at naamoy ko ang matapang niyang pabango.
"Hey Julia, can we talk?" Ngising tanong niya.
Ano naman kayang pag uusapan namin kahit na ang daming tanong sa isip ko ay pinapasok ko nalang siya sa loob para malaman ang pag-uusapan namin hindi ko alam pero kinakabahan nako. Lalo na si Monica ang makakausap ko.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.