Maui's Pov
"Ang aga mo namang nandito Maui?" Natatawang tanong sakin ni Monica pero hindi ko siya pinansin.
"Susunduin ko lang yung girlfriend ko." Madiing sabi ko, at hindi tumitingin sakaniya.
"Girlfriend? Ang pagkakaalam ko hindi na kayo? Break na kayo diba? Kaka break niyo lang kagabi. Umalis kana wala siya dito." Saad niya ng ikinainis ko. Sinungaling talaga.
"Talaga? Wala siya dito? Ganiyan din yung sinabi mo samin kagabi." Inis na sabi ko sakaniya. Tumawa siya ng ikinainis ko lalo.
"Umuwi na siya dahil sinundo na siya kanina ni Mat, kaya wala ka ng Julia na makikita dito. Umalis kana." Madiing sabi niya sakin.
"Fuck." Saad ko at mabilis na bumalik sa sasakyan ko para pumunta sa bahay nila Julia. Hindi ko na pwedeng patagalin to, kailangan ko na siyang makausap agad agad.
"Babe hinayaan kita kagabi pero hindi nako papayag na hayaan ka ngayon babalik ka sakin sa ayaw at sa gusto mo! Damn! Julia i love you!" Saad ko habang nakahawak ng mahigpit sa manibela ng sasakyan ko.
Monica's Pov
"Okay na, Julia wala na siya." Sabi ko pagkapasok ko ng bahay.
"Mabuti naman." Malungkot na saad niya at mukhang nakatingin siya samin kanina ni Maui habang naguusap. Dahil nasa pintuan siya ng bahay. Malungkot naman akung tumingin sakaniya.
"Seryoso kaba diyan sa plano mo?" Nag aalalang tanong ko sakaniya, mabilis naman siyang tumango. "Pero pano kung hindi pumayag ang family mo?" Mabilis na tanong ko sakaniya.
"Maiintindihan naman nila yung desisyon ko, tsaka nandiyan ka naman eh." Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"So akala mo friends na tayo? Eww." Kunyareng sabi ko at natawa siya pero hindi katulad dati ng nakikita ko. Napabuntong hininga nalang ako. "Pag isipan mo ng mabuti Julia." Seryosong sabi ko.
"Buo na yung desisyon ko hindi ako makaka-move on kung nandito ako." Saad niya at mabilis na nangilid ang luha niya.
"Sigurado kana ba talaga?..." Nag aalalang tanong ko. "Julia malayo ang U.S." Nag-aalalang sabi ko.
Nabanggit ko kay Julia na sa U.S nako magtatapos ng college dahil nga kay Daddy.
Dun niya ko gustong pag-aralin wala naman akung magawa kaya sumunod nalang ako. Hindi ko naman alam na gusto palang sumama sakin ni Julia.
Nung una ayoko, malayo ang U.S alam kung papayag si Dad pero baka hindi pumayag ang pamilya niya. Pero ng malaman ko ang rason niya pumayag nadin ako.
Ang gusto ko lang din naman sumaya na ulit si Julia. At makalimutan na niya ang gago niyang boyfriend, i mean ex-boyfriend.
Julia's Pov
"Ito na yung mga gamit mo." Sabi ni kuya sabay baba ng mga maleta ko na dala-dala niya.
"Salamat kuya, nasabi mo naba kay Mommy?" Nag aalalang tanong ko at mabilis na kinuha ang gamit ko.
Hindi nako nakapag-paalam sakaniya ng personal dahil nga wala siya sa bahay.
"Yes, at bago ka umalis mag usap daw kayo susunod siya sa airport." Sabi niya sa akin.
"Sigurado kaba talaga sa plano mo? Hindi mo naba mababago yun?" Malungkot na tanong ni kuya sa akin, napatingin naman ako kay Monica at napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.